CHAPTER 22

119 5 4
                                    

KIRA'S POV

Nandito kami ngayon sa school ng mga bata, andaming tao.

Maraming palaro, papremyo, at pagkain dito.

Masayang-masaya ang lahat.

Pinagmasdan ko ang mga anak kong nakikipaglaro sa ibang bata.

May galak sa kanilang mga ngiti, ang ngiti nila ay siyang dahilan rin ng aking pag ngiti.

"Ang bilis nila lumaki." Saad ni Lynx, I heard him chuckled before intertwining our fingers.

"Nalulungkot ako ang bilis nilang lumaki, wala na akong bebabyhin." Nakasimangot kong ani habang nakatingin sa magkasaklop naming kamay ni Lynx.

"Edi ako na lang." Pagbibiro nito.

Hinila ko ang kamay ko saka siya pinalo sa braso.

"Gago!" Sigaw ko saka siya inirapan.

Narinig ko ang malakas na pagtawa nito, kaya masama ko siyang tinignan.

Matapos ang event sa school ay namasyal kami sa Park gaya ng ipinangako ni Lynx sa mga bata.

We bought toys for the kids, we ate a lot, we spent the day together.

Hanggang sa napagod na ang mga bata.

Andito kami ngayon sa kotse nasa backseat ang mga bata, tulog na.

Si Lynx ay tahimik na nagmamaneho, while me nag seselpon dito sa passenger seat.

Malapit lapit na rin naman kami sa bahay.

Ibinaba ko ang phone ko bago ako humarap kay Lynx at nagsalita.

"Thank you Lynx." Maiksi kong saad saka ngumiti.

Hindi ako nilingon nito at patuloy lamang sa pagmamaneho pero nakita ko ang pag ngiti at pagkislap ng mga mata nito.

"No need to thank me, it's my responsibility." Turan nito habang nakapako pa rin ang mga ngiti sa kaniyang labi.

"It's not, hindi naman ikaw..... Naranasan mo tuloy maging ama kahit wala ka pa talagang anak." Sagot ko dito.

"I'm contented for what I have now. It's all thanks to you and the kids, I've experienced things na talagang nakapagpapasaya sa'kin." Saad nito.

Hindi na ako umimik pa nang makarating na kami sa garahe ng bahay.

Sabay kaming bumaba ni Lynx ng sasakyan at binuksan ang backseat para kuhain ang mga batang tulog.

Kinuha ko si Luke at si Lucas naman kay Lynx.

Grabe ang pagod nitong mga batang to, hindi man lang nagising hanggang maihiga namin sila sa kama nila.

Nakita ko si Lynx na pumasok na sa kwarto niya kaya pumasok na din ako sa kwarto ko.

Nagbihis lang ako ng pangbahay saka nahiga sa malambot kong kama.

Nakakapagod talaga ang araw na to, pumikit muna ako para magpaantok.

Napadilat ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Nakita ko si Lynx na nakasuot ng coat, he's so handsome not gonna lie.

Nakasad face ito at parang iiyak nang magtagpo ang mga mata namin.

Bumangon ako sa pagkakahiga bago nagsalita.

"Bakit ganyan suot mo?" Tanong ko dito. "It's 10 PM don't tell me ngayon ka aalis?" Dagdag ko pa.

Hindi ito sumagot, naglakad lang siya papalapit sa'kin saka nahiga sa kama ko.

Umunan pa ito sa binti ko saka yumakap sa tiyan ko.

"A-ano ba yun??" Nahihiya kong tanong, hindi naman kasi siya ganito kapag aalis siya.

"Ngayon na ko aalis, nagkaproblema bigla sa company namin ei...I'll miss you.." Mahina niyang saad.

"L-Lynx naman ei one week lang naman, I'm sure kaya mo yan." Ani ko sa kaniya.

Bumangon ito sa pagkakahiga saka inayos ang suot niya.

"Lock all the doors pagkalabas ko ah." Paalala pa nito bago lumabas.

Narinig ko ang pagbaba nito, kaya agad akong bumangon at bumaba din.

Nakatayo lang ako sa pinto habang pinagmamasdan siya.

Pagsarado niya ng trunk ng kotse ay tumingin pa ito sa'kin bago tuluyang pumasok sa driver seat.

Narinig kong nagstart na ang engine ng sasakyan, napatingin ako sa bintanang bumaba.

Natawa ako nang makita ko ang mukha ni Lynx na naka pout na parang ayaw na ayaw umalis.

Umandar na ang sasakyan niya nag wave wave pa ko ng kamay ko habang tinitignan ang papalayong sasakyan.

Isinara ko na ang pinto nang hindi ko na makita pa ang sasakyan ni Lynx.

Sinigurado kong nakalock lahat ng pinto, bintana, at ano pang pwedeng pasukan.

Dahan-dahan ang lakad ko papunta sa kwarto dahil natutulog na din ang dalawang bata.

Nakatingkayad pa ako habang tinutungo ang kwarto. Pag magising kase sila hindi na yan matutulog uli.

Maglalaro na lang sila hanggang mag umaga na.

Successful akong nakapasok sa kwarto ko nang walang nagigising na bata.

Nanalangin muna ako bago matulog.

"Panginoong makapangyarihan sa lahat ng nilikha, patawad po sa mga pagkakasalang aking naisip, nagawa at nasabi sinasadya man po o hindi."

"Panginoon maraming salamat din po sa pang-araw-araw na biyaya lalo na sa pang-araw-araw na buhay, salamat po at ako'y biniyayaan niyo ng anak na kasama ko araw-araw. Salamat din po at ako'y binigyan ninyo ng katuwang sa pagpapalaki ng aking mga anak."

"Panginoon ako po'y humihiling na sana ay makarating si Lynx sa kaniyang patutunguhan nang ligtas, panginoon nawa'y gabayan mo po kami. Ako rin po'y humihiling ng proteksyon para saming mag-iina na narito sa bahay, ibalot mo ang aming tahanan sa iyong banal na dugo."

"Nawa po'y nakarating na sa inyo ang aking panalangin, selyohan mo po ito ng iyong banal na dugo, sa matamis na pangalan ni Hesus, Amen." Pagtatapos ko sa aking panalangin.

Nahiga na ako sa kama at binalot ng kumot ang sarili ko.






"X-Xanth??" Patanong kong saad nang makita ko ang isang lalaking nakatalikod.

Nakatalikod ito pero kilalang-kilala ko.

Narito pa rin ako sa kwarto ko, paano siya nakapasok?

"Why did you run away from me?" Tanong nito, bakas sa boses niya na siya'y lumuluha.

Hindi pa rin ito humaharap sa akin.

May hawak itong patalim na may bakas ng dugo kaya kinabahan ako.

Agad akong kinabahan ng maisip ko ang mga anak ko sa kabilang kwarto.

"P-paano mo nalamang andito ako? Paano k-ka naka p-pasok?!" Tanong ko, nag kacrack ang boses ko dahil sa tensyon.

Humarap ito sa'kin, may saksak ito sa bandang dibdib.

"A-anong nangyari sayo?? Sinong gumawa sayo nyan?? X-Xanth..."

"Ikaw ba ang sumaksak sa sarili mo??" Lumuluha kong tanong sa kaniya.

Nag-angat ako ng tingin upang makita ang mukha niya.

Ang mga mata niya...

Lumuluha ng dugo..


-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now