CHAPTER 21

159 5 3
                                    

TIMES SKIP: 4 YEARS



KIRA'S POV

Pagpasok ko ng bahay ay sinalubong ako ng mga anak ko.

Yumakap sila sa magkabilang binti ko. Lumupagi ako para magkapantay kami.

"How's your day my babies?" Tanong ko sa kanila saka halik sa magkabila nilang pisngi.

"Mama, kuya and I leawned the alphabet." Sagot sa'kin ng nakababatang si Luke.

"Oh really? Galing naman talaga ng mga baby ko na yan, kanino ba nagmana yan?" Puri ko sa kanila saka sila niyakap nang mahigpit.

"Ikaw kuya Lucas? How's your day?" Tanong ko naman sa panganay kong anak.

"Sabi po ni teacher may event taw po bukas ta ischool." Saad nito, bakas sa mukha niya na bahagya itong nalungkot.

"What kind of event baby?" Tanong ko dito, umupo ako sa sahig saka sila iniupo sa magkabilang hita ko.

"Family day taw po ma." Sagot nito habang nakatingin lang sa sahig.

"Why are you sad? Pupunta naman kami ni Tito mo." Tanong ko rito.

"Mama I want to meet my real papa na." Saad nito kasabay ng pagpatak ng luha niya sa mata.

"Baby naman.. napag-usapan na natin to diba? Besides, anjan naman si Tito Lynx mo ei." Pagpapaliwanag ko dito.

Hindi na ito nakaimik pa.

Hinalikan ko silang muli sa pisngi bago nagsalita ulit.

"Where's your Tito pala?" Tanong ko sa dalawa dahil hindi ko pa nakikita si Lynx mula pagkauwi ko.

"May bibilihin lang taw po ta labat." Sagot ni Luke.

"Ei si Ate Minerva?" Pagtatanong ko uli.

"Nasa taas po naglilinis lang." Sagot naman ni Lucas.

"Kayo talaga, sabi ko ligpitin niyo mga toys niyo ei para hindi nahihirapan si Ate Minerva. Nako nako." Pagrereklamo ko sa kanila.

Tumayo ako sa pagkakaupo nang may marinig akong busina ng sasakyan.

"Yehey! Andyan na si Tito." Saad ni Luke saka tumakbo palabas upang salubungin ang Tito niya.

Habang si Lucas naman ay agad na umakyat sa taas.

Pagpasok ni Lynx ay karga-karga nito si Luke na may hawak na bagong laruan.

Sa isang kamay naman ni Lynx ay may hawak itong bouquet of flowers.

Ibinaba nito si Luke na agad tumakbo sa kuya niya na nasa taas.

"Flowers for you Ms. Ma'am." Nakangiti nitong saad saka iniabot sa'kin ang bulaklak.

Malugod ko itong tinanggap saka siya nginitian.

"Sows nag-abala ka pang lumabas para bumili nito, thank you." Pagpapasalamat ko rito.

Humalik ito sa pisngi ko saka umakyat.

Apat na taon ang makalipas nang makita ko ang divorce paper na nagdulot ng matinding kalungkutan sa'kin.

Hindi ko inaakalang makalipas lang ang isang taon ay magsisilang ako, hindi lang isa ngunit dalawa.

Xyviant Lucas Ford

Xanthzy Luke Ford

Hindi ko alam na magbubunga pala ang huling pagmimilagro namin ni Xanth.

Malungkot ako habang dinadala ko sila, halos araw-araw akong umiiyak dahil hinahanap-hanap ko si Xanth.

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now