CHAPTER 1

456 5 0
                                    

KIRA'S POV

Bigla akong nagising nang may kumatok sa pinto ko, agad akong tumayo upang buksan iyon, bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Yaya Pen habang may dalang breakfast.

"Good morning po Ma'am Kira, here's your breakfast po." Nakangiting saad ni Yaya Pen.

Malugod ko itong tinanggap.

"Thankyou!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"May pupuntahan daw po kayo ni sir mamaya, before 12 daw po ang alis niyo."

"Copy, thank you ulit."

Yumukod ito bago umalis sa harap ko. Sinarado ko ang pinto saka tumungo sa desk ko habang dala dala ang almusal ko. Inopen ko ang laptop ko at tinignan ko lang sa notes ko kung meron ba'kong appointment ngayong araw.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang nakalagay sa notes ko. Bumalik ako sa malambot kong kama saka inubos ang almusal ko.

Tinungo ko ang cr na nasa kwarto ko lang, saglit lang akong naligo saka pumunta sa walk-in closet ko.

Hindi naman sinabi ni Yaya kung saan kami pupunta ni Dad, kaya kumuha na lang ako ng oversized t-shirt na black tsaka denim shorts.

Inilugay ko lang din ang mahaba at wavy kong buhok.
Kumuha din ako ng sling bag tsaka ko inilagay ang phone and wallet ko dun.

Bumaba na ako saka tinungo ang garden kung nasaan si Dad.

Napangiti ako nang makita ko sila na masayang nagtatawanan ng bunso kong kapatid.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Dad, kumandong sakin ang bunso kong kapatid saka humalik sa pisngi ko.

15 years ang pagitan namin ng kapatid ko, I'm currently 19 years old pero may naiaambag na'ko sa kompanya namin.

Tinanong ko si Dad kung saan kami pupunta. Ngumiti ito sakin bago sumagot.

"Secret." Tumatawa niyang saad.

Sinamaan ko siya ng tingin, saka tinungo ang kotse. Nakasakay na ang driver namin.

Sumakay ako sa backseat, si Dad naman ay nasa passenger seat. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Sa sobrang bored ko ay inopen ko ang cp ko at nag scroll sa tiktok.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Pagbubuksan pa sana ako ng driver namin pero sinenyasan ko siyang wag na.

Nakasunod lang ako kay Dad.

Pumasok kami sa isang Mansion na mas malaki ng kaunti sa bahay namin.

Sinalubong kami ng dalawang lalaki.

May sinabi sila kay Dad, ano kaya yun na cucurious tuloy ako.

Lumapit sakin si Dad at sinabi na may pag-uusapan lang sila saglit. Kaya dito muna ako sa sala.

Inilibot ko ang paningin ko sa bahay.

Nakita ko si Ma'am Jean na papalapit sa'kin habang may ngiti sa labi.

Tumayo ako at agad na yumakap sa kanya. Hindi ko alam na sakanila pala ang Mansion na'to.

Si Ma'am Jean ay isa sa mga business partner ni Dad, malaki rin ang shares nila sa kompanya namin, kahit meron silang sariling kompanya.

Wala akong masyadong alam sa kaniya pero close kami.

"Kamusta ang byahe hija? Hindi ka ba nagutom?" Tanong niya.

"Hindi naman po, medyo inaantok lang." Saad ko.

"Gusto mo bang matulog?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now