CHAPTER 15

217 4 2
                                    

LEWIS'S POV

I stared at my wife peacefully sleeping beside me — mukhang napagod kagabi.

Narinig kong nag ring ang phone ko kaya bumangon ako at lumabas para sagutin iyon.

Nakita ko ang pangalan ng caller, tsk! talaga ba Clifford aga aga, ano kaya kailangan nitong gagong to?

I swiped my phone to answer the call.

"Zup man?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Where the hell are you? Kasama mo ba si Kira?" Sunod-sunod nitong tanong, kinabahan ako bigla sa tono ng pananalita ni Clifford.

"We're out for a date. Why? Did something happen?" I asked full of confusion.

"Kira's father — was assassinated." Saad nito, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon, paano ko sasabihin kay Kira?

"You know what to do." Ani ko saka ibinaba ang tawag, I'll make sure na magbabayad ang gumawa nito sa father-in-law ko.

Bumalik ako sa kwarto, gising na si Kira — lumapit ako sa kaniya at sumubsob sa dibdib niya saka pumikit.

"Good morning my love, may nangyari ba? You look so pale." Pagtatanong ni Kira sa'kin.

"Kailangan nating umuwi ng Pilipinas." Saad ko habang nakasubsob pa rin sa dibdib niya, ang lambot.

"Yehey! Makikita ko na uli sila Dad." Masayang sabi ni Kira. Biglang kinurot ang puso ko, hindi niya alam na sa pagkikita nila uli ng Dad niya ay nasa kabaong na ito.

Sabay na kaming naligo ni Kira para tipid sa tubig.

"Bago to ah kadalasan pag naliligo tayo hindi lang ligo ang nangyayari ei." Nakangising saad ni Kira.

Pinitik ko ng mahina ang tungki ng ilong nito bago nagsalita.

"We're in a hurry baby." Saad ko saka siya sinabunan, kailangan na rin talaga naming magmadali dahil may mga nakaabang sa'min sa labas ng restaurant.

Hanggang saan ba ang kaya nilang gawin para lang mapabagsak ang kompanya namin.

Na contact ko na si Clifford na sunduin kami sa rooftop ng restaurant gamit ang helicopter.

Nagsuot lang ako ng cargo pants tsaka white shirt. Naglagay ako ng dalawang maliit na knife saka isang pistol sa bulsa ng pants ko.

Si Kira naman ay naka shorts at oversized shirt na kulay khaki.

Hinawakan ko ang kamay ni Kira saka kami lumabas, tinungo namin ang daanan paakyat ng rooftop.

Pagkabukas ko ng pinto ay nandon na si Clifford sa helicopter.

"Hindi ba tayo dadaan sa bahay?" Tanong ni Kira habang naglalakad kami papuntang helicopter.

"Hindi baby ei, diretso na po tayo sa airport." Saad ko saka mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Kira.

Tinulungan ko si Kira paakyat ng helicopter saka ako sumakay. Nagsuot lang kami ng headphones saka nag take-off ang helicopter.

Sumandal si Kira sa balikat ko saka siya tumikhim.

"Is there something bothering you?" Pagtatanong ko dito.

"Ang bigat ng pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari." Niyakap ko si Kira saka pinatakan ng halik ang noo niya.

"I'm here wifey, I'll protect you."

"Nagugutom na'ko." Pagrereklamo nito.

Hell nah hindi pa pala kami nakakapag breakfast.

"Later na baby sa plane." I softly said.

Nasa airport na kami kaya bumaba na kami ni Kira para sumakay sa private plane namin. May mga men in black na nakapalibot sa'min.

Niyakap ko si Kira saka kami yumuko nang may nagpaputok ng baril.

"What the hell hanggang dito ba naman." Saad ni Clifford sabay kasa ng baril niya.

"A-anong nangyayari Xanth?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Kira.

Pinahid ko ang luha ni Kira sa pisngi niya tsaka siya hinalikan sa pisngi.

"You're safe with me don't worry." Saad ko.

May trauma si Kira sa mga baril kaya hindi ako pwedeng umalis sa tabi niya.

Nakipagpalitan ng putok ng baril ang mga tauhan ko sa mga nagbabanta sa'min.

Yakap-yakap ko lang si Kira hanggang sa nagsitakbuhan na ang mga nagpaputok sa'min kanina.

Ilan sa mga tauhan ko ay may tama, ngunit wala namang nalagas.

Binuhat ko si Kira saka dali-daling naglakad papuntang private plane namin, baka mamaya may mga nakaabang pa sa'min.

Lakad takbo ang ginagawa ko hanggang sa makapasok na kami sa plane, tulala si Kira habang nasa mga braso ko.

Dinala ko siya sa kwarto saka siya inilapag sa kama.

"You're safe now baby. I'm here." I said then hugged and kissed her forehead.

Yumakap ito sa'kin ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Bakas rin sa mukha niya ang takot.

Nang bata pa kasi ito ay naka encounter din sila ng ganitong tagpo, isinama siya ng kaniyang ama para sa business conference.

But a tragedy happened, nang araw na iyon habang papunta silang kompanya ay pinaulanan din sila ng bala.

Pareho sila ng ama niya na tinamaan, luckily they both survived. Pero nagdulot ito ng trauma kay Kira. She was just 6 years old when that incident happened.

Nakita ko siya noon nang nakaratay siya sa hospital, that was the first time I've seen her. And ever since that day I've been in love to her.

Even though I was only 8 years old back then I promised my self that someday I'll marry her, and only her.

"X-Xanth.." mahinang sabi nito habang nakayakap sa'kin.

"Do you need anything? May masakit ba sayo?" Pagtatanong ko sa kaniya, I'm so worried.

"Nagugutom na'ko." Walang buhay nitong sagot, she's still trembling in fear.

"Antayin mo'ko dito, kukuha lang ak-"

"Wag mo'kong iwan dito!." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang putulin niya ako. Bakas sa boses niya ang takot, bigla itong humagulgol ng iyak saka yumakap sa'kin ng sobrang higpit na tila ayaw akong pakawalan.

"Stop crying na, I won't leave you." I said in a soft voice.

Hindi na ito sumagot, nakayakap lang siya sa akin.

Naramdaman kong biglang bumigat ang paghinga nito, hindi pa kami nakakakain nakatulog na siya.

Inihiga ko siya saka kinumutan. I took some wipes then wiped the tears on her cheeks. I also wiped the sweat from her forehead and neck.

Nagtipa ako ng message saka yun sinend kay Clifford.

"Hey bro, could you get some sandwich and milk for my wife?"

"Yeah, sure no problem.". Reply nito.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Clifford na may dalang tray na may lamang sandwich at gatas.

Tumayo ako para kunin ang dala niya.

"Thanks man." Saad ko saka siya tinapik sa balikat. Lumabas na rin siya kaagad.

Inilapag ko lang sa table ang pagkain ni Kira. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kama, naupo ako sa tabi ni Kira saka siya hinalik halikan sa mukha.




-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now