CHAPTER 16

155 4 0
                                    

KIRA'S POV

Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa'kin.

Pagbukas ng aking mga mata ay nakita ko si Xanth, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Naupo ako sa kama at isinandal ang ulo ko sa headboard.

Bumangon ito saka may kinuha sa mesa. Nagtataka ako kung ano iyong hawak niya, hindi ko kasi makita dahil natatakpan ng likod niya.

Pumihit ito paharap sa'kin saka dahan-dahang naglakad. May dala itong tray na may sandwich at gatas.

Nang makita ko iyon ay agad akong nakaramdam ng gutom, wala pa pala kaming kain simula kaninang umaga.

Naupo si Xanth sa tabi ko, inilapag niya ang tray sa gilid ng kama saka niya kinuha ang sandwich.

Itinapat niya yun sa bibig ko kaya kumagat ako, nagugutom na talaga ako.

Kinuha ko ang sandwich sa kamay niya saka yun itinutok sa bibig niya.

"Sayo yan ei." Pag-iinarte nito.

Pinandilatan ko ito ng mata dahilan para kumagat siya sa tinapay. Tama yan makuha ka sa tingin.

Yumapos ito sa bewang ko, hinalikan niya ang tiyan ko saka ito umunan roon.

"I'm sorry my love, nagutom ka dahil sa pagmamadali ko." Paghingi nito ng tawad.

Inilapag ko ang hawak-hawak kong sandwich saka ginulo ang buhok niya.

"Ayos lang sa'kin yun, ang mahalaga ligtas tayong dalawa." Pagkocomfort ko dito.

Kinuha ko ang sandwich tsaka yun kinagatan ulit.

Tahimik lang kami ni Xanth, nakaunan pa rin siya sa tiyan ko, parang nakatulog na nga ata.

Minadali kong ubusin ang sandwich tsaka ininom ang gatas na nasa tray.

Hinawakan ko ang mukha ni Xanth saka ito itinapat sa'kin ng bahagya.

Sinuklay ko ng daliri ko ang buhok niya. Hinalikan ko ito sa pisngi at noo saka pinagdikit ang noo namin.

Akala ko'y mahimbing na itong natululog ngunit nagulat ako nang tinugon nito ang halik na iginawad ko sa mga labi niya.

Sinapak ko ito sa dibdib nang bigla itong ngumisi.

"I thought you were sleeping." Ani ko saka nag-iwas ng tingin.

"No I'm not, I just closed my eyes." He chuckled.

I just rolled my eyes.

I stared into his gray eyes, parang may problema siyang hindi ko alam.

"What's wrong?" Pagtatanong ko dito dahil bigla itong natahimik at natulala.

Hindi pa rin ito umiimik kaya tinapik ko ang pisngi niya ng mahina.

He sighed and closed his eyes.

Sigurado na akong may problema ito, bakit ayaw niyang sabihin sa'kin?

I caressed his face ang kissed the tip of his nose.

"If there's a problem, I'm here to listen." I said while looking in his eyes.

Yumakap ito sa'kin na parang batang nagsusumbong sa ina.

Nang makapag landing na ang plane na sinasakyan namin ay lumabas na kami ng kwarto.

Umaga na kami nakarating, mula Canada papuntang Pilipinas.

Tinungo namin ang sasakyang nag-aantay sa'min. Naupo kami ni Xanth sa backseat.

Hawak-hawak ni Xanth ang kamay ko buong byahe. Mahigit 1 oras din kaming nag byahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng mansion namin.

"Bakit ang daming nakapark na sasakyan?" I confusedly asked.

Humigpit ang hawak ni Xanth sa kamay ko.

Inakay ako nito palabas ng sasakyan hanggang sa pagpasok namin sa gate ng mansion, hindi pa rin nito sinasagot ang tanong ko.

Pagpasok ko sa pinto ay parang nanghina ang buong katawan ko.

Napaluhod ako sa sahig at nanlalabo ang paningin.

Pinagtinginan ako ng mga katrabaho at kaibigan nina Mom at Dad, maging ang mga kamag-anak namin ay nandito rin.

Lumapit sa'kin si Xanth saka ako inalalayang tumayo.

Hindi ko na napigilang humagulgol nang makita ko ang kapatid kong si Shakira. Tumakbo ito papalapit sa akin.

Namamaga ang mata niya, maging si Mom ay ganun din. Yumakap ito sa binti ko at nag-iiyak.

"Mom." Paos kong tawag kay mama.

Kinuha ni Xanth si Shakira at kinarga ito, inakay din ako nito papalapit kay Mom na nasa gilid ng kabaong ni Dad.

"A-anong nangyari kay Dad?!" Humahagulgol kong tanong kay Mom.

Tumayo ito saka yumakap sa'kin, umiyak siya sa balikat ko. "He was assassinated Kira." Nahihirapang saad ni Mom saka mas lalong umiyak.

Humiwalay si Mom sa'kin saka muling naupo at doon umiyak.

Humawak ako sa kabaong ni Dad, umiyak ako nang umiyak.

"Sinong hayop ang gumawa nito sayo Dad? Magbabayad sila, pagbabayarin ko sila." May diin kong saad.

Nakita kong papalapit sa'min ang mga magulang ni Xanth.

Nagtungo kami ni Xanth sa kwarto ko, kasama namin si Shakira. Nakakalungkot isipin, 5 years old pa lang si Shakira, from now on lalaki siyang wala si Dad sa tabi niya.

Naupo kami ni Xanth sa higaan, inilapag din nito si Shakira na walang tigil ang pagluha.

Niyakap ako ni Xanth saka hinagod ang likod ko upang pakalmahin ako, ngunit kahit anong gawin niya ay patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko.

Ang unang lalaking minahal ako at tinanggap ako ay tanging ala-ala na lamang.

"Shakira." Tawag ko dito habang yakap-yakap pa rin ako ni Xanth.

"Hmmm?" Lingon nito sa'kin.

"Come here baby." I opened my arms for a hug.

Lumapit ito sa'kin saka nakiyakap sa'min ni Xanth.

Ilang sandali lang ay biglang bumukas ang pinto, na ikinabigla namin.

Nakita namin sina Sir Luci at Ma'am Jean. Humiwalay kaming tatlo sa pagkakayakap nang lumakad sila papalapit sa'min.

"What're you doing here?" Malamig na tanong ni Xanth sa mga magulang niya, siniko ko ito ng mahina sa tagiliran dahil sa inaasta niya.

Hinuli naman ng kamay niya ang kamay ko habang nakatingin siya sa mga magulang niya.

"Dominique is our business partner and friend at the same time. Our deepest condolences Kira and Shakira." Saad ni Sir Luci.

Tumango lang ako at pilit na binabawi ang kamay kong hawak ni Xanth, ngunit masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya roon kaya sumuko na lang ako.

"Bumababa ang sales ng kompanya natin Xanth, dahil sa nangyari kay Dominique." Saad ng Mom niya.

"Kailangan nating maghanap ng papalit sa kaniya." Dagdag pa ni Sir Luci.

"Can we not talk about that right now?" Walang buhay na tanong ni Xanth.

Binitawan ni Xanth ang kamay ko sa lumabas ng kwarto, sumunod naman sina Ma'am Jean at Sir Luci sa kaniya.

Naranig kong nagtatalo silang tatlo, kinuha ko si Shakira at niyakap ito.




-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now