CHAPTER 25

124 4 0
                                    

KIRA'S POV

Another week have passed, still no sign of Lynx.

I can't contact his phone, cannot reach na siya lagi.

Busy ang dalawa kong anak sa paglalaro, andito lang kami sa sala.

Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan sila.

Magkasundong-magkasundo talaga.

Agad akong tumayo nang marinig ko ang pamilyar na beeping sound ng kotse ni Lynx.

Tumakbo ako palabas ng pinto, I knew it.

Kotse ni Lynx, nag-aantay akong bumaba siya mula roon, nasa pinto lang ako.

Biglang naglaho ang ngiti sa labi ko nang hindi si Lynx ang bumaba doon.

I saw a girl, wearing a white dress and coat.

Halos lahat ng suot niya white, pati ang kutis at suit case na dala niya ay puti din.

Lumapit ito sa'kin at naglahad ng kamay.

Kinamayan ko naman ito even though I'm still confused, who's this girl? Anong ginagawa niya dito? Bakit nasa kotse siya ni Lynx? And where's Lynx?

Ipinakita niyo sa'kin ang business card niya habang nagpapakilala.

"Vanessa Passiolan, 26 years old from company BSR1 Inc. Lynx's secretary." Pagpapakilala nito.

"Ano pong sadya nila?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi pa siya nakakasagot kaya inaya ko siyang pumasok sa loob ng bahay, ibinukas ko ng maluwag ang pinto.

"Dito po tayo." Saad ko saka siya iginaya sa sala, pinaupo ko siya sa sofa.

"Luke, and Kuya Lucas pwede dun muna kayo sa room niyo? May pag-uusapan lang kami."

Agad naman silang tumayo at niligpit ang mga toys nila sabay takbo sa taas.

"Kukuha lang po ako ng pakai-" She cut off my words before finishing it.

"Hindi na kailangan, aalis din ako agad may importante lang akong sasabihin."

Naupo ako sa sofa kaharap ng inuupuan niya. Naglabas ito ng mga papel sa suit case niya saka iyon isa-isang binasa.

Just as she said, wala pang 5 minutes tapos na siya sa sinasabi niya.

I couldn't believe, lahat ng papel na hawak niya ay papel ng mga pag-aari ni Lynx.

Bahay, kotse, mansion, all his money and business cards, lahat iyon.

Ipinamana niya sa'kin at sa mga anak ko.

I can't believe.

"Bakit naman po iyon gagawin ni Lynx? Nasaan po ba siya?" Tanong ko kay Ms. Passiolan.

"Wag ka sanang mabibigla, but Lynx's body is now an ash. He's plane crashed due to unknown reason, still under investigation."

Biglang tumahimik ang kapaligiran. Para akong tinakasan ng katinuan nang bigla akong humagulgol.

Hindi ko na alintana na makita ako ni Ms. Passiolan sa ganitong kalagayan na halos magwala na.

Humawak ito sa balikat ko bago muling nagsalita.

"If you want na ikaw mag keep ng ash niya, nasa business partner niya. I'll give you the number if you want."

Tumango-tango ako habang nagpupunas ng luha kong tuloy-tuloy sa pagbagsak.

May inabot itong maliit na business card sa'kin, na tanging number lang ang nakalagay.

Isinilid ko iyon sa bulsa ng suot kong short, mamaya ko na lng siya tatawagan.

Tumayo si Ms. Passiolan at agad na binuksan ang suit case na dala niya, nakahilera dito ang iba't ibang susi.

"I'll leave this suit case to you. Andito lahat ng papers and susi ng properties ni Lynx."

"I'll take my leave, good bye" Saad niya.

"Salamat." Saad ko tsaka siya ihinatid sa pinto.

"Siya nga pala may ibinilin din sa'kin si Lynx bago siya magbyahe papuntang Russia."

"A-ano yun?" Tanong ko dito.

"Kailangan niyo ng lumayo sa lugar na to dahil masyado ng mapanganib, nakasulat sa papers kung saan kayo lilipat."

"Pupunta uli ako dito bukas para sunduin kayo, pack your things na para bukas ready na." Paliwanag niya.

Wala na akong ibang nagawa kundi tumango at sumang-ayon sa kaniya.

"Iiwan ko na lang kotse dito, magpapahatid na lang ako sa kapatid ni Lynx." Saad niya saka tuluyang naglakad papalayo.

Hanggang sa hindi ko na siya makita pa.

Kinuha ko ang business card sa bulsa ko saka ko idinial ang number sa phone ko.

Pagkaring na pagkaring ko ay agad itong sinagot ng tinawagan ko.

"H-hello?" Panimula ko.

Hindi ito sumagot, pero naririnig ako ang pag tatype niya sa computer.

"Busy po ba kayo?" Tanong ko.

"For now, yes." Sagot nito.

Ibinaba ko na ang tawag dahil ayaw kong maka abala.

He's voice sounds so familiar, hindi ko na lang pinansin.

Umakyat ako sa taas para tignan ang mga anak ko.

Naglalaro pa rin sila, muli akong binalot ng kalungkutan nang muling maalala ang sinapit ni Lynx na naging katuwang ko sa pagpapalaki ng mga anak ko.

Ano kayang iisipin ng mga bata, paano ko sasabihin sa kanila? Masakit para sa'kin, and I'm sure na mas masakit sa kanila dahil para na rin nila itong ama.

Bumalik ako sa kamalayan nang magsalita ang anak kong si Luke.

"Mama bakit ikaw tulala jan?" Tanong nito sa'kin.

Did I just spaced out?

"Nothing baby, medyo sad lang si mama."

"Hug niyo nga ako." Saad ko saka maluwag na ibinukas ang mga braso ko para salubungin ang yakap nila.

Habang magkakayakap kami ay nagsalita ako.

"Tulungan niyo muna ako mag impake ng gamit natin ha? Lilipat na tayo bukas ei." Ani ko sa mahinang boses, habang pinipigilan ang mga hikbi ko.

"Saan po tayo punta mama?" Tanong sa'kin ni Lucas.

"Lilipat na tayo bukas, sabi ng Tito Lynx niyo hindi daw safe dito." Sagot ko sa kaniya.







It's seven in the morning, nakahanda na ang mga gamit namin.

Yung mga importante lang ang inimpake ko.

Nakakain na kami ng mga anak ko, nakaligo na.

Nagsuot lng ako ng simpleng white dress medyo mataas sa tuhod, naka sandals lang din ako pero flat lang.

Ang mga anak ko naman ay twinning, hindi ko na sila binalot nang husto dahil baka mainitan sila sa byahe.

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas.

Isang puting sasakyan, panigurado akong si Ms. Passiolan to puting-puti na naman ei.

Pagbaba ng nakasakay sa sasakyan ay hindi ako nagkamali siya nga, but yung suot niyang dress is opposite ng white which is black.

I thought mag-isa lang si Ms. Passiolan na susundo sa'min.

But I was shocked when I saw him.



-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now