CHAPTER 26

116 4 0
                                    

KIRA'S POV

Anong ginagawa niya dito? Bakit kasama niya si Ms. Passiolan??

Para akong na estatwa nang kumatok ito sa pinto, na agad namang binuksan ng mga anak ko.

Our eyes met.

Nakatingin lang ang mga bata sa kaniya na para bang natatakot.

Xanth's face was indeed fierce.

Pumasok ito at naglakad papunta sa gawi ko. Akala ko'y kakausapin ako nito ngunit nilagpasan niya lang ako.

Instead kinuha na niya ang mga gamit at binuhat iyon na parang wala lang.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad lumapit ang dalawa papunta sa'kin.

"Mama who's that po??" Tanong ni Luke sa'kin.

"Mama his eyes po same sa amin." Saad pa ni Lucas.

Nagdadalawang isip pa rin ako kung sasabihin ko ba sa kanila.

Biglang pumasok si Ms. Passiolan saka nagsalita.

"Alis na tayo." Ani niya saka ngumiti.

Hinawakan ko naman ang kamay ng mga anak ko saka sila iginaya palabas.

Nakalock na ang pinto and secured na siya inside and outside.

I'll miss my home, all those memories with Lynx will remain in this house especially in my heart.

Naglakad kami papalapit sa kotseng nakaparada.

Bago pa kami makapasok sa puting kotse ay nagsalita si Ms. Passiolan.

"Kira do'n na lang kayo." Saad niya saka tinuro ang kotse ni Lynx, kung nasaan si Xanth at ang mga gamit.

Agad namang lumapit ang dalawa kong anak papalapit sa sasakyan ni Lynx.

Pinagbuksan sila ni Xanth ng pinto papasok sa backseat.

"Bakit po?" Tanong ko dito, nakakailang bakit itong tao pa na to sana nagtaxi na lang pala kami.

"Sa airport kasi ang diretso ko, may board meeting kami sa Russia, sorry hindi ko agad nasabi sayo." Paliwanag nito.

"Ah, ganon po ba? Sige po ayos lang po." Tugon ko dito.



LEWIS'S POV

Pinagbuksan ko ang dalawang cute na batang kumakatok sa pinto ng backseat.

Hindi talaga maipagkakaila na mga anak namin ito ni Kira.

"Pwede po magtanong?" Saad ng isa, mukhang ito ang nakababata.

"Hmm??" Maiksi kong tugon dito.

"Ikaw po ba asawa ni mama?" Diretso nitong tanong.

I just chuckled with his question, he's really cute, ang sarap pang gigilan.

Tumayo pa ito saka pumunta dito sa driver seat para tignan ang mukha ko.

Ang isa naman ay sumunod din at naupo sa passenger seat.

"Base po sa mukha niyo ay walang duda na ikaw nga ang asawa ni mama." Saad ng isa.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko dito habang malapad na nakangiti.

Ilang taon na ba tong kausap ko??? 4 years pa lang naman since umalis si Kira.

Kumandong sa'kin ang nakababata at nagsalita.

"Kamukha kayo ni Kuya." Saad nito habang pinag-aaralan ang facial features ko.

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now