CHAPTER 23

123 4 3
                                    

KIRA'S POV

"Mamaa.."

Bigla akong nagising nang marinig ko ang sigaw ng anak ko.

Nakita ko ang dalawa kong anak na nakasampa sa kama ko.

Ang cute cute naman talaga nila.

"P-panaginip lang p-pala.." Mahina kong saad sa sarili.

"Anong napanaginipan mo mama?" Tanong ni Luke.

"Wala baby, masyadong weird nasa school daw tayo tapos biglang napunta sa gas station." Pagsisinungaling ko, buti na lang hindi ako si Pinocchio kung hindi humaba na talaga ang ilong ko.

"Ang weird nga mama." Tumatawa nitong saad.

"Good morning kuya Lucas, how's your sleep po?" Tanong ko sa panganay dahil tahimik ito at seryoso ang mukha.

"Nightmare mama." Sagot nito sa'kin.

"What happened?" Hinila ko ito papalapit sa'kin para marinig ko ang sasabihin niya dahil masyadong mahina ang boses niya.

"Napanaginipan ko si papa.."

"He was covered on his own blood." Seryoso niyang saad, hindi ko mabasa ang iniisip nito dahil wala itong emosyon.

Agad ko itong niyakap.

"That's terrible kuya, did you saw his face?" Malungkot kong tanong habang yakap ang dalawa kong anak.

Si Luke ay tahimik lang na nakikinig sa'min.

"His face was blurry po mama, I didn't see it pero I know po na siya si papa." Ani nito.

Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko, bakit ganito ang napanaginipan namin.

May nangyari bang masama kay Xanth? Anong ibig sabihin nito? Anong gustong iparating sa'min.











It's been a week since umalis si Lynx papuntang Russia.

I tried to contact him several times, but laging walang nasagot..

Nag-aalala na ako, hinahanap na rin siya ni Luke.

Tinanong ko na rin kaibigan kong si Lyka, pero maging siya ay wala ring balita sa kuya niya.

Hindi ko na nga rin muna pinapapunta dito si Ate Minerva dahil wala naman akong maibibigay sa kaniya.

Sabi nito ayos lang naman daw but for me it's not.

Nasa school ngayon ang mga bata, andito ako sa cr, maglalaba mhmm.

Tama for the laba tayo ngayon, malas ko nga lang kasi nasira ang washing machine namin, di ko pa mapaayos.

Nagpalit lang ako ng damit, nagsuot lang ako ng sando tsaka ng cycling dahil paniguradong basa na naman ako nito.

Naihiwalay ko na ang puti sa de color, may tubig na ang planggana, ok na ang sabon, tabla and brush.

Inipit ko muna ang mahaba kong buhok sa claw clip dahil baka mabasa.

Naupo lang ako sa bangkito saka nag-umpisang kusutin ang mga puti naming damit.

Hindi naman ito gaanong madumi kaya ok na siya sa kusot.

Natigil ako sa pagkukusot nang may narinig akong kumatok sa pintuan.

Agad akong tumayo at tinungo ang pinto para buksan yon.

Hindi na ko nag abala pang silipin kung sino ang kumatok, binuksan ko na lang agad.

I kinda regret it, para akong tinanggalan ng kaluluwa nang makita kung sino ang taong kumatok.

Nakatingin ito sa relo niya bago nagsalita.

"Excuse me, do you-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang masilayan niya kung sino ang kaharap niya.

"K-Kira??" He asked confusedly.

"Anong ginagawa mo dito?!" Pasigaw kong tanong habang pilit pinipigilan ang luha ko.

Parang bumalik sa'kin ang lahat ng sakit nang muli kong masilayan ang pagmumukha niya.

"Is that really you?" Hindi makapaniwala nitong saad.

Isasara ko na sana ang pinto ngunit naunahan niya ako, ang bilis ng kilos niya. Naisara niya ang pinto.

Andito na siya ngayon sa loob ng bahay.

"Get the hell out of here, ayaw na kitang makita pa!" Sigaw ko dito, I couldn't stop my tears rolling down to my cheeks.

Bakit ka nandito? Bakit ngayon pa? Sana hindi ka na lang nagpakita pa. Xanth..

Bigla ako nitong isinandal sa pader saka ipiniid ang mga kamay ko sa aking ulohan.

Siniil ako nito ng halik, malalim ang ginagawa niyang paghalik sa akin tila sabik na sabik.

Pilit kong iniiwas ang mukha ko ngunit mas lalo niya lang isinusubsob ang sarili niya sa'kin.

Lumuluha ako nang lumuluha.

Unti-unting bumibigay ang loob ko, ganito na naman ba?

Hahayaan ko na namang mabulag ako dahil sa putanginang pagmamahal na to? Totoo nga ba? Uto-uto ako..

Yan ang totoo, isang halik lang niya pakiramdam ko'y buo na naman ako.

Pumikit ako at sinalubong ng tugon ang mga halik niya habang walang tigil ang pagbagsak ng aking luha.

Ilang saglit pa ay tumigil na ito, binitawan niya na rin ang kamay ko.

Napaupo ako sa sahig, nanghihina ang tuhod ko.

Naupo rin si Xanth sa sahig kaharap ko.

"Let's talk baby.." Mahina niyang saad.

"I have so many questions, how did you find me?"

"Why.. why does it hurt so much?"

"Do you know how much I suffered through the pain?... Why are y-you here??"

"Where are you those past four years? Nasaan ka nung kailangang-kailangang kita?... "

"Do you still lov-... NO! Did you even loved me?!"

I kept on asking but he didn't answer.. He didn't even say a word.

Hindi ko siya matignan ng direkta sa mata, kaya nag-iiwas ako ng tingin.

Napadako ang tingin ko sa wall clock, shit 12:30 na??

Any minute uuwi na ang mga bata.

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo.

"Pwede ka ng umalis kung wala kang sasabihin.. " Saad ko saka naglakad sa patungong pinto, ibinukas ko ito nang maluwag.

Akala ko ba gusto niyang makipag-usap. Tssk.

"LABAS!" Sigaw ko dito.

Tumayo ito saka naglakad palabas ng pinto, hindi na ako tinapunan nito ng tingin.

Huminto ito sa pinto at nagsalita.

"Don't worry baby.. Iuuwi na kita sa susunod." Saad nito saka tuluyang naglakad papalayo sa bahay.

Pabagsak kong isinara ang pinto, napaupo ako at napasandal sa pinto.

Iiyak pa sana ako kaso naalala kong pauwi na ang mga bata.

Agad akong tumakbo sa cr para ayusin ang sarili ko.

Napatingin ako sa salamin.

"Tangina!" Mura ko nang makitang wala pala akong suot na bra, basa pa ang damit ko.

Yung nipples ko nag hehello jusko po..

Nakakahiya ka Kira Andrea Gomez.

I quickly ran to the closet para magpalit ng damit.

This time nag bra na ako, tsaka t-shirt na ang suot ko.

Naghilamos na rin ako para mawala ang bakas ng mga luha sa mukha ko.





-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now