CHAPTER 27

118 4 2
                                    

KIRA'S POV

Matapos ang napaka habang byahe, sa wakas at nakarating na rin kami.

Simple lang ang bahay na ito, halatang pinagawa talaga ni Lynx para sa'min.

Isa lang ang kwarto namin na may king sized bed.

Mayroon din itong kiddy pool at glass wall sa likod ng bahay.

May sofa sa sala, may TV.

Maging ang mga gamit sa kusina ay kumpleto rin.

Wala kaming second floor, malaki ang bakuran.

Tuwang-tuwa naman ang dalawang bata sa design ng wall tsaka shape ng carpet.

Mahilig rin kasi sila sa pusa, hulaan niyo kung kanino nagmana.

11 PM na pero gising pa rin ang mga bata, napahaba kasi ang tulog kanina.

Hindi ko na muna pinabyahe pauwi si Xanth dahil masyadong malayo, kawawa naman hindi naman ako ganun kasamang tao para pa byahihin siya buong gabi.

Nakabihis na kami ng mga bata ng pantulog, terno-terno pa ang suot namin.

Nag-abot ako Kay Xanth ng damit para naman makapag palit siya.

"Ano gagawin ko dito?" Tanong nito sa'kin.

"Kainin mo baka nagugutom ka pa." Pamimilosopo ko, kase naman ano bang purpose ng damit bukod sa sinusuot??

"Tssk." Tanging sagot nito bago naglakad patungong cr.

Ang sungit talaga, ako na nga itong nag mamagandang-loob. Saad ko sa utak ko saka umirap kahit nakatalikod ito.

Nakita pala ito ng anak kong si Luke kaya bigla itong nagsalita.

"Mama magkaaway kayo ni papa?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko, hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila pero alam na nila. Hindi na nakakapagtaka photocopy sila ei.

"No baby, matulog ka na nga tabihan mo na si Kuya dun oh, kanina pa yan tulala." Saad ko saka itinuro ang kuya niyang spaced out.

Hindi naman ito sumunod — instead tumakbo ito papuntang sala.

Agad ko naman siyang sinundan habang tinatawag ang pangalan niya na para bang may tonong napipikon.

"Luke!!"

Kakamadali ko ay tumama pa ang hinliliit ko sa paa ng mesa. Letche naman.

Humawak ako sa noo ko at nagpatuloy sa paglalakad kahit na masakit siya, hindi ko tuloy gaanong makita ang dinadaanan ko.

Napasapo ako sa mukha ko nang tumama ako sa pader.

"You okay?" Tanong ng pader sa'kin. Pader na nag ngangalang Xanth, yes yes.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, naabutan ko don ang anak kong si Luke na nakahiga sa sofa.

"Ikaw talaga ang kulit-kulit, halika na nga matulog na tayo." Saad ko dito habang kinikiliti siya, tawang-tawa naman siya sa ginagawa kong pag kiliti sa kaniya.

"Mama.. et- eto na po, stop na.." Hindi ito makasalita ng tuwid dahil sa ginagawa ko sa kaniya.

Tumigil na ako sa pangingiliti, natawa ako nang makitang nagbabawi ng hininga ang anak ko.

"Papaaa..." Biglang sigaw ni Luke, dahilan para mapalingon ako sa likuran ko.

Nakita ko ang bagong ligong si Xanth, the shirt really fits him.

Dali-daling bumaba sa sofa si Luke saka yumapos sa binti ni Xanth.

"Tsk." Pananaray ko dito, saka tumayo para puntahan si Lucas.

Nagsimula akong maglakad ngunit agad ding napahinto nang makita ko si Lucas.

"Mama aren't we going to sleep na po ba??" Tanong nito sa'kin.

"Tulog na tayo." Tugon ko saka lumingon kay Luke.

"Tara na baby tulog na tayo." Tawag ko dito sabay sumenyas na lumapit sa akin.

"Si papa po saan tutulog?" Tanong nito bago pa man makapaglakad papunta sa akin.

"I'll just sleep in the couch baby." Sagot nito kay Luke tsaka ngumiti dito.

"No, ayaw ayaw — gusto ko katabi si papa." Kunot-noong ani ni Luke, maging ako ay nagulat din dahil nag cross pa ito ng arms niya.

"Luke, No — hindi pwede!!" Pananaway ko dito dahil sa inasta niya. Hindi ko natansiya ang boses ko at nasigawan ko ang anak ko.

Luke burst into tears, I instantly regret what I just did.

Lumapit ako dito at agad siyang kinarga, hinimas-himas ko pa ang likod niya para pakalmahin siya.

"Shh.. shh.."

Tumalikod ako sa gawi ni Xanth saka dahan-dahang naglakad papuntang kwarto namin.

"Don't cry na baby.. Fine, papa can sleep with us na.. shh — sorry hmm.." Pagpapatahan ko sa bunso ko.

It actually hurts seeing them crying.

Nakasunod naman sa'kin si Lucas, inilapag ko si Luke sa kama saka pinunasan ang mga luha niya gamit ang palad ko.

"Sorry na po, hindi sinasadya ni mama." Paglalambing ko dito saka siya niyakap.

Dinamayan naman kami ng Kuya niya nakiyakap din ito sa'min.






It's already 1, I can't sleep — yung tatlo tulog na. Sana lahat.

Tumayo muna ako saka pumuntang kusina para uminom ng tubig.

I was holding the glass filled with water when I saw a man standing at the door.

"I thought you were asleep??" Tanong ko sa kaniya.

Hindi ito sumagot, naglakad ito papalapit sa'kin kaya kinabahan ako.

Naglakad ako paatras, hanggang sa tumama ang likod ko sa pader.

He cornered me with his arms, inilapit niya ang mukha niya sa'kin dahilan para maamoy ko ang minty niyang hininga.

Nagtagpo ang mga mata namin, napansin kong napadako ang tingin niya sa aking labi.

Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin, muntik na akong malaglag sa bitag ng bigla akong bumalik sa katinuan.

Iniwas ko ang mukha ko bago pa man dumampi ang kaniyang labi sa'kin, tinulak ko ito ngunit hindi man lang siya natinag.

"We still have things to settle.." Mahina niyang saad saka mabilis na hinuli ang aking kamay.

Mabilis niyang sinakop ang aking bibig.

Ramdam ko sa bawat halik niya ang pananabik sa akin, hindi ako tumugon sa kaniya at hinayaan siyang matapos — hanggang sa kusa siyang humiwalay.

Tumingin ako sa mga mata niya, kitang-kita ang lungkot doon.

"Xanth.." Tawag ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya.

Binitawan nito ang kamay ko saka tumalikod para sana umalis — ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay agad ko siyang hinila at hinalikan ang kaniyang mga labi.

I put my hands on his neck para naman hindi ako matumba — ipinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko saka ako hinikit papalapit sa kaniya habang tinutugon ang mga halik ko.

Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha ko habang naghahalikan kami, binuhat ako nito at isinampa ang mga binti ko sa bewang niya.

Naramdaman kong naglalakad siya ngunit hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil nakapikit ang aking mga mata.

Humiwalay lang ako sa labi niya ng marinig ko ang pagsara ng pinto.

Just as I thought, sa cr niya ako dadalhin.

Pinunasan nito ang mga luha ko saka tumawa ng mahina.

"Why are you crying? I knew you're still a cry baby." Saad niya na ikinatawa ko habang nagpupunas ng luha.







-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now