Chapter 1

12 1 0
                                    

Dear Diary,

Namimiss ko na si Zach. Kumusta na kaya sya? More than 1 year na syang hindi nag uupdate ng social media nya. Ang huling post nya is he will take a break daw for health reason. After noon, wala na akong balita sa kanya. Sa totoo lang I'm so worried. I can't stop thinking about him. I am praying for him every night. Kung ano man ang sakit nya, sana gumaling na sya.

Ang hiling ko lang naman, sana makita ko pa syang muli. Sana mapanood ko pa syang muling mag perform live. Paulit ulit kong pinapatugtog ang kanyang mga kanta. Ang kanyang magandang boses ay minsan ding nag ahon sa akin sa depression.

Mag aantay ako. Alam kong walang impossible.

-Isa

Tumihaya si Isa sa kama pagkatapos nyang magsulat sa diary. 

10 years old sya nang una nyang mapanood si Zach sa TV nang sumali ito sa singing contest. Masasabi nyang na love at first sight talaga sya. Bukod sa napakagandang boses nito, matangkad ito sa edad nyang kinse anyos at talaga namang may kagwapuhan.

Simula nang nilaunch ni Zach ang kanyang singing career pagkatapos nyang manalo as grand champion, naging avid fan si Isa at todo ang suporta nito at lagi itong present sa mga events ni Zach.

Nagkakacrush man si Isa sa iba, para sa kanya, si Zach lang ang kanyang one and only love.

Pinikit nya ang kanyang mga mata habang nakikinig sa kanta ni Zach sa speaker.

🎵You are beautiful to me no matter what shape you are. Your inner heart is glowing and i'm blinded by your smile🎵

Ah speaking. Pangarap kong maging seksi kaso masarap talagang kumain (stomach growling) Ayan, nagugutom na naman ako...

Ako nga pala si Isabel Cruz, 20 yrs of age. Currently taking up Business Management course. Single since birth. 5'3" ang height and yes chubby ako. Hindi obese, chubby lang pero cute naman. Maputi at makinis ang skin ko, iyon nga lang, ang bewang ko ay 40 inches! Pag titingnan nyo ang mga pictures ko noong bata ako, chubby na talaga ako ever since. Hayy, bat naman kasi hinayaan ng Nanay ko na lumaki ako ng ganito.

Dahil sa katawan ko, nabubully ako sa school. Nakikitawa lang ako sa mga jokes nila pero deep inside nasasaktan ako.

One time, nag try akong mag diet. Salad lang ang kinain ko for breakfast, lunch at dinner. Hindi ako nakatulog kinagabihan. Bumangon ako ng madaling araw at kinain lahat ng pwedeng kainin sa ref. Hindi ko pala kaya. Simula noon, tinanggap ko na ang fate ko.

Tahimik lang ako sa school at mahiyain kaya wala akong masyadong friends. Hindi ako masyadong confident sa sarili ko. Feeling ko, wala akong talent. Mahilig ako sa music, kaso ang music walang hilig sa akin. Pag kumakanta ako sa bahay, tinutukso ako ng mga kuya ko. "Naku wag mo ng pangarapin. Baka masira lang ang araw ng mga taong makakarinig sayo. Di mo ba napapansin pag kumakanta ka, si Whitey umalis?"

Ah! Si Whitey, yung alaga naming aso. 10 years old na sya. Bat nga pala umaalis si Whitey pag kumakanta ako. Ganon ba talaga kasama ang boses ko?

Marami akong insecurities sa sarili ko. Alam kong cute ako pero sana sexy din or sana kahit matalino pwede na. Kaso hindi eh. Hate na hate ko ang math. Ewan ko ba bat sumasakit ang ulo ko pag nakikita ko ang mga numbers. Napapasa ko naman ang mga exams ko, kaso pasang awa. Siguro dahil hindi ako masipag mag aral. Mas gugustuhin ko pang mag fan girl na lang kay Zachery Taylor, mas nag eenjoy ako. Active member ako ng fan club nya dati, kaso hindi nya nirenew ang contract nya last year kaya wala na kaming balita sa kanya. Hindi na din sya active sa social media nya. Nakakapang hinayang ang kasikatan nya, ang talent at ang kagwapuhan nya. Hayyy...as a fan, ano ba ang pwedeng kong magawa para sa kanya?

The SwitchWhere stories live. Discover now