Chapter 22

45 4 1
                                    

Chapter 22




Tapos na ang lahat ng 'yon. It's all in the past now. Ngayon ko lang din na-realize na hindi ko pala kailangan ng eksplanasyon mula sa kaniya. Na kung bakit bumalik pa siya.

Wala na kami. Matagal na kaming tapos. Hindi na dapat ako nagtatanong pa ng gano'ng klaseng tanong sa kaniya. Malay ko din ba kung ako ang dahilan ng pagbalik niya.

Baliw ka kasi Zhari! Porket bumalik na dito, ikaw na agad ang dahilan.

Napaka-assuming mo naman!

Nang makarating sa parking lot ng condo, I immediately went out of my car.

My eyes consciously drifted on the sports car na kararating at halatang nakasunod sa akin. It's Aris. Malakas niyang sinarado ang pinto nang makalabas. He aggressively grabs my wrist nang nagbalak akong tumakas. Napangiwi ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

His grip loosened when he saw my expression. "Ano pa bang kailangan mo?" I asked irritatedly. "Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa trabaho."

"I'm not here for that." his jaw clenched.

"Then, for what? To give me an answer? Nah, no need Eng. Lazaro, I realized that there's no need for you to answer that dahil matagal naman na tayo tapos." I said with finality.

Tumalikod ako sa kaniya. Nakadalawang hakbang pa lang ako nang magsalita ito, "Bakit mo 'ko tinulak papalayo sayo?"

I was stunned by his question. Hindi ako agad nakaharap sa tanong nito.

"Answer me!" he shouted that made me almost trembled. My knees buckled and turns into jelly. Bago pa man matumba ay tumuwid ako ng tayo at pumihit paharap sa kaniya.

"You're keep on asking me. 'bakit ako bumalik?'. Why? Gano'n mo ba kaayaw sa akin kaya ayaw mong bumalik ako?" he asked weakly. Nanginig ang kalamnan ko.

His dark bloodshot eyes aimed at directly.

"How about you? Why did you chose to let me go?" he asked desperately. Tumingala ito na para bang nagpipigil ng kung ano.

I swallowed hard. "Dahil iyon ang tama."

"That's bullshit!"

"Ginawa ko 'yon dahil alam kong hindi ka naman makikinig sa akin!" I shouted aggressively. Habol-habol ang tahip ng puso ko. "Bakit pa ako magpapaliwanag sayo, eh sarado 'yang mga tenga mo."

"What?!"

"Mas pinaniwalaan mo 'yang si Valentine kaya anong saysay ng pagpapaliwanag ko, huh?!"

"No. You didn't explain your side to me." may riing sambit nito na siyang nagpairita pa lalo sa akin.

Mabuti na lamang walang tao dito sa parking lot at walang makakarinig sa sigawan namin.

"Putangina! Paulit-ulit ka! How can I explain my side? Eh mas naniwala ka sa mga pinagsasabi ng ibang tao! Kay Valentine! Inakusahan mo agad ako na nagcheat sayo kahit hindi naman totoo!" sumabog ang luha ko at nagpatuloy ito sa pag-agos.

"Lugmok na lugmok ako no'n Aris! In that same day, Dad died because of an accident. Kaya nakipagbreak ako sayo dahil alam kong parehas na tayong pagod at alam kong hindi na rin naman maaayos pa!"

Parang akong nanghina at napako sa aking kitatayuan nang makitang tumulo ang luha nito. This is the first time I saw him crying. No'ng nakipaghiwalay ako sa kaniya I didn't saw him cried like this. Gumalaw ang balikat nito and he covered his face.

He's crying hard.

Gulat akong napatitig sa kaniya. I swallowed hard when slowly he neared me. Mabilis niyang pinalis ang patuloy na pagtulo ng luha niya.

Mas lalo pa akong nagulat nang lumuhod ito. "What do you think you're doing?" tanong ko.

"I'm sorry... I'm so s-sorry, I didn't know. Hindi ko alam na naaksidente din si Tito no'ng araw na 'yon."

"Tumayo ka nga." utos ko. "Stand up, Ariviel!"

Nakayuko itong tumayo. Hindi pinapakita ang mukha sa akin.

"Matagal na 'yon. Hindi mo na kailangang humingi ng tawad." I said.

He shifted on his weight. Nagpaangat ito ng tingin sa akin. Namumula pa ang ilong nito. His brows furrowed.

"What do you mean?"

"Ayaw kong manira ng relasyon. Mukhang masaya na rin naman kayo ni Valentine kaya mas mabutint kalimutan na lang natin ang nakaraan." sambit ko at nag-iwas ng tingin. Nahirapan pa akong lunukin ang laway ko dahil parang may bukol sa lalamunan ko na nagpapabara dito.

"What? I'm not in a relationship." mas lalong nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay.

I gasp. Hindi sila ni Valentine? Bakit sila magkasama kung gano'n?

"Magpapahinga na ako." I said not minding what he just said. Tinalikuran ko na siya at mabilis akong nakarating sa unit ko.

I closed the door. Napasandal ako rito habang hawak-hawak ang dibdib. "Hindi na kami pwedeng magbalikan. Our past will remain as memories." I whispered.

Parang tinatarak ang puso ko sa sobrang sakit. Anim na taon na ang nakalipas pero alam kong ang pagmamahal ko para sa kaniya ay hindi man lang nagbago. Mas naging matindi pa nga iyon. But his? I don't know... Malamang naglaho na. He's now successful at alam kong kontento na siya sa buhay niya. Hindi pwedeng bumalik pa sa akin dahil alam kong magiging miserable lang muli ang buhay niya kapag ka lumapit at binalikan niya pa ako.

You know... My life is full of shits.

I cried the whole night. Uminom pa ako bago binagsak ang katawan sa kama. That night, I decided to flew back in my hometown. Marami pa pala akong aasikasuhing trabaho.

Maaga akong nagbook ng flight pabalik. Caitlin and Jasper kept on calling and texting me. Nagtext lang ako na kailangan kong bumalik na sa Villa Hotel. I called Andrei nang makalapag na ang eroplano. Tinulungan ako ng driver ko na ilagay ang gamit sa compartment.

I slid myself on the backseat of the black SUV.

"Bumalik na ako ng Villa Hotel, Drei." bungad ko. Hinubad ko ang malaking shades. Medyo namamaga pa din ang mga mata ko galing sa pag-iyak kagabi.

"Ano bang nangyari? Bumalik ka na kaagad? How about your plans for the Villa Hotel?" sunod-sunod na tanong nito.

"Itutuloy ko pa rin. Si Engineer Lazaro ang kukunin ko." hindi namin isasama ang personal issues namin dito sa trabaho. I already explained to him everything. Mas lumuwag na rin ang naramdaman ko at naging malinaw na rin sa akin ang lahat.

We can be friends.

Gusto kong matawa sa naisip. Friends huh?

Next week ko ipapasimula ang mga plano ko para sa Villa Hotel. Good thing magiging busy rin ako for the fashion show kaya alam kong hindi rin kami masyadong magkikita bukod pa do'n, ang Villa Hotel na ipapa-extend ko ay iyong sa kabilang isla. Ang isla na pagmamay-ari niya noon na bigla niya lang din ibinenta sa daddy ko.

Sa kabilang dako naman gaganapin ang fashion show. Kung saan talaga ang unang pinatayo ni Dad ang Villa Hotel.

Hindi na kami magkikita sa lagay na 'yon! Nasa kabilang isla siya nasa kabilang dako rin ako. Hindi talaga kami magkikita maliban na lang ay kung bibisita ako roon.

I decided to call him later para pag-usapan na namin ang lahat ng tungkol sa trabaho. Gusto ko na rin kasing masimulan at nang matapos na 'to.

At para mawalan na kami ng dahilan ng aming pagkikita.

Sailing Back Into Your ArmsWhere stories live. Discover now