Chapter 13

66 9 0
                                    

Chapter 13




Alam kong nasa mansion si Aris naghihintay dahil kanina pa ito tumatawag at nagte-text sa akin. Sumama ako kay Jasper pauwi sa kanila, tinext ko na din naman na ang driver ko na 'wag na akong sunduin.

Dahil sa ayaw ko munang Makita si Aris, naisipan kong dito na lang muna matulog kila Jasper. OA na kung OA bahala siya.

Ayaw ko munang makarinig ng kahit na ano galing sa kaniya.

"How about your session with Ariviel?" si Dad nang sabihin ko sa kaniyang dito muna ako kina Jasper matutulog.

"Dad, kung pwede nga lang hindi na siya magtutor sa akin. Matutulungan naman na ako ni Jasper kahit papaano." tugon ko na pinagsisihan ko rin dahil sa naging reaksyon ng kaibigan.

She laughed mockingly. "Asus! Maniwala ka diyan Tito! May iniiwasan lang 'yan." pasigaw na sambit ng bruhildang si Jasper na agad kong tinapunan ng unan.


Nasa kwarto niya kami. Good thing malaki ang kama niya. Her mom and dad greeted me with warmth earlier.

"Na-miss ka namin Zhari, hija." saad ng mommy ni Jasper no'ng nasa hapag kami nagdi-dinner.

"Na-miss ko rin po kayo ni Tito saka ang mga luto niyo, Tita." I said smiling.


Umakyat kami ni Jasper sa kwarto nito matapos naming kumain.

Binaba ko ang tawag matapos magpaalam kay Dad. Wala pang ngang ilang minuto tumatawag na naman si Aris.

"Sagutin mo na lang kaya." sambit ni Jasper habang nakaharap sa tukador nagsusuklay ng buhok. Kakatapos niya lang maligo.

"Ayoko." tanging sagot ko at tumayo na para maghalf bath.

"Nasa loob na ng bathroom ang damit na susuotin mo."

"Thanks." I nodded before I opened the door, then slipped inside.

Nagbabad ako sa bathtub ng ilang minuto. Ang utak ko naglalakbay sa kung saan.

Why does he keep on calling me? How about his girlfriend? Ano na lang ang iisipin at mararamdaman no'n kapag ka nalaman nitong kinukulit ako ng boyfriend niya?!

I made up my decision now. Sasabihin ko mismo kay Dad na ipatigil na si Aris sa pagtuturo sa akin para naman wala ng masabi pa ang ibang tao.

Dapat talaga hindi na ako pumayag sa tutor-tutor na 'yan e. May mga tutorial naman sa youtube tapos may wifi rin naman kami. Bobo ko lang talaga.



"Girl, sigurado ka bang hindi mo 'yan sasagutin?" Naaawa na tuloy ako." Jasper said while staring at my phone.

Nakapagbihis na ako, sinusuklayan ko na lang ang buhok ko para matulog na rin pagkatapos.

"Shut up." pinandilatan ko siya ng mata.

Padapa akong nahiga sa kama tulad niya. Tumigil na rin sa kakaring ang phone ko. Wala pa akong binasang ni isang mensahe na galing sa kaniya.

I turned my phone off.

"Nagtataka ako girl. Kung may girlfriend siya, hindi naman 'yan tatawag at magsesend sayo ng messages para lang mag-explain." pampabulabog niya na ikinangiwi ko.

"At sino naman nagsabi na mag-e-explain siya kaya siya tumatawag?" agap ko. "Malamang tungkol lang 'yon sa hindi ko pagsipot."

She rolled her eyes. "Bahala ka. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin."

Sailing Back Into Your ArmsWhere stories live. Discover now