Chapter 12

71 7 0
                                    

Chapter 12



Ngayon ang huling Araw ni Aris sa pagtuturo sa amin. Magaling na din kasi si Sir Chad. Ikinalungkot ng mga kaklase ko ang pag-alis nito lalo na si Jasper, pero ako lang ata ang hindi. Ang saya ko pa nga, e. Mabuti na 'yon kung sakali mang may makaalam ng ugnayan namin ni Aris walang issue ang mangyayari.


Nasa cafeteria kami ni Caitlin ng college students kasama si Caitlin na naglu-lunch.

Ilang linggo na ang lumipas pero parang bumaon at pilit akong binabagabag  ng mga salitang binitawan ni Aris.

'Actually, I used to despise it before... But then, I realized I'm starting to like it.'

"Confession 'yan. Pustahan." si Jasper nang ikwento ko ito sa kanila. Nga lang, wala akong binanggit na pangalan kung kanino iyon galing.

"Lowkey confession?" sabat naman ni Caitlin na tila hindi rin sigurado.

Para na akong maloloka sa kakaisip neto o baka naman masyado talaga akong ilusyunada kaya ang iniisip ko ay para sa akin 'yon kahit hindi naman?

Hindi naman ako type no'n! Kung para sa akin 'yon bakit niya naman ako kamumuhian noon? Ang alam ko hindi niya ako kilala!





Pero hindi ko mapagkakailang sa ilang arawat linggo namin laging magkasama ni Aris, napansin ko ang isang side niya.

Hindi na siya gano'n kaseryoso at suplado. Minsan pa nga ay nagpapatawa pa ito kahit na napakacorny ng joke niya. I can feel that his comfortable with me pero ako hindi.

How can i be comfortable when I can feel those foreign feeling I never felt before?

"Sino ba kasi ang nagsabi niyan sayo?" Jasper creased her forehead.

Umiling lang ako, ayaw sagutin ang tanong.

"Baka naman may ibang nanliligaw na sayo na hindi namin alam." nagngising-aso naman si Caitlin.

I rolled my eyes in frustration.

Akala ko talaga makakatulong sila. Pinagduduhan lang naman nila ako!

"Imposibleng si Spencer 'yan." Jasper said.

"Bakit naman imposible? Kung siya man, malay natin kung ayaw niya pala talaga kay Zharia noon tapos ngayon gusto niya na?" si Caitlin.

"Hindi siya." nakasimangot kong saad. Gumagawa na sila ng mali-maling conclusion.

"Gwapo si Spencer pero bobo 'yon minsan sa english kaya ekis."

Sabay naming binatukan ni Caitlin ang bruhildang kaibigan.

"May makarinig sayo. Shuta ka."

"Nanglalait ka na naman."

Pero ang baliw na si Jasper tinawanan lang kami.

Nagpatuloy kami sa pagkain. I sipped on my bottled water when suddenly my eyes drifted on someone who's standing behind my friends' back.

Dahil sa gulat sa presensya ni Aris may pumasok pang tubig sa ilong ko.

Punyeta.

"Ayos ka lang ba?" mariin akong napapikit nang abutan ako ng panyo ni Jasper.

"Hey, are you okay? Sorry I didn't mean to..." naramdaman kong naupo ito sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

Alam kong gulat ang reaksyon ng dalawa kong kaibigan. Dumilat ako nang marandamang medyo maayos na ang lagay ko.

Sailing Back Into Your ArmsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum