Chapter 24

57 4 1
                                    

Chapter 24











Matapos kong makapag-ayos ay sumabay ako sa bangka ni Mang Santino. After Aris left my unit, hindi ko na siya nakita pa. No'ng napadaan ko sa site ay hindi ko rin siya nahagilap roon.






Ano ba kasing problema ng lalaking 'yon? Bigla na lang nagbago ang timpla ng mood niya tapos parang galit pa no'ng umalis ng unit ko.




Parang tanga.





Iwinaksi ko lang iyon sa aking isipan nang makarating na sa main resort. Pagkaapak apak ko pa lang sa hotel ay binati na ako ng mga crew. Hinanap ko agad si Alya.

"Any updates?" I asked her while walking through the elevator.



"At one o'clock this afternoon, the candidates will arrive, and as for the room, madam, everything is okay. Everything has been settled, including the locations and views for the photoshoot. Once they arrive here, they will immediately start with the photoshoot. The rooms they will use, as well as those for the staff and makeup artists, have also been settled." mahabang lintaya nito habang nakatingin sa screen ng malaking ipad niya.





I nodded as an answer. "Good then," pinihit ko ang doorknob ng pinto ng opisina ko matapos at nadatnan ko si Jasper sa sofa na nakaupo. Wearing her yellow dress and slippers. She smiled at me when our gaze met.





"May kailangan pa ba kayo madam?" tanong ni Alya.



Umiling naman ako. "Wala na. You can go now. Tawagan lang kita 'pag may kailangan ako."




She nodded at mabilis na lumabas ng aking opisina.



I placed my purse on top of my table at binalingan ang aking kaibigan.






"Busy?" she asked.



"Mamaya pa naman kapag dumating na ang mga candidates."



"Oh! Sakto pala ang vacation namin dito ni Kino! May gaganapin pa lang event sa sabado."





"Kayo na?" I asked suspiciously.

She giggled. "Secret!"



Mabilis ko siyang inirapan. Secret? Seryoso ba siya?


"So, kayo na? Sabihin mo na kasi. Ano bang meron sa inyo kung hindi kayo?"





Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang phone nito. "It's Caitlin." she said, then pressed the answer button.




"Hoy! Ano 'tong nalaman ko? Magkasama kayo diyan ni Kino sa Villa Hotel?!" bungad agad ng kausap. Nakavideocall sila kaya kitang-kita ang istura ni Caitlin sa call. Nakaroba lang ito.


I sat on my swivel chair and turned the power on of my laptop.

Nakita kong bumaling sa akin si Jasper, nang-aakusa. "Wala akong binabanggit sa kaniya!" bulalas ko. Talagang wala naman talaga akong sinasabi kay Caitlin dahil ilang weeks na rin naman kami walang contact sa isa't isa.






"Sabihin mo kung bakit magkasama kayo! Kayo na ba ulit? Nagkabalikan na kayo?" sunod-sunod na bato ng tanong ni Caitlin.



"Hindi niya sinasabi." agap ko, sakto lang para marinig sa phone ang boses ko. Hindi rin naman gano'n kalayo ang sofa sa swivel chair ko kaya alam kong naririnig niya ako.




"Dali na! Sabihin mo na kasi." pamimilit ni Caitlin.



Jasper rolled her eyes. "Fine. Pero dapat sabihin niyo rin kung anong meron sa inyong dalawa," then, glanced at me.



Sailing Back Into Your ArmsWhere stories live. Discover now