Chapter 2

128 16 2
                                    

Chapter 2

I was silent the whole time. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong ako ni Tito at kapag naman kinakausap ako ng aking katabi na si  Engineer Dela Paz.

Kapag nagtatanong minsan ay puro oo at hindi lang ang sagot ko.

Hindi ko nga alam kung bakit ganito ako umasta. Dahil ba nandyan siya? Gusto ko tuloy matawa sa sarili.

Parang tanga lang, Zhari?

Mukha namang nakapag move on na yung tao at ako na lang ata ang hindi pa fully healed.

Tangina bes. Ayoko nitong nararamdaman ko. Ayoko rin namang bumalik pa sa kanya 'no!

Never! Never again! Bahala kayo diyan. Pumuti pa ang uwak. Mawalan man ng buhangin ang tubig dagat hinding- hindi na talaga babalik sa Lazaro na 'yon.

Nang matapos kumain ay napagdesisyunan ng ibang kasamahan nila na magpahinga na lang muna at bukas na maligo sa beach at magsaya.

Siguro ay dahil na rin sa pagod nagkayayaan na silang matulog ng maaga. Kinausap ko rin saglit si Tito.

"May telephone sa room Tito, if you need anything tumawag lang po kayo do'n at ang mga crew ko na po ang bahala." I said and smiled a bit.

He hugged me. "Sige, kung gano'n. If you need someone else to talk to, 'wag mo ring kalimutan na nandito ako. Okay?"

Bahagya naman akong nagulat sa sinabi nito. Hindi ko naman inaasahan 'yon.

Tumango lang ako at hinayaan na siyang sumakay ng elevator kasama ang mga kasamahan niya.

Matapos kumain kanina ay nagpaalam si Ariviel na may sasaguting tawag kaya simula no'n hindi ko na siya nakita.

Ang tagal naman atang matapos nung katawagan niya at hanggang ngayon ay hindi pa siya tapos dun. Gano'n ba kaimportante yung kausap niya?

Napapikit naman ako ng mariin at pinilig ang ulo.

Baliw ka Zhari! E ano naman sayo kung natagalan siya sa kausap niya, ha?

Ah basta wala na dapat akong kinalaman dun!

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Matapos kong maligo ay pinatuyo ko ang aking buhok.

I wore a black long sleeve na square neck with black pencil skirt. Nagpadala lang din ako ng pagkain para sa breakfast ko.

Dumiretso ako sa office at nagulat pa ako nang makitang maaga ring nagising si Tito.

I sat on my swivel chair while he sat in front of me. Mukha yatang paalis na siya.

"Sorry, hija hindi ako makapagtagal dahil may meeting akong i-aattend sa Manila." he said sincerely.

Tumango naman ako dahil naintindihan ko naman iyon. Tito Hanamitchi is a busy person kaya hindi na ako magtataka kung hindi man siya magtatagal dito.

"Ayos lang po iyon, Tito. But, don't forget to rest and relax also. Mabilis po kayong tatanda niyan!" I spat that makes him laugh.

"Matanda naman talaga ako!"

"Hindi naman halata Tito! Pogi ka pa din! Pwede kitang maging sugar daddy kung hindi ka lang kaibigan ni Daddy!"

"Zharia!" malakas akong natawa dahil sa naging reaksyon nito, hindi makapaniwala.

Ngumiti ako ng pagkatamis- tamis. "Biro lang po. Sige, mag-iingat po kayo sa biyahe!"

Pero bago pa siya tuluyan ng magpaalam ay may sinabi pa ito.

"I'll suggest Engineer Lazaro para sa mga gagawin mong extension dito sa Villa Hotel. He's really good and magaling din siyang magbigay ng mga suggestions!"

Sailing Back Into Your ArmsWhere stories live. Discover now