Chapter 27

32 2 0
                                    

Chapter 27






"Sigurado ka ba talaga dito sa gagawin mo? Kaya mo na ba?" Caitlin asked, concern was evident in her eyes.





Nasa loob kami ng malawak na library ng ancestral house nila Aris. Nakaupo ako sa mahabang sofa katabi si Aris. Si Caitlin ay nakaupo sa single sofa habang nakatayo naman si Andrei sa gilid ni Caitlin.






Bumuntong-hininga ako nang balingan nila akong tatlo. Mamayang ala una magsisimula ang press con. Hindi pa nagsisimula pero dinadalaw na ako ng kaba, hindi ko alam kung bakit.




Tipid akong ngumiti kay Caitlin. "Hindi naman pwedeng patagalin ko pa ito. Hindi ako titigilan ng mga reporters na umaaligid sa labas."




"They're gone," Aris suddenly said. I turned to him.



"Huh? Hindi pa naman ako nagre-release ng statement."






"Pinaalis ko na." he said. Madilim itong nakatingin sa akin. Nang hindi ko na kinaya ang titig nito ay ako na mismo ang nag-iwas.




"Anong update sa imbestigasyon, Engineer Lazaro?"Andrei opened another topic.



Right. Ang imbestigasyon.





"There's still no lead. We haven't found any evidence either, so the investigation is taking longer," Aris said. Tahimik lang kami ni Caitlin na nakikinig sa dalawa.





"Kahit pa tumutulong na si Tito Franco ay wala pa ring nangyayari." Drei sighed heavily.




I bit my lower lip. Bumaba ang tingin ko sa sahig.




Kahit ilang imbestigador na ang kinuha namin ay wala pa rin. Masyado bang malinis ang pagkaplano niya kaya nahihirapan kaming makahanap ng lead? Nakakabilib din eh. Wala man lang kusot. Sinigurado niya talagang malugmok ang Villa Hotel at ang buong resort para walang maiwan na ebidensiya o kahit ano.






Kung sino man ang taong 'yon, sisiguraduhin ko talagang pagbabayaran niya ang ginawa niyang 'to. Wala siyang puso, ni hindi man lang siya dinadalaw kahit na katiting na konsensya. Tangina.






Putangina.



Napatingin ako kay Caitlin nang tumayo ito. "Saan ka?"





"Sa baba. Sasamahan ko lang si Tita Jade." tugon nito. Tumango ako matapos. Sumunod naman sa kaniya si Andrei.





Ang ending, kaming dalawa ni Aris ang naiwan sa tahimik na silid.




"Si Kino pala? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita?" basag ko sa nakakabinging katahimikan.




Hindi ba dapat nandito siya?




"He's in Manila right now. Hindi niya kayang tingnang nasa gano'ng sitwasyon ang kaibigan mo. But I'm sure, he'll be here by tomorrow. 'Yon ang pagkakaalam ko." he answered. His eyes narrowed.



Tumango ako. Naiintindihan ko naman siya kung gano'n nga.




Tumayo ako at tipid na ngumiti sa kaniya. "Magpreprepare na ako."





Tumayo rin siya. Humakbang ito palapit sa akin. I saw him swallowed hard.


My heart jumped a bit when he leveled our eyes.



"Are you going to be okay later?"


"Oo naman." I said firmly. Tumango siya. Umigting ang panga nito matapos ay tinitigan ako gamit ang madilim nitong ekspresyon.



Sailing Back Into Your ArmsWhere stories live. Discover now