Chapter 31

34 3 0
                                    

Chapter 31

Maaga akong nagising kinabukasan. Kinusot ko ang mga mata ko. I turned my gaze to Amaia, hindi na ako nagulat nang makitang gising na ito at nakatayo sa loob ng crib.

She let out a heartyly laughed when she saw me.

"Good morning, baby Aia!" I said as I kissed her cheeks. She giggled.

Bumaba ako ng hagdanan habang karga-karga si Aia. Nadatnan kong nagkakape na sina Lucian at Caius. Mabilis na inagaw sa akin ni Lucian si Amaia.

"Good morning, Amaia Jasper!" kahit puyat ay energetic pa rin ang dalawa sa pangungulit kay Aia. Tinawanan ko na lang ito.

"Anong oras na kayo nakauwi kagabi?" tanong ko.

"Mag-aala una na yata 'yon." si Caius ang sumagot. He glanced at me before returning his gaze to Aia.

I just nodded and didn't continue the conversation further. I went into the dirty kitchen and started cutting vegetables and other ingredients for the breakfast I was going to cook. I decided to cook tinola, eggs, and hotdogs.

Nang makitang malapit ng maluto ang nilulutong sabaw ay pinatay ko na ang apoy. Tinulungan ako ni Caius sa paglagay ng mga pinggan at baso sa lamesa.

Habang kumakain ay sinusubuan ko rin si Aia.

"Isasama ko si Aia sa boutique Lu, Cai," sambit ko. Bumaling naman ang dalawa sa akin.

"Pwede mo namang iwan dito si Aia, Amore," Lucian said, his gaze fixed on Aia.

Tipid akong ngumiti at bahagyang umiling. "Naku, hindi na! Alam kong busy kayo saka isa pa, hindi naman gano'n karami ang customers ko sa boutique kaya mababantayan ko pa rin si Amaia."

Napansin ko kasi these past few days, masyado na silang busy sa trabaho kaya mas mabuti na ring isama ko na lang si Aia sa boutique. Kasama ko naman si Tasha kaya ayos lang.

"Sige... pero kapag busy ka na diyan sa boutique, pwedeng-pwede mo pa rin iwan sa amin si Aia. Nandito naman si Lucian para asikasuhin ang tungkol sa trabaho."

"Cai is right, Amore." dagdag pa ni Lucian.


I nodded in a response. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Nagpatuloy silang mag-usap tungkol sa trabaho.

"I heard he's under a big company in the Philippines, and I've also heard good things about him. What do you think, babe?" I overheard Caius asking Lucian.

Ngumiti ako kay Aia. Pinunasan ko ang gilid ng labi nito gamit ang tissue.

"Momma," parang hinaplos ang puso ko sa narinig mula rito. She giggled when I kissed her cheeks and nose. Mukhang busog na si Aia kaya hindi ko na ito sinubuan muli. Bumalik ako ulit sa plato ko para ubusin na rin ang natitira ko pang pagkain.

"Yeah, Engineer Lazaro is really good. Mara—" nabitin sa ere ang mga salita ni Lucian nang mabilaukan ako sa sariling kinakain.

Talagang pati dito sa Seattle umaabot ang apelyido niya? Gano'n na ba talaga siya ka-successful ngayon? Alam kong noon pa man ay successful na siya pero ang marinig ang pangalan niya hanggang dito ay ibang usapan na!

"Ayos ka lang, Amore?" nag-aalalang tanong ni Caius. Tumango lang ako bilang tugon.

Inabutan rin ako ni Lucian ng tubig. "Dahan-dahan lang sa pagkain," paalala naman nito.

Hindi na ako kumibo matapos marinig ang usapan nilang iyon. Hindi kalaunan ay nagpaalam na rin sila na aalis na. Karga ko si Aia sa kabilang braso habang sinasarado ang gate ng bahay. Pumara na rin ako ng taxi matapos.

Sailing Back Into Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon