Chapter 18

45 3 0
                                    

Chapter 18






Jesser was expelled, iyon ang pagkakaalam ko pero ang hindi ko alam ay kung nakulong ba ito o hindi. And she's already eighteen! Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Dad o ni Aris.

"She's obsessed with Aris." usal ni Jasper noong nakaraang bisita nila sa akin dito sa ospital. She did that to me probably because of jealousy and envy.

Sa araw-araw na pagbisita ni Aris ay wala siyang binabanggit tungkol kay Jesser at gano'n din si Dad.

Noong nakaraang araw din ay binisita ako ng mga pulis para hingan ako ng mga detalye ukol sa nangyari. Sinabi ko naman din ang lahat. Pagkatapos no'n, wala na.



Ngayon ang huling araw ko sa ospital. Magaling na ako at saka niresetahan pa rin ako ng doktor ng antibiotics.

Dad's plan was to let me stay here a little longer but I refused. Bukod sa ayaw ko naman talaga magstay dito sa hospital, ayaw ko rin na maraming mamissed na lessons lalo pa't malapit na ang final examination namin.

Batak na naman ako neto!

It's already past eight in the evening. Kaaalis lang ni Dad, pumuntang Villa Hotel dahil nagkaroon daw ng problema pero nangako naman itong babalik siya mamaya.

Alas syete pa lang no'ng nagpaalam din si Aris. Naiwan akong kasama ang dalawang kaibigan na nakauniporme pa.

"Papasok ka na agad sa school bukas?" Jasper asked, concern was evident in her eyes.

"Oo. Marami na akong namissed na lessons. Natatambakan na ako." I sighed. Umupo ako ng maayos sa puting kama.

"Zhari." Caitlin called. I glanced at her.

"Mmhh?"

Seryoso itong nakatingin sa akin.

"Magkaibigan ba sina Aris at Valentine?"

I creased my forehead. Tila hindi naintindihan ang tanong nito.

"Hindi ko... alam?"

"Wala ba siyang binabanggit sayo?" sabat naman si Jasper.

Napailing ako sa tanong nito.

"Well, nakita ko kasi sila kahapon nag-uusap. Ang sabi ni Aris kaibigan niya lang daw si Valentine nang tanungin ko siya."

Napasinghap ako. Bumagsak ang mga tingin ko sa puting kumot.

They are... friends? I didn't even know that. Hindi niya man lang sinabi sa akin.

"Friends, huh? May magkaibigan bang hinahalikan ka sa pisngi? Alam niya namang may girlfriend na 'yong tao!" iritang sambit ni Jasper na siyang muling nagpaangat ng aking tingin.

Agad siyang hinampas ni Caitlin. Mas lalo lang kumunot ang noo ko.

"What do you mean by that?" ako, medyo lito na rin.

"Jasper stop—" agad na nabitin sa ere ang mga salita ni Caitlin ng putulin siya ni Jasper.

"Ikaw ang tumigil, Caitlin. You keep on stopping me. Ayaw mong masaktan si Zhari, e mas lalo lang yan masasaktan 'pag sa iba niya pa 'yan malalaman."

I swallowed hard as a puzzle formed in my mind. Ayoko. Ayokong pag-iisipan ng gano'n si Aris.

Tumikhim ako. "Stop fighting, you guys." Natahimik naman sila nang makitang seryoso ako. "Girlfriend ako ni Aris and he knows that I trust him. He can't do that... to me." humina ang huling salita ko.

Sailing Back Into Your ArmsWhere stories live. Discover now