Sabay-sabay nagwika ng pasasalamat ang mga batang adventurer. "Maraming salamat po mahal na hari!" Sabay Yuko bilang pagbibigay galang.

Ngumiti lang ang hari bilang tugon. Naisip Niyang bigyan ng pagkakataon ang ibang bata na ipakita ang kani-kanilang kapangyarihan. dahil nagbabasakali siyang may makitang kakaibang kapangyarihan sa mga ito na may mataas na potensyal na maging malakas at makatulong sa kanyang plinaplanu para sa hinaharap ng kanyang pinamumunuan bansa.

"Makinig kayong lahat mga bata, ang huling antas na ating gagawin ay ang test of power." Pagsisimula ng punong tagapamahala. Ngayon ay nasa kanya na ulit ang buong atensyon ng lahat ng taong nasa loob ng simboryo. May inilabas siyang Isang dikalakihan na aparato na hugis tala. Sa bawat dulo ng Tala ay mayroon bato. Iba-ibang kulay na sinisimbolo sa limang elemento ng kapangyarihan. Apoy, hangin, tubig, lupa, at liwanag. Sinimulan Niya na ulit ipaliwanag kung ano ang gagawin. "Ito ang star of test power. Dito sa gitna ng talang ito ay papatakan niyo lang ng inyong dugo. Kapag ang Isang bato sa limang naririto ang umilaw at may lumabas,  ibigsabihin ay may kinalaman sa elementong iyon ang iyong kapangyarihan, kapag wala naman umilaw kahit Isa sa kanila, ibigsabihin wala sa limang elemento ang iyong kapangyarihan at Ito ay pangkaraniwan lamang. Naiintindihan niyo ba?" Pagtatapos Niya sa kangyang pagpapaliwanag. Nakita Niya na ang iba ay naguguluhan. Kaya naisip niyang magpakita ng halimbawa ng sa ganun ay mas maintindihan ng mga bata ang kanilang gagawin. "Magbibigay ako sa Inyo ng halimbawa upang inyong mas maunawaan. Ginoong arthon, halika rito." Tawag Niya Kay ginoong arthon. Mabilis naman itong lumapit at tumayo sa gilid ng aparato. " Ginoong arthon ipakita mo nga sakanila kung paano gamitin iyan." Utos Niya rito.

"Masusunod po punong tagapamahala." Sagot Niya rito. Kinuha ni arthon ang kanyang maliit na punyal, sinugatan Niya ang kanyang palad at ng dumaloy na ang dugo ay ipinatak Niya ito sa gitna ng Tala. Ilan sandali lamang ay umilaw nag gitna at dumaloy ito patungo sa berding bato at umilaw iyon, at may lumabas na maliit na ipu-ipo.

Muling nagsalita ang punong tagapamahala. "Nakita niyo na, yan ang mangyayari kapag pinatakan niyo ng inyong dugo ang gitna ng talang ito. Para Kay ginoong arthon, Umilaw ang berding bato, at lumabas ang maliit na ipu-ipo. ibigsabihin may kinalaman sa hangin o nasa hangin mismo ang kapangyarihan niya. At Kung sakaling walang may umilaw sa mga batong naririto ay ang ibigsabihin lang Yun ay pangkaraniwan lamang ang iyong kapangyarihan." Saad Niya pa. Nakita Niya ng nalinawan na ang mga bata. May Ilan ang nangangamba dahil, natatakot Silang baka wala sa limang elemento ang kanilang kapangyarihan.

"Ngayon ay simulan na natin ang huling pagtatasa, pagkatapos nito,  ay agad din magbibigay ng desisyon ang konseho at ng ating mahal na hari kung ano ang magiging kapalaran niyo. Kung kayo ba ay nakapasa at magpapatuloy pa sa pag-aaral sa gusaling Principiante, o di kaya makakasali ba kayo sa elite quads, o baka naman ito na ang inyong huling araw na makapag-aral dito." Seryusong dagdag Saad nito.

Kinakabahan naman ang ibang bata, lalo na ang  mga batang hindi pa napapalabas ang kanilang mga kapangyarihan kaya mayroon sa kanilang hindi Alam kung kapakipakinabang ba ang kanilang kapangyarihan tinataglay,  kung ito ba'y konektado sa Isa sa limang elemento o baka naman Isa lamang pangkaraniwan ang kanilang kakayahan.

Walang naging problima sa angkan Farion, windillian, ethold, at Arcadian. Dahil ang kanilang kapangyarihan ay sadyang konektado sa apat na elemento. Ang apoy, para sa angkan Farion, tubig para sa ethold, lupa, para sa Arcadian, at ang hangin para sa windillian. Nagkakatalo nalang sila sa Uri at klasi ng kanilang mga kapangyarihan. Tulad halimbawa ni Darwin at maryo ng angkan Farion. Ang apoy nila ay nahahati sa limang kategorya, class A, B, C, D at E. Ang kulay ng class A na apoy ay Lila ito ang pinakamataas na Uri ng apoy, ngunit sa kasalukuyan ay wala ng nagtataglay nito. Ang sumunod ay ang class B, mayroon itong kulay asul na apoy, madalang lamang ang nagtataglay nito, at maswerting Isa si Darwin sa nagtataglay nito. Habang ang class C na apoy naman ay pula, ang class D ay dilaw, at ang pinakamababang Uri ay ang class E  na apoy ito ay kulay kahel. Sa kasamaang palad, sa kanilang pitong kabataan na mula sa angkan Farion, si maryo lamang ang nagtataglay ng kulay kahel na apoy. Ang iba ay nasa class C at D.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now