KAPITULO TREINTA

4 0 0
                                    


 

           ‘ANONG NANGYARI SA kaniya?!’ bungad na bulalas ni Gregoria ng makita ang kapatid na dinala sa loob ng isang silid kung saan naruon ang magandang mansiyon ng ama ni Esperanza. Lubhang nagulat rin si Esperanza ng makita ang katawan ni Gregorio na dinala sa isang silid habang siya’y napadaan sa likod ng kaniyang mansiyon kasama ni Gregoria.

            Sa likod nila ito dinala ng sa gayon ay hindi makabuo ng malaking kaguluhan lalo na sa pagpupulong ng mga kalalakihan at ang pagkakasiyahan ng mga kababaihan sa sala. Hindi lubusang makapagsalita si Stellar sapagkat kahit siya’y hindi makapaniwala sa mga nangyari. Kanina lamang ay nagkakatuwaan pa ang dalawa dahil sa pagtawag nito sa kaniya ng asawa subalit ngayon ay tila walang malay ang binata dahil sa pagpoprotekta sa kaniya at dahil na srin sa kaniyang kapabayaan na lumabas ng gabi ng mag-isa.

            Buong pagsisisi ni Stellar sa kaniyang sarili dahil sa nangyari subalit hindi iyon ang intensiyon ni Gregoria. Hindi niya intensiyon na sisihin ang kaibigan dahil alam niyang wala naman itong kasalanan at nasisiguro niyang hindi ito ang may gawa nito sa kaniyang kapatid. Stellar was friend of Gregoria and even Stellar was different, she still adores her since she knew a lot of things that men knew too.

            ‘Binibining Stellar, anong nangyari? Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sa iyo’ Stellar looked at Gregoria and Esperanza was looking at both of them too. Esperanza can’t help but to walk towards them and sit beside them. Connor inside of Esperanza can sense the horror that Stellar faced and it was visible with her trembling hands that was filled with blood along with her clothes.

            ‘May gustong… may gustong manakit sakin kanina, kaya napaaway si Gregorio tapos ‘yung isa sa kanila…b-binasag niya ‘yung boteng hawak niya kay Gregorio…I was even shocked because of what he did’ the voice of Stellar was stammering and Esperanza can felt the horrific circumstances that Stellar got into. Even Stellar was always courageous when in terms of facing perils, she was still vulnerable just like other women. ‘Hindi ko naman alam na mangyayari ‘yun dahil kung alam ko lang, sana hindi na ako lumabas ng ganuong oras. Hindi ko talaga—’

            ‘Kumalma ka binibini’ malumanay na bigkas ni Gregoria sa kaniya. ‘Kalma sapagkat hindi kita sinisisi sa nangyari, subalit ipagdasal na lamang sana natin na maging maayos ang aking nakatatandang kapatid’ dagdag pa nito na agad namang nagpagaan ng loob ni Stellar. Alam naman ni Gregoria na hindi naman talaga iyon sinasadya ni Stellar at may tiwala siya rito na hindi nito ipapahamak ang kapatid.

            Ang mga taong alagad ng medisina ay dumating na. Mula sa entrada ng mansiyon ay naruon dumaan ang mga ito na nakapagbigay ng pagtataka at pagdududa sa mga kababaihang nag-uusap-usap ruon. Ang ilan naman sa kanila ay nagbubulungan na tila ba mga bubuyog sa ingay.

            ‘Hindi ba’t mga doktor iyon mula sa Espanya?’ tanong ni ninang ni Esperanza na si Consolacion sa kaniyang mga amiga. ‘Ano kaya ang nangyayari? O baka naman ay mayroong binawian rito ng buhay?’ dagdag pa nito.

            Kapansin-pansin din ang pagmamadali ng mga ito sa hindi malamang dahilan. Subalit hindi iyon napansin ng mga nag-uusap-usap na mga ginang sa sala sapagkat ang laman ng kanilang usapan ay kung sino ang may kailangan ng agarang pagkalinga ng mga doktor o mga manggagamot.

            ‘Oh baka naman bisita lamang ni Don Basilio ang mga iyan mula sa Europa?’ tanong ni Claveria na agad namang sinang-ayunan ng ilan sa kanila. Hindi man mawari ang dahilan kung bakit narito ang mga manggagamot mula sa ibang bansa ay tumayo si Claveria at tumungo kung saan tutungo ang mga ito upang malaman kung ano ang pakay ng mga ito. Kasunod naman niya ang kaniyang mga amiga’t mga utusan na parehong may interes at kyuryusidad sa pagdating ng mga ito rito.

LA LUNA (ON GOING)Where stories live. Discover now