KAPITULO VEINTE Y CINCO

0 0 0
                                    


 

           ‘WHO IS THAT COMPANION OF YOURS, Gregorio?’ Mycroft asked after Gregorio paid the restaurant owner and the jeweler that Stellar mess with. Gregorio somehow turned his gaze to Stellar who Esperanza and Dolores along with his sister Gregoria as they are healing her wounds and scars that she got when the guwardia sibil pushed her to the pavement. ‘Where did you get that strange woman?’

            Gregorio heave a deep breath and looked at the woman he just met and even him, he doesn’t know her name. He even don’t know where she came from and what is she doing in this town.

            ‘I don’t know where she came from. Ang alam ko lamang ay nakilala ko siya kahapon at nagkita na naman kaming muli ngayon ng sundan niya ako. Kilala niya si Marcelo, ang ating kaibigan. Subalit sinabi naman niya na wala siyang intensiyon na manakit dahil wala lamang siyang matutuluyan sa bayang ito’ sagot ng kaniyang kaibigan na tila nagsasabi naman ito ng katotohanan.

            Hindi pa naman maganda sa panahon ngayon na makasama ang isang taong napakamisteryoso at hindi mo masyadong kilala. Hindi dahil sa kultura na hindi magandang makitang magkasama palagi ang lalaki at babaeng walang relasyon o hindi kasal ngunit dahil ito sa talamak na mga masasamang tao sa paligid lalo na ang mga rebelde ng baying Pilipinas.

            ‘Wala akong magawa sapagkat hindi ko naman siya maaaring pabayaan sa lansangan na nag-iisa lalo na’t isa siyang binibini at maraming taong nagkalat na maaari siyang dakpin at gawan ng masama’ pagkukwento ni Gregorio at nauunawaan naman ni Mycroft ang pagmamalasakit na nadarama nito para sa dalaga.

            Subalit hindi lamang siya nagtitiwala kaagad lalo na’t baka makasama sa kaniya ang dalaga lalo na’t hindi niya pa alam kung saan nagmula ang dalagang ito. Mycroft knew how Gregorio wants to save people from dangers especially women. Because his older sister—aside from Gregoria, had been raped and molested. She was even buried alive and died of suffocation and until now, it was a mystery who did that to his sister.

            ‘Mapagkakatiwalaan kaya ang babaeng iyan?’ iyon ang tanong na lumabas kay Mycroft na hindi masagot ni Gregorio lalo na’t kahit siya ay hindi alam kung tunay na mapagkakatiwalaan ang dalaga kahit pa nagpakita na ito ng kabutihan sa kaniya.

            ‘A-aray’ igik ni Stellar ng maramdaman ang mahapding pagdampi ng isang tela sa kaniyang sugat na nililinis ni Esperanza.

Marunong si Esperanza sa paggagamot lalo na’t tinuruan siya ng kaniyang ina na may kaalaman rito subalit kahit isa ay walang nakakaam nito dahil kahit kailan ay hindi niya sinabi dahil alam niyang kokontrahin siya ng kaniyang ama. Hindi rin naman na niya nais pa na palawakin ang kaniyang kaisipan sa larangan ng syensiya lalo na’t alam niyang kailanman ay hindi niya makakamit iyon.

Dahil silang mga babae sa panahong ito’y mabubuhay upang pagsilbihan ang kanilang mga asawa sa hinaharap. At hindi rin niya nais na suwayin ang kautusan ng mga alagad ng Diyos dahil mas gusto niyang mas mapalapit pa rito kaysa ang mapalayo sa Diyos.

‘Patawad kung aking masyadong nadampian ang iyong sugat binibini’ pagpapaumanhin ni Esperanza dahil sa pagkakadiin ng kaniyang hawak na tela sa kaniyang kamay. Bahagya namang ngumiti si Stellar at umiling.

‘Ayos lang, medyo sumakit lang dahil sa tela. Pero… salamat ah’ mabait at tila tambay na saad ni Stellar sa kaniya. ‘Kaibigan mo ba ang lalaking iyon kanina?’ tanong ni Stellar na tila tinutukoy si Mycroft.

‘Oo, binibini. Ikaw ba, ayos ka lang ba? Nagugutom ka ba? O kailangan mo bang dalhin sa pagamutan?’ Umiling si Stellar habang iwinawagaswas ang kaniyang dalawang kamay sa tapat ng kaniyang dibdib. ‘Ngunit tila kailangan mo ng bagong kasuotan dahil bahagyang nasira ang iyong suot binibini.’

LA LUNA (ON GOING)Where stories live. Discover now