CAPÍTULO TRES

5 3 2
                                    

'HANDA na ba ang lahat?' tanong ng kanilang coach sa kanilang buong team habang si Connor ay tahimik lamang sa isang tabi habang ang pares ng headphones ay nasa kaniyang tainga. 'Kumpleto na ba lahat?'

'Coach si Alistair wala pa po' komento ng isa sa team.

Tahimik lamang na nakaupo si Connor sa upuan sa loob ng bus habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa at ang mga mata niya'y nakapikit. Nakikinig lamang siya sa musika sa kaniyang headphones habang nakasandal ang kaniyang likod sa recliner ng upuan. Wala siyang katabi at nasa tabi rin siya ng bintana habang patuloy ang pagbuhos ng ulan sa labas ng bus.

Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan


Hanggang ang puso'y wala ng narararamdaman


Kahit matapos ang magpakailanpaman


Akoy maghihintay


Sa ngalan ng pag-ibig...



Tila wala siyang naririnig sa kaniyang paligid at tahimik lamang na nakapikit ang kaniyang mga mata.

'Sorry coach, na-late ako' saad ni Alistair ng pumasok ito sa loob ng air conditioned na bus. Nakangiti ito at nagkakamot ng kaniyang ulo. Nakakunot lamang ang nuo ng kanilang coach subalit huminga lamang itong malalim at pinigil ang kaniyang sarili na pagalitan ito. 'Pasensiya na po' paghingi nito ng tawad.

'Sige na, sige na. Wala na bang late?' tanong ng kanilang coach at naglakad si Alistair upang maghanap ng kaniyang uupuanan. Subalit dahil wala ng bakante at tila ang bakanteng upuan na lamang ay ang sa tabi ni Connor ay duon ito umupo.

'Wala na po coach' saad ng kanilang captain habang binibilang ang kanilang buong team.

Napamulat ng mata si Connor ng may tumabi sa kaniya at nakita niyang si Alistair ang tumabi sa kaniya. Hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatuloy sa kaniyang pagtulog.

Subalit mabilis siyang nagmulat ng mga mata ng marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono sa kaniyang bulsa. Ibinaba niya ang kaniyang headphones at sinagot ang tawag.

'Connor, this is Professor Lancaster, I already found where the woman you are finding where she really lives in Batangas' napatingin sa kaniya ng palihim si Alistair ng marinig nito ang nagsalita sa kabilang linya. Looks like he's been looking for her. Does he find it out? Tanong ni Alistair sa kaniyang sarili habang tahimik na nakikinig.

'Really?' malamig ang boses ni Connor subalit tila halata pa ring hindi ito makapaniwala sa mga sinabi ng kaniyang professor.

'Check out the book and some details will be in there. Though, I'll email you the address' tumango-tango lamang si Connor kahit hindi naman siya nakikita nito. Mabilis na pinatay ng professor ang linya at nagpatuloy lamang muli si Connor sa pagtulog.

Matagal-tagal din ang inabot ng kanilang biyahe patungo sa Batangas. Isang oras at kalahati ang ginugol ng mga ito para makarating sa Batangas ngunit ilang minuto naman ang kanilang ginugol upang makarating sa kanilang tutuluyan sa San Juan Batangas.

Sa saktong Alas Cuatro y Media ay nakarating sila sa kanilang titirhan na tila may pagkalakihan subalit halata ang disenyo nito na napakaluma na. Sa paglabas ni Connor sa bus ay bumungad sa kaniya ang bahay sa loob ng gate. Tila kumunot ang kaniyang nuo sa kaniyang nakita.

Hindi dahil sa hindi ito ang inaasahan niyang tutuluyan nila sa Batangas subalit dahil tila may kakaiba sa bahay na ito na para bang matagal na niyang alam ang lugar na ito. Pakiramdam niya ay nakita niya na ito matagal na. Para bang, tumira na siya nuon rito subalit, nakapagtataka dahil alam niyang ito ang unang pagkakataon na nakarating siya rito.

'Tara na at baka hinihintay na tayo ng mga care takers ng bahay' komento ng kanilang coach ngunit nanatili siyang nakatitig sa bahay na ito. Tila hindi siya makahinga sa pagkabigla pero ng maproseso na niya ang lahat ng pangyayari sa kaniyang sarili ay dahan-dahan siyang naglakad papasok sa gate ng bahay.

LA LUNA (ON GOING)Where stories live. Discover now