KAPITULO VEINTE Y TRES

1 0 0
                                    


 

           ‘ANO BANG nangyayari sa iyo kahapon Señorita?’ tanong ni Dolores habang binabasa ang mga nakasulat sa kaniyang talaarawan. Hindi niya binigyang pansin masyado ang mga sinasabi ni Dolores at patuloy lamang sa pagbabasa ng mga isinulat ni Connor sa kaniyang libro. ‘Alam mo bang lumabas ka ng bahay kahapon na hindi man lamang nagsusuklay o nagbihis ng maayos? Tila wala ka na naman sa iyong sarili, ano ba talagang nangyayari sa iyo?’

            Nagulat lamang si Dolores ng hampasin ni Esperanza ang kaniyang lamesa sa harapan ng salamin dahil kahit minsan ay hindi pa niya nakikita ang señorita sa ganuong pag-uugali. Marahil ay nagbabago nga ito, o baka naman ay sinasapian lamang talaga ito?

            Ang lalaking iyon! Hindi ba siya marunong gumalang sa ibang tao kahit sa katawan ko lamang? At kailangan bang pintahan ng kung ano-ano ang aking libro? Subalit, hindi ko maiiwasan na hindi mapalapit sa lalaking iyon, dahil sa pagpapalit naming, ngunit hindi ko rin mapigilan na hangaan ang mundong kaniyang ginagalawan.

            Tunay nga na hinahangaan ni Esperanza si Connor lalo na’t sa mundo nito ay may kakayahan siyang gawin ang kahit na anong naisin pa niya. Subalit siya? Tila may rehas na bumabalot sa kaniyang paligid na siyang pumipigil sa kaniya upang gawin ang mga bagay na kaniyang ninanais na gawin.

            ‘Señorita, ako ba’y iyong naririnig?’ tanong ni Dolores kaya naman napukaw ang kaniyang atensiyon. Napatingin siya dito at ngumiti siya ng marahan. Sa ngiti pa lamang ng dalaga ay tila napansin na ni Dolores na ito ang tunay na si Señorita Esperanza subalit tila wala naman ito sa kaniyang sarili kaya naman hindi niya ito maunawaan ng maigi.

            ‘A-ano ba ang iyong sinasabi?’ tanong ni Esperanza na tila naguguluhan. Samantala ay si Dolores naman ay bahagyang napailing dahil sa mga sinabi nito. Ngunit ng makita ni Esperanza ang mukha ni Dolores ay muli na niyang naalala ang mga nakasulat sa kaniyang libro.

            Magsasalita pa lamang sana si Dolores subalit natigilan siya ng kunin ni Esperanza ang kaniyang libro at binasa ang mga nakasulat ruon. Malinaw na malinaw sa kaniya ang mga sinabi ni Connor at ang mga sinulat nito subalit hindi man niya maunawaan ang ibang lengguwahe nito ay naunawaan naman niya ang pinupunto ng ginoo.

            Muli siyang napatingin kay Dolores at kumurap-kurap ang mga mata ni Dolores ng tila hindi nito sinasabi subalit mayroong itong nais na sabihin.

            ‘Mayroon ka bang nais na sabihin, Señorita?’ nagtataka ang mga mata ni Dolores at tila ba hindi nito maipaliwanag ang mga sinasabi ng mga mata ng kaibigan ngunit alam naman niya na may nais itong sabihin sa kaniya. ‘Señorita—’

            ‘May namamagitan ba sa inyo ni ginoong Mycroft?’ mahinahon ang tanong nito subalit nagulat si Dolores sa itinanong ng Señorita. Hindi niya alam ang isasagot dahil nakapagtataka na alam naman nito na mayroon subalit, sa pagkakataong ito, sa uri ng pagtingin sa kaniya ni Esperanza ay tila wala itong nalalaman. ‘Sinabi sa akin ng aking kaibigan ang tungkol sa inyo, at… sinabi niya rin sa akin na, dapat ay tulungan kong magkasama kayong dalawa hanggang sa huli at kung hindi ay hindi siya mabubuhay sa mundong kaniyang ginagalawan at…’

            Natigilan si Esperanza sa kaniyang mga sinasabi ng may kirot siyang nadarama sa kaniyang puso. Hindi niya alam subalit hindi naman niya sinasadyang sumagi sa kaniyang isipan ang mga bagay na iyon. Kung hindi mabubuhay si Connor ay… malamang ay hindi sila magkakakilala nito.

            Hindi niya alam subalit kung dati ay hindi siya natutuwa sa pagpapalitan nilang dalawa at magpasahanggang ngayon ay iyon pa rin ang kaniyang nadarama. Subalit hindi niya batid kung bakit may kakaibang kirot siya sa kaniyang puso na nadarama.

LA LUNA (ON GOING)Where stories live. Discover now