Chapter 15

13 2 0
                                    


MAINGAT ako sa pagmamaneho sa tuwing lumiliko kami sa mga makikipot na daan ng Westside

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

MAINGAT ako sa pagmamaneho sa tuwing lumiliko kami sa mga makikipot na daan ng Westside. Sobrang daming mga nagkalat na mga inabandonang sasakyan sa kahit saang sulok ng daan. Minsan nahihirapan ako kung saan dumaan o lumiko. Panay rin ang tingin ko sa mga nadadaanan naming mga establisyemento, nagbabaka sakaling may madadaanan kaming refilling station.

Ibang daan ang tinahak namin kumpara sa pinuntahan namin ni Lucas noong mga nakaraang linggo. Hindi ko kasi maalalang may nadaanan kaming estasyon ng tubig. Kadalasan kasi sa parteng 'yon ay mga shopping marts o di kaya ay botika. Hindi bale na, maaalala ko naman siguro ang dinadaanan namin ngayon. Hindi naman siguro ganoon kalaki ang Westside gaya ng sinabi ni Lucas. Hindi nalang kami lalayo ng sobra.

Sobrang tahimik ng buong lugar at nakakapanibagong makita ang mga malalapad na daan na nababalutan na ng mga nagtataasang talahib at nagkalat ng mga papel at dyaryo. Wala kang makikitang niisang tao na nakatayo o naglalakad. O kahit man senyales ng mga ibang hayop na gumagalaw. Sa sobrang tahimik ay minsan hindi ko maiwasang matakot.

"Tahol ka nga Spot, sobrang tahimik naman dito," pabiro kong sambit kay Spot na nakaupo lang sa passenger's seat habang nakaawang ang bibig at nakalabas ang dila. Bigla itong kumahol ng isang beses na ikinabigla ko naman kaya agad ko siyang sinuway.

"Hindi ka mabiro Spot," natatawa kong sabi. Hindi na ito ulit pa naglikha ng ingay na para bang naiintindihan niya ang mga sinasabi ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho nang lumiko ako sa mas malapad pang daanan na napapagitnaan ng mga nagtataasang gusali na ngayon ay basag-basag na ang ibang salamin at kita na rin ang senyales ng karupukan. Ang iba ay makikita rin ang bakas ng pagkasira dulot ng nangyaring giyera. Hindi ko maiwasang malungkot sa mga sinapit ng mga tao rito.

"I guess we stop here," bulong ko sa hangin dahil sa lapad ng daan ay puno ito ng sandamakmak na sasakyan at trucks. Kahit na rin ang mga eskinita sa gilid ay hindi na madadaanan pa dahil sa tambak na mga sasakyan.

Pinatay ko ang makina at saka bumaba ng sasakyan. Agad namang tumalon si Spot palabas at sumunod sa akin. Inilagay ko muna sa passenger's seat 'yong sniper gun saka pinagmamasdan ang malawak na paligid.

"Saan kaya kita mahahanap," mahina kong sambit habang inaalala ang maaaring daan papunta sa pamilyar na fly-over na una kong napagmasdan noong ako ay unang nagising. Plano kong pumunta ulit sa ospital kung saan ako galing. Kukunin ko sana ang medical records ko na naiwan ko roon sa silid ko. Nagbabaka sakali akong mas may malalaman pa ako patungkol sa buhay ko noon at baka may maalala ako. Pansamantala ko munang ipinagpaliban ang paghahanap ng maiinom na tubig.

Kung hindi ako nagkakamali, konektado ang overpass na 'yon sa highway ng Westside kung saan kami ngayon. Maaaring iisa lang din ang daan patungo roon. Hindi ko na maalala anong oras ako nagising noon sa ospital pero sa tansya ko ay pa dapit hapon na iyon at nasa silangang bahagi na ang sinag ng araw.

Ávrio: Seth & LucasHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin