"Ustine Andrey Rohan, 95."

Himala at naka 95 pa ang Isang 'to? Akala mo siguro nakalimutan ko na ang muntik mo nang paghalik kay Sheena?! Tss!

"Sheena Claire Morales, 97."

Masayang tinanggap ni Sheena ang kaniyang test result. "Nakapasa ako Kuya." Narinig kong mahinang bulong niya.

"Ericka Yu Kein, 95."

"What?! Bakit 95 lang Teacher Morena?" naguguluhan na tanong nito.

Tinaasan siya nito ng Isang kilay. "Ask yourself."

Tinarayan lang siya nito pa'balik. Napakama-attitude na babae. Kapag ganiyan ugali mo sa harapan ni Hera? Baka maaga kang mamatay. Tss!

"Then next is, Nathalie Nicole Binarao, 94."

"Merrie Sanchez, 92."

"Batterly Reo, 94."

"Sonya Dina Lopez, 92."

"Sophia Secont, 91."

"MiniLea Sanchez, 92."

"Julia Owsmith, 94."

"Krizzil Joy Midel, 91."

"April Anne Minakoto, 93."

"Claudine Abellanosa, 95."

"Shen Shai, 93."

"Jasmine Custine, 96."

"Charline..." Tiningnan ni Teacher Morena ng maigi ang test paper niya. "Wala kang apilyedo?" tanong nito.

Napa-iwas ng tingin si Charline sabay sagot na "Wala po."

"Why? Si Mama Mary ba ang Ina mo?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa tanong nito. Ano naman kung wala siyang ama? Ikamamatay niya ba iyon?

"Hindi po. Wala lang talaga akong ama."

"Okay."

Akala ko kung ano-ano pa ang sasabihin niya. Dahil kapag hindi ko nagustuhan ang susunod na itatanong niya, baka ako pa ang magtatanong sa kan'ya. Tss!

"Let's proceed to Darren Jay ScheZinger,"

Kapag ang lalaking ito, nakakuha ng mababa sa akin ng Isa, ibigsabihin, matalino talaga siya.

"His score is 99."

Napa 'Wow' ang iba.

Matalino nga talaga. Hinula ko na na lamang lang ako ng Isa.Tss!!

"While his Kuya, Darelle Jayson ScheZinger got 98. Ganun din si Krissy Mae Puertovilla, and Dite Hurt."

"Perfect!" maarteng wika ng babaeng iyon. "May sumabat lang. Tsk."

"And the one with the highest result in the exam is May Moon."

Tinanggap ko ang papel na ibinigay niya. Tinitigan ang score ko.

Nagulat ako konti nang biglang nagsigawan ang iba.

"Wow naman May!"

"Palaban!"

"Congratulations, Class E."

Hanggang doon lang. Dahil nilisan na kaagad ni Teacher Morena ang classroom. Iniwan nanaman niya kami. Tss!

"May Moon!"

Mabilis kaagad akong tumayo nang makita ang pagtangkang pagyakap sa akin ni 'Carl Revilla'.

"Subukan mo lang gawin yang binabalak mo, baka kutsilyo ko nanaman ang lilipad sa Mukha mo."

Natigilan naman siya.

MM Series 1: MAY MOON MISSION CLASS E (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now