"Ang galing" bulalas Niya. Dumilat na si Kaizen at tumayo.

"Maraming salamat sa pagtuturo niyo sa aking gurong arthon, dahil sa ganitong teknik mas madali at mas mabilis ko ng nahihigop ang mga natural na enerhiya galing sa ating inang kalikasan, malaking tulong din po ito upang maabot ko agad ang susunod na antas.!" Masayang wika ni Kaizen sa kanya.

"Susunod na antas? Ang ibig mong sabihin di na magtatagal ay makakatungtong ka na sa 4th bronze rank?. Pagkumpirma Niya rito. Tumango naman ito Pero may kakaiba sa mga ngiti nito.

Ngumiti nalang si kaizen, hindi pa pala Alam ng guro Niya ang kanyang tunay na antas, sa kasalukuyan nagawa na niyang maabot ang 6th silver rank. Isang antas nalang papasok na siya sa gold rank. Sa pamamagitan ng puspusan na pag-eensayo at sa teknik na itinuro ng kanyang guro ay magagawa niyang makatapak na sa gold rank, bigyan lang siya ng Isang buong araw at magagawa Niya iyon.

"Guro, ako'y magpapahinga na muna, Pero mayamaya lamang po ay magsisimula ulit ako sa aking pagsasanay." Pagtataboy Niya sa kanyang guro. Nasa loob kasi sila ng kanyang silid. Nais Niya munang makapagpahinga ng sa ganun nasa Isang Daan porsyento ang kanyang lakas Pag nagsimula siyang magsanay.

"Sige, maiwan ka na.muna namin ni Adelina, kung maykailangan ka, Alam mo na kung saan kami pupuntahan. Pagbutihin mo ang pag-eensayo malaki ang tiwala Kong mapipili ka para makapasok sa elite quads." Nakangiti nitong tugon.

"Maraming salamat po guro! Makakaasa kayo na pagbubutihin ko ang pagtatasa.!".

Tumalikod na si ginoong arthon, habang walang pakialam naman si adelinang sumunod dito. Wala siya sa kanyang kundisyon para makipag-usap.

Paglabas nila ng silid ni Kaizen ay humarap si arthon sa kanyang katuwang na parang wala sa sarili. "Maari mong sabihin sa akin kung ano man iyang dinadala mong problima." Wika Niya rito.

Tinatamad naman tumingin si Adelina Kay arthon. "Wala to, wag mo nalang akong intindihin. Gusto Kong mapag-isa, kung may importante Kang kailangan sa akin, ipatawag mo nalang ako." Bumalik na ito sa maliit na anyo at lumipad patungo sa salaming nakadikit sa pintuan ng silid ni Kaizen. Pumasok na ito doon. Napabuntong hininga nalang si arthon. Kilala Niya na ang Kanyang katuwang, may ideya na siya kung bakit nagkakaganito ito. Siguro tinanggihan ito ni Neryum, hindi naman lihim sa kanya ang pagtingin nito sa kaibigan.

Tumalikod na siya at sumakay sa elebeytor. Pupunta siya sa opisina ng punong tagapamahala. May kailangan siyang linawin.

-----

"Mahal na hari, nandirito po ngayon sa palasyo si Anastasia mula sa angkan Gustav. Nais Niya po kayong makausap at mayroon din po siyang nais ipakita sa inyo." Magalang na saad ni Haron ng angkan ethold sa hari ng bansang goldbath. Siya ang punong kunseho at kanan kamay ng hari.

Humarap sa kanya ang hari at tumugon. "Sige, intayin Niya nalang ako sa aking silid pagpupulong, doon mo siya dalhin." Utos nito.

Marahan naman siyang tumango at yumuko, tatlong beses siyang humakbang paatras bago tumalikod at umalis, ito ang paraan nila sa pagbibigay galang sa hari. Ng maisara na niya ang pintuan ay Napabuntong hininga nalang siya. 'ano naman kaya ang pakay ng angkan na iyon sa hari? Malaki ang pinagbago ng hari simula ng dumating ang angkan na iyon.' tanong Niya sa kanyang isipan.

Samantala sa loob ng silid ay muling bumalik ang hari sa kanyang ginagawa kanina bago siya inabala ng kanyang kanan kamay. Pinagmamasdan Niya lang naman ang buong Bayan ng Gotham sa ibaba. Nakikita kasi mula sa kanyang balkonahi ang buong Bayan ng Gotham at ibang kapuluan ng kanyang nasasakupan. Malalim siyang nag-iisip kung papaano Niya magagawang masulusyonan ang nakaambang digmaan na magaganap sa kanyang bansa. Dahil sa biglaan pagdating  ng kanyang panauhin kailangan Niya munang tigilan pansamantala ang kanyang ginagawang pag-iisip. Inayos Niya ang kanyang sarili at  nagtungo na sa silid pagpupulong.

Pinagbuksan siya ng dalawang kawal na nagbabantay sa silid pagkatapos nitong ipaalam ang kanyang presensya. pagpasok Niya ay nakita niyang nakatayo si Anastasia at magalang na nagbigay pugay sa kanya. Taas noo siyang dumeritso sa kanyang Trono at umupo.

"Binibining Gustav, ika'y naparito? Ano ang iyong sadya?" Tanong Niya rito.

Nakayuko parin ito habang sumasagot. "Napag-utusan po ako ng aking amang si Ronaldo; ang pinuno ng aming angkan na ipakita at ibigay sa iyo ang aming munting  regalo," kinuha nito ang Isang polseras na mayroon maliit na bilog sa gitna. Pinalutang Niya ito patungo sa hari.

Kinuha ng hari ang polseras at pinatakan ng kanyang dugo ang bilog na nasa gitna bago isinuot. Pumikit siya Pero ilang sandali pa ay napamulat siya agad at napatingin Kay Anastasia na ngayon ay nakatitig na sa kanya na may ngiti.

"Sana'y iyong magustuhan ang aming munting regalo. Nais ipabatid ng aking ama na handa ang aming buong angkan na tumulong sa iyo para sa ikabubuti ng iyong nasasakupang bansa." Saad nito.

Napangiti naman siya rito. "Ipabatid mo sa iyong ama ang aking lubos na pasasalamat sa kanyang pagkukusang tumulong sa akin. At tungkol naman dito sa inyong regalo, ito'y napakalaking tulong para sa aking bansang pinamumunuan, Kaya't hindi ko ito tatanggihan. Kung sakaling mayroon man kayong nais, hanggat aking makakayang maibigay ay magsabi lamang kayo." Seryusong tugon Niya sa dalaga.

Palihim na napangisi ang dalaga.  "Iisa lamang po ang nais ng aming pinuno. Nais Niya lamang pong makipagpalit ng teritoryo sa angkan redvil." Kunwaring mapagkumbaba niyang Saad.

Sandaling nag-isip ang hari bago tumugon. "Napagtanto ko, na baka yan nga ang inyong hingin sapagkat matagal na yang nais ng iyong ama. Dati wala akong makitang dahilan para pumayag, Pero dahil sa inyong regalo at buong pusong pagsuporta para sa bansang ito ay asahan niyong mapagbibigyan ko na kayo. Bigyan niyo lamang ako ng maikling panahon at ako'y makikipagpulong muna sa aking mga kunseho." Tugon Niya rito.

Napangiti si Anastasia sa isip Niya. 'sa wakas nagtagumpay kami, maganda itong balita, tiyak matutuwa nito si ama.' Sino ba naman ang aayaw sa binigay nilang regalo. limang Daan epic armament, dalawang libong high tier armament at tatlong libong mid tier armament lang naman ang binigay nila. Hindi man sapat para sa libo-libo nitong kawal sa buong bansa, Pero malaking tulong na ito upang maarmasan ang ilang mga kawal ng epic at high armament. Dahil kung tutuusin mayroon lamang limang daan epic armament ang palasyo. Kulang na kulang para sa nalalapit na digmaan mangyayari sa hinaharap.

"Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa iyo mahal na hari. Tiyak matutuwa ang aking ama Pag nabatid Niya ito. Ako'y aalis na at pasensya na sa nagawa Kong pang-aabala." Tugon niya.

Nakita Niyang Tumango ang hari, Kaya tumalikod na siya at malapad siyang napangisi. Paglabas Niya ng palasyo ay di Niya mapigilang mapahalakhak. Nasasabik na siya sa mangyayari kapag naibigay na ang kautusan mula sa hari sa pagpapaalis nila sa angkan redvil. Sa isip Niya. 'Makakaganti rin ako sa wakas sa angkan iyon at lalong lalo na sa batang pumutol sa aking pinakamamahal na buhok. Humanda siya at hindi ko siya titigilan.!' Sumpa Niya sa sarili.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now