Chapter38

14 1 0
                                    

Stanley's pov

"Anak, ready ka na?" Tanong sa akin ni dada. Wala po kasing workshop ngayon, kaya nag-promise sila ni tita Lea sa akin na sasamahan nila ako papunta sa park. Baka po kasi nandoon yung babae na kinekwento ko sa kanila. Makikipagkilala lang naman po ako sa kanya, wala na po akong ibang gagawin, pramis. Kaya lang hindi ko kasi talaga alam kung bakit nya ako iniiwasan kapag lumalapit ako. Hindi naman po ako siguro pangit, nakangiti naman ako kapag lumalapit sa kanya. Maayos rin naman po yung damit ko. Suot ko nga po ngayon yung Superman na white. Gusto ko nga po sana yung katulad na lang ng mga sinusuot ko kapag umaalis kami, kaso lang sabi ni dada huwag na kasi sa park lang naman daw kami pupunta. Ang iniisip ko po kasi... Hindi maganda yung hitsura ko kaya ayaw nya akong pansinin pero sige, susundin ko na lang si dada kasi tama rin naman po sya. Sa park lang naman po kami pupunta, tsaka maganda rin naman po yung Superman ko na damit e, favorite ko kaya yon.
"Tanley?" Tinatawag pala ako ni dada, hindi ko na napansin yung huli nyang sinabi.
"Sorry, dada." "Anak, are you okay?" Tanong ni dada tsaka naupo sa kama katabi ko. Ayos lang naman po talaga ako. Kaso lang po... Kinakabahan talaga ako e, hindi ko rin alam kung bakit. Makikipagkilala lang naman po ako sa isang tao, at bata rin katulad ko. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ganito yung nangyayari sa akin. Alam nyo po yung parang maraming gumagalaw-galaw na kung ano sa loob ng tiyan mo? Parang ano, um... Parang, mga.... Parang mga lumilipad-lipad na paruparo. Para pong ganoon. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong kinain na paruparo pero bastaaa. Parang maraming gumagalaw sa tiyan ko tapos ang lamig din po ng kamay ko. Pero... Secret lang po natin ito ha? Umm.... Excited din po ako na makilala sya.
**
Tom's pov

"Kinakabahan po ako dada." Stanley admitted quietly.
"Hmmm, bakit ka naman kinakabahan anak?" "Kasi dada e, baka po hindi nya ako kausapin. Baka lumayo lang ulit sya kapag nakita nya ako. Baka masayang lang yung gagawin natin kasi wala naman sya doon. O kung nandoon man sya... Baka nga po hindi nya rin ako pansinin... Ganoon." Stanley rambled in one breath.
"Alam mo Tanley? Tingin ko? Excited ka lang anak." I said teasingly.
"H-ha? Excited? Ako po? H-hindi po dada. Hindi po talaga, pramis." Sus, hindi raw excited... Mukha nga Tanley hahahahahaha!
"Hindi nga ba talaga?" "Hindi po dada." "Hmmm. Hindi talaga?" I asked softly this time.
"Kasi dada e..." Doon pa lang ay nakuha ko na ang sagot na hinahanap ko. Actually alam ko naman na talagang excited sya. Obvious naman na siguro hahahaha.
"It's okay anak." I said while rubbing his back.
"Normal lang na ma-excite ka. At normal lang din naman na kabahan." "Akala ko po pagagalitan mo ako dada." "Hmmm... Bakit naman kita pagagalitan?" I asked while chuckling a bit.
"May dapat bang ikagalit si dada?" ""Wala naman po. Pero kasi bata pa naman po ako dada e, dapat nga po nag-aaral lang ako ngayon." "Hay naku anak. Tama naman. Bata ka pa, pero di ba nga sabi ni dada sayo. Hindi ibig sabihin na bata ka ay wala ka nang karapatang magmahal o makaramdam ng paghanga sa isang tao. Basta tandaan mo lang din yung sinabi ko ha? Ingatan mo ang puso mo.." Sabi ko sabay turo sa tapat ng puso nya.
"Nagpabango ka na ba? Baka mamaya lalapit ka sa kanya tapos ang asim mo pala." I joked.
"Dadaaaa!!" Stanley whined na mas lalo ko nnamang ikinatawa.
"Kunin mo muna yung cologne mo Tanley. Para mabango ka." Sabi ko na kaagad naman nyang sinunod.
*****
"Okay na?" I asked matapos ko syang lagyan ng pabango. Jusko ang arte talaga nitong anak ko palibhasa cute. Sa park lang naman kami pupunta tapos ang gustong isuot yung pang-alis nya na damit. Tapos ngayon naman halos gustong ipaligo yung cologne sa kanya... Talaga namaaan!!!
"Opo dada, tara na po!!!" He said while jumping up and down.
"Oh. Bakit walang hug si dada? Ikaw ha? Porke may crush ka na hindi mo na ako love." Biro ko sa kanya.
"Syempre meron po dada!!! I love you." Sabi naman nya tsaka ako niyakap nang sobrang higpit.
"I love you two Stanley ko. Kahit may crush ka na, ikaw pa rin ang baby ni dada." I said then kissed his cheek.
********
"Dada, Dadaaa!!!" Sabi ni Stanley ilang minuto pagkarating namin sa park. Nakaupo kami nina Simon at Lea sa isang bench habang sya naman ay nakatayo sa harap namin.
"Tanley, napapaano ka ahahahahaha." "Kasi po dadaaaa, nandyan po syaaaa." Sabi nya na hindi ko alam kung natutuwa ba, kinikilig o naiiyak... O baka all of the above, may papadyak-padyak pa kasi sya ng paa hahahahahaha.
"Nasaan?" Tanong ni lea na halos magkandahaba ang leeg kakahanap.
"N-nandoon po sa swing tita leaaaa." "Hmmm. Yung naka yellow na dress?" "O-opo. N-nakatingin sya dito dadaaaa!!!" Stanley squealed tsaka kumapit nang mahigpit sa akin.
"Lapitan mo na anak, nakatingin na pala dito e, ibig sabihin kilala ka na nya." "A-ayoko po dada, baka hindi nya ako pansinin. Baka po magalit sya. Baka..." "Go Stanley, it's okay. At least you tryed." Sabi naman ni Lea.
"Kaya nga anak. Sige na, malay mo hinihintay ka lang din talaga nya." "P-pero dada, mabango pa po ba ako? "Baka po sabihin nya ang asim ko naaaa!" Jusko talagaaaa!!!
"Mabango ka anak. Di ba nga halos ipaligo mo yung cologne kanina?" "Dadaaaa!!! Hindi mo naman inamoy." He whined then stomped his foot.
"Sige, halika rito." Sabi ko tsaka sya inamoy sa kilikili at sa katawan. Mapagbigyan lang talaga ahahahahaha.
"Mabango ka nga anak." "Sigurado ka po ba dada? Tita Lea? Maayos po ba yung hitsura ko?" "Yes tanley, you look so good..." "Simon, okay lang ba hitsura ko?" "Kuya Tanley, you looked funny... Para kang takot." Ahahahahahahaha!!! Hindi naman sinasadyang mapatawa kami ni Lea dahil sa sinabi ni Simon.
"Color red din yung mukha mo kuya Tanley, bakit ganoon?" Dagdag pa nya.
"Dadaaaa, si Simon oh." "Okay okay, Simon? Enough na." "But dada, tama naman po yung sinabi ko." "Yes anak, I know. I will explain to you later ha?" Simon just nodded in responds. Buti naman hahahaha. Baka kasi magkaroon pa ng problema dahil sa sobrang honest nitong batang ito.
"You're okay Stanley. Lapitan mo na sya anak." "S-sige po dada. Basta dito lang po kayo ha? Wag nyo akong iiwan." "Yes Stanley, dito lang kami." "Promise po?" Parehas naman kaming nag-pinky promise ni Lea sa kanya.
"Kuya Tanley, ako rin." Sabi ni Simon ngunit hindi sya pinansin ni Stanley. Naku, mukhang ito ang magiging first ever miss understanding milang magkapatid... Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi hahahaha. Kasi sa loob ng halos isa't kalahating taon nilang nakatira sa akin ay hindi talaga sila nagkaroon ng tampuhan lalo na ng away. Pero mukhang ngayon ang unang beses na mangyayari yon hahahaha.
"Sige na anak. Lapitan mo na sya." Huminga naman ng malalim si Stanley pagkasabi ko noon.
"S-sige po, dada." Sabi nya tsaka tumalikod na.
"Dada? Galit sa akin si kuya Tanley." Malungkot na saad ni Simon pagkaalis ng huli.
"Anak, hindi naman galit sayo si kuya." "But dada, hindi sya nag pinky promise sa akin. Tapos hindi rin sya nag-look bago sya umalis." Simon, ganito kasi anak... Si kuya Tanley kasi... Ano, paano ba?" Paano ko nga ba ito ipapaliwanag kay Simon?
"Ang inisip kasi ni kuya mo Simon, you're making fun of him." But, hindi naman tita Lea." "Yes, I know my dear. You're just telling the truth, di ba? Pero kasi, baka ang akala nga ni kuya Tanley, inaasar mo sya. Do you get what I mean?" Tahimik namang tumango si Simon. Mabuti na lang talaga nandyan ang tita Lea.
"But, bakit ganoon tita Lea. Tanong nang tanong si kuya Tanley kung okay na hitsura nya? Tsaka bakit sya nag-co-color red?" "Oh, that. Kasi Simon. That's what we called crush. Hindi ka mapakali kapag nandyan yung taong crush na crush mo, you always wanted to look good sa paningin nya and one more thing. Masaya ka kapag nakikita mo sya. Yung doon naman sa pag-co-color red ng face ni kuya Tanley... That's what you called blushing." "Ah, like yung sa inyo ni dada?" Napaubo naman ako dahil sa sinabing iyon ni Simon. Napaka observant talaga ng batang ito kahit kailan. Na-realise ko tuloy na madalas ay tini-take for granted ko si Simon pero sa totoo lang, I'm super lucky to have him as my son.
"Yes Simon, parang ganoon." "Oh, okay. I don't wanna have crush yet." Napahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Akala ko ay tuluyan nang mawawala ang mga baby ko hahaahhahaha.
"That's good anak. Ikaw muna ang baby ni dada." Sabi ko tsaka sya niyakap.
"Paano yan dada? Galit sa akin si kuya Tanley." "Ganito Simon, You say sorry kay kuya ha? Para din alam nya na hindi mo sinasadya yon, okay?" "Yes dada, mag-sorry po ako pagbalik nya... Can I play two?" "Sure anak. Hanap ka ng pwede mong maging friend." Sabi ko. Baka kasi pumunta sya kina Stanley tapos doon manggulo ahahahaha.
"Okay dada, bye!!!" Sabi nya tsaka tumakbo na papalayo.
"Tom, maganda naman pala talaga yung babae." Lea whispered after a few minutes.
"Talaga ba?" "Oo. Maputi sya Tom, matangos yung ilong nya tapos mahaba yung buhok... Bagay sila!!!" "Lea, please." "Sorry, I can't help it... Wag ka nga. If I know, ganyan ka rin namang magka-crush dati noong ganyang age tayo." "Huy! Medyo lang naman hahahaha." "Anong medyo, gusto mo sabihin ko pa kung kanino?" "Sige, wala naman na sa akin yon ngayon e.." Masaya ako kasi nagagawa lang naming biro ni Lea yung mga ganito. Hindi na namin pinapalaki pa ang mga bagay-bagay.
"Bilib nga ako sayo e, simula noong mga bata tayo... Wala ka talagang naging boyfriend." Totoo yon. Kaya naman masasabi ko talagang ako ang first ever boyfriend ni Lea.
"Oo naman. Mahal kita e, ikaw lang naman itong hindi makaramdam." She said na akala mo naman ay nagtatampo.
"Pero alam mo? Worth it lahat nang hinintay ko." Sabi naman nya bilang pambawi, ang galing talaga ahahahaha.
"I'm happy whenever I'm with you, miss Lea salonga." "Mas lalo naman ako, mister Tom Alfred Santos. Sana, tayo na talagang dalawa." "Bakit mo naman nasabi yan?" "Kasi Tom, ayaw na kitang pakawalan. Ayaw ko nang magmahal ng iba kung hindi lang din naman ikaw ang makakasama ko sa pagtanda." She said.
"Ang tagal kong pinangarap to, at para sa akin. Balewala lahat ng bagay at kahit pa yung kasikatan na meron ako kung hindi rin magiging tayo." "Sa totoo lang Lea, hindi ko rin inaasahan to. Pero noong naging tayo, kinompleto mo pa lalo yung buhay ko. And I wouldn't have it any other way. Heto lang ang maipapangako ko sayo. Ipaglalaban kita hanggang sa dulo. Pero syempre, kung si Lord na ang hahadlang... Mukhang wala na akong ibang magagawa kundi ang sumuko. Pero alam mo? Ang galing-galing ng Panginoon. Kasi sa tinagal-tagal nating magkaibigan... Ngayon ko lang na-realise na tayo pala ang para sa isa't-isa." I said seriously.
"It's just a matter of time. Kasi Tom tingnan mo ha?" Kung dati pa lang naging tayo na... Baka hindi rin tayo nagtagal. Kasi immature pa tayo noon e.." Hindi ko naman mapigilang mapatango dahil sa sinabi ni Lea.
"Siguro ay hinanda lang talaga tayo ng Lord para pag dumating yung time na okay na tayo parehas... We will end up together pa rin." "You're right. Alam mo? Hindi pa nga pala ako nakakapag-sorry sayo." "Hmmm? What for." "Noong nagalit ako sayo at inaway kita dahil sa hindi ako naniniwala sa sinabi mo sa akin noon na nakita mo tungkol kina Sabrina at Joshua. Alam ko... Nasaktan kita sa mga sinabi ko." "Ano ka ba. Kinalimutan ko na yon. Tingin mo ba magiging tayo kung iniisip ko pa yung tungkol doon? Ni hindi ko na nga naaalala e, pinaalala mo lang ulit. Pero I understand. Kahit noon pa, naiintindihan na kita. Kahit pa hindi ako kausapin ni tita. Alam ko kasi Tom na nagmamahal ka lang, at alam mo ba? Dahil doon... Mas lalo rin kitang hinangaan at minahal. Kasi nakita ko kung paano mo ipaglaban at protektahan yung taong mahal mo, kahit pa nga harap-harapan ka na nyang ginagago. Naisip ko pa nga na sana, balang araw maranasan ko rin yon..." "And heto na nga." Putol ko sa sinasabi nya.
"Exactly. Kaya naman wala akong pinagsisisihan hanggang ngayon. Kung yung tungkol naman sa mga nasabi mo sa akin... I know you didn't mean it. Kaya kinalimutan ko na rin yon the moment na paglabas ko pa lang ng kwarto mo.." Wala akong masabi. Sobrang blessed ko talaga sa mga taong nasa paligid ko. Magmula sa family hanggang kay Lea.
"Actually Lea, naniniwala naman talaga ako sa mga sinabi mo sa akin noon. In denial lang talaga ako. Hindi ko kasi matanggap noon na magagawa nya sa akin yon." "Kaya nga mas pinili kong intindihin ka. Nakikini-kinita ko na kasi noon yung mangyayari. Syempre kung iiwanan pa kita... Paano ka na? Kaya nag-stay pa rin ako sa tabi mo that's why hear we are right now. Sabi ko nga... Worth it lahat ng hinintay at pinagdaanan ko, kasi ikaw rin pala yung taong naghihintay sa akin sa dulo."
**
Stanley's pov

Heto na, wala na talagang atrasan. Lalapitan ko na sya. Susubukan ko lang naman po, pero kung iiwasan pa rin nya ako... Wala na akong magagawa, baka nga siguro hindi talaga dapat na makilala ko sya.
"H-hi." Sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
"Umm... P-pwee bang, pwede bang umupo dito sa swing na katabi mo? Okay lang ba sayo?" Tumango lang po sya. Tsaka tumingin sa akin tapos... Ngumiti syaaaa!!!!
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Tumango lang po ulit sya. Bakit ba ayaw nyang magsalita? Gusto ko sanang itanong yon kaso lang huwag na, baka lumayo ulit e, buti nga pinapansin na nya ako ngayon.
"Alam mo? Matagal na kitang gusto makilala. Lagi kasi kitang nakikita rito mag-isa, pwede ko bang malaman kung anong pangalan mo?" Sinubukan ko lang itanong kung anong pangalan nya. Siguro naman magsasalita na sya? Pero kumuha lang sya ng papel at lapis galing sa bag na dala nya tsaka nagsulat.
"Cindy."
"Cindy? Ang ganda ng pangalan mo.." Gusto ko rin sanang sabihin na bagay sa kanya yung pangalan nya kaso lang ayoko. Bumalik na naman po kasi yung kaba ko. Nawala na yon kanina e, pero ngayon heto na naman. Bumalik na naman din yung parang mga paruparo sa loob ng tiyan ko. Pati po yung pisngi ko ang init, ang lamig ng kamay ko pero pawis na pawis naman po ako... Sana hindi nya nahahalata. Ngayon na katabi ko na sya, hindi ko naman masabi yung mga bagay na gusto ko sanang sabihin o itanong sa kanya. Hindi ko masabi yung mga pinraktis ko sa harap ng salamin... Opo, nagpa-practice ako ng mga sasabihin ko sa kanya kapag ako lang mag-isa pero lahat ng pinraktis ko... Hindi ko ngayon maalala, hindi ko rin po alam kung bakit. Kapag naman nagpe-perform kami hindi ako ganto. Hindi ko rin nakakalimutan yung mga linya at kanta ko. Sandali, mukhang aalis na sya...
"Teka lang! Sandali. Ano, um.... Sorry. Ilang taon ka na?" Tinaas lang po nya yung limang daliri nya sa kanan at apat naman sa kaliwa.
"Nine? Nine year's old ka na rin? Parehas tayo." Nginitian lang po nya ako ulit pero ayos lang, gusto ko rin naman pong laging nakikita yung ngiti nya. Ang ganda, bagay sa kanya.
"Gusto mo ba maglaro?" Umiling sya.
"Sige, dito na lang tayo. Kung okay lang sayo." Thumbs up lang po ang nakuha kong sagot galing sa kanya.
"Ako nga pala si Stanley." Nagsulat sya ulit sa papel.
"I know. Ang ganda rin ng pangalan mo, bagay sayo."
H-ha? Bagay daw sa akin yung pangalan ko? Tsaka teka, bakit kilala nya ako? Kilala nya rin kaya si dada?
"I-ikaw rin Cindy, bagay rin sayo yung pangalan mo... Huwag kang mahiya magsalita, mabait naman ako... Pero okay lang din kung ayaw mo, hindi kita pipilitin." May sinulat po sya sa papel, at noong nabasa ko po iyon... Nagulat talaga ako.
"I'm deaf."

A/n
Hello po!!! Kumusta po kayo?
Pasensya na po talaga, kung ngayon lang ulit ako nag-update at nagsulat. Busy na po kasi sa work e.. Pero sana po ay nandyan pa rin kayo para magbasa tuwing may mga updates ako.
Anyways...
In love silang lahat. Sanaol 😭😂 buti pa si Stanley may crush. Actually kaya rin po ganito ang update ko ngayon is dahil talaga sa love month. Although sobrang late na nga lang for Valentine's day pero pwede na rin hahahahaha. And also, happy happy birthday, Ms. Lea Salonga!!!
Sana po ay nagustuhan nyo pa rin kahit maikli lang yung chapter kumpara sa usual kong mga updates. Maraming salamat po sa mga patuloy pang nagbabasa hanggang ngayon. See you po sa next chapter ❤
Klo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Are Not Alone AnymoreWhere stories live. Discover now