Chapter33

192 1 0
                                    

Stanley's pov

"Simon, Stanley.." Ready na ba kayo?" Sabi ni tita Wendy habang paakyat sya sa kwarto namin. Aalis po kami ngayon, ang sabi nila... Pupunta raw po kami sa Moa. Wala po dito sina dada, sumama kasi sya papunta sa airport. Sinundo po nila yung mga magulang ni tito Roman. Sina tita Wendy, tita Lea, lola at ate Rose lang po ang kasama namin ngayon.
"Opo, tita Wendy. Okay na po kami." "Baba na kayo dito para makaalis na tayo." Sabi ni tita Lea. Binihisan na po kami ni dada bago sya umalis, umakyat lang po ako rito sa kwarto kasi sinundan ko si Simon. Hindi po kasi sya nagpaalam kay dada e, noong paalis na sila bigla syang tumakbo paakyat dito.
"Simon, halika na, baba na tayo." Sabi ko kay Simon, nakanguso po sya habang nakaupo sa kama, hindi ko alam kung bakit.
"Oh, bakit?" "Kuya Tanley, hindi kasi tayo sinama ni dada." Hala, paiyak na si Simon... Anong gagawin ko? Hindi ko po alam kung paano to.... Ang haba na po kasi ng nguso nya e, ganito po yung hitsura nya kapag malapit na syang umiyak. Naisip ko po tuloy kung ganito rin kaya yung hitsura ko minsan? Hahah.
"Simon... Wag ka na malungkot. Okay lang yan, babalik naman si dada e, sinundo lang kasi nila yung lola nina Cocob... Di ba, kinekwento sayo ni Noah na uuwi na yung lola nila?" Tumango lang po si Simon sa akin.
"Gusto ko kasing makita yung airplane kuya Tanley." Wala na, umiyak na si Simon...
"Simon, why the tears my love?" Sabi ni titaLEa pagpasok nya sa kwarto. Natagalan na po siguro sya sa amin kaya pumunta na sya dito hahahaha.
"Tita Lea, iniwan kasi kami ni dada." "Oh, no Simon. Hindi ganoon, pumunta lang sila sa airport..." "But I wanna see the airplanes tita Lea, Tapos hhindi rin nag-goodbye si dada." "Awww... Kasi my love, umakyat ka kaagad dito sa room nyo." "Oo nga Simon, hinahanap ka nga ni dada kanina e, hinihintay ka nya bago sya umalis." Hindi sumagot si Simon. Kinusot-kusot lang po nya yung mata nya tsaka tumingin sa akin, tapos sa picture ni dada na nakasabit sa padr, tapos kay tita Lea tsaka sa akin ulit. Hindi ko po alam kung bakit, pero lagi pong ginagawa ni Simon yon, lahat ng nasa paligid tinitignna nya, lalo kapag malungkot o umiiyak sya.
"Let's go na Simon, nag-chat na sa akin si dada mo, malapit na raw sila sa airport kaya dapat makaalis na tayo." Sabi ni tita Lea tsaka tumayo na sa kama. Hindi pa rin po nagsalita si Simon, hinawakan lang po nya yung kamay namin ni tita Lea tapos sumama na rin sya sa amin.
*****
Lea's pov

"Mahal kita, haaaa.
Bagay tayong dalawa
Papicture nga, haaaa.
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop...
Bagay tayo, bagay talaga, haaaaaaaa!!!"
Stanley belted out habang nandito kami sa car nina Wendy. Ako ang nagda-drive ngayon papunta sa Mall of Asia.
"Go Stanley bebe, kaya mo yan hahahahahaha!" Wendy said.
"Tita Lea, kanta ka rin po." Sabi pa nya. Alam nyo? Malakas ang pakiramdam ko na tinuruan sya nina Wendy at ate Rose na gawin sa akin to hahahahaha. Pero feeling ko hindi rin, kasi may isip na rin naman na si Stanley kahit papaano, at alam kong alam na rin nya na may something sa amin ng dada nya. Paano ko nalaman? Syempre ikwinento mismo sa akin ni Tom. Kaya nga sobrang saya ko e, kasi at least di ba? Okay kay Stanley, hindi ko nga lang sure with Simon pero I know naman na he will also be okay with this.
"LEAAA!!!!" "Ha?" "Ang sabi ni Stanley, kumanta ka rin daw. Ano bang nangyari sayo't bigla ka na lang natulala dyan? Maswerte ka naka-stop ang mga sasakyan." Sabi ni ate Rose. Hay nakuuuu!!! Heto na naman ako, pag si Tom talaga ang pinag-uusapan... Ang laki nang nagiging effect sa akin.
"E... Stanley, may iba akong kakantahin. Pero promise mo sa akin na hindi mo sasabihin kay dada mo ha?" I said.
"Opo tita Lea, promise." He says while giggling. Naku kung hindi ka lang talaga cute Stanley...
"Ayyyy!!! Iba naman pala si ate mo oh?" Sabi ni ate Rose pagka-play ko ng song.
"OO nga, pero gusto ko yang song na yan, kaya sige ate, Goooo!!!!" I know na hindi talaga healthy para sa aming mga singers ang mag-clear ng throat. Kaya nga hindi nyo narinig na gawin ko yon di ba? Pero ngayon...
"Ehhheeem!!!
"Kung tayo ay matanda na, sana 'di tayo magbago..."
"Ooo!!!" Stanley said, bigla naman tuloy akong na-concious...
"Kailan man, nasaan man... Ito ang pangarap ko..."
Stanley is humming along with me, ang cuuute!!! I think he knows the song, but not the lyrics. And it's sooo adorable...
*****
"Ang nakalipas, ay ibabalik natin. Uuuuuh!!!!" Si ate Rose. Actually hindi na ako yung kumakanta. Sinundan kasi ako ni Wendy while nasa first choros, then tita Anni joind in na rin so hinayaan ko na sila. Hindi rin kasi ako sanay na kumanta habang nagda-drive, mahirap na ano? Kasama ko ang kids kaya sobrang ingat ko.
**
Tom's pov

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon