Chapter22

122 4 0
                                    

A/n
Hiiii!!!!
Kumusta kayo??? Sana po ay naaalala nyo pa ako hahahahahaha! Halos isang buwann na kasi ang nakakalipas mula nang huli akong mag-update, so sana po ay hindi nyo pa nakakalimutan ang istoryang ito. Sana ay basahin nyo pa rin po.
Promise, ito na talaga yon. Dere-deretso at regular na po ang mga updates natin after nito. Kaya naman simulan na po natin ang pagbabasa.
********
Stanley's pov

Birthday ko raw po ngayon. Birthday ko, pero hindi ko po ramdam. Birthday ko, pero hindi ako masaya. Akala ko pa naman po kapag birthday mo, ikaw ang pinakamasayang bata sa buong mundo. Pero parang nagkakamali po ako. Sinabi po sa akin ni ate Arlene kanina na ngayon daw po ako pinanganak, at 8 years old na po ako. Pero bakit wala akong handa? Bakit hindi nila ako binabati, ganoon po kasi yung nakikita ko rito sa ampunan. Kapag po birthday ng isang bata, binabati po nila tsaka pinaghahanda. Kaya nga po hindi ko alam kung bakit iba ngayon e, hindi ba nila alam na birthday ko? Sabagay. Kahit naman po noong nandoon pa ako sa bahay namin nila nanay, hindi rin naman nila ako binabati. Baka hindi rin po nila alam kung kailan yung birthday ko. Alam nyo po ba? Hindi ko rin po alam yon noon, hindi ko po alam na may birthday pala ako. Basta sinabi na lang po sa akin ni ate Arlene na 8 years old na raw ako ngayon. Buti nga po sya binati ako kahit papaano, pero yung ibang tao po hindi talaga nila alam. Iniisip ko nga po kung sasabihin ko sa kanila na birthday ko, pero huwag na lang... Wala rin namang mangyayari e, hindi naman po ako magiging masaya. Teka si Robin yon ah.
"Robin!" Pagtawag ko sa kanya.
"O, bakit?" "Birthday ko ngayon." Sabi ko, sinubukan ko pong ngumiti kahit pilit lang, para magmukha akong masaya kahit hindi naman talaga.
"Tapos? Anong gusto mong gawin ko." Sagot ni Robin habang nakataas pa ang kilay.
"Wala naman, sinabi ko lang..." Sabi ko tsaka tumalikod, pupunta na lang ako roon sa lugar kung saan maraming bulaklak at mga halaman. Yon po yung paburito kong lugar dito sa ampunan. Parang doon lang po kasi ako nakakahanap ng katahimikan.
*****
Dito na lang ako, tamang-tama, ako lang ang tao. Pero sandali, nandito rin si Simon. Anong ginagawa nya rito? Hmmm, bakit ko ba gustong malaman, ano bang pakialam ko sa kanya? Hindi... Mali e, palagi na lang namin syang inaaway, ano bang kasalanan nya sa amin? Wala naman po talaga, gusto ko lang pong magkaroon ng kaibigan kaya nakisali rin ako sa pang-aaway nila kay Simon. Pero hindi ko naman po gustong gawin yon. Naaalala ko nga po noong nandito si sir Tom, kilala nyo po ba yon? Si Tom Santos, yung blind na magaling kumanta at mag-acting sa theater, idol ko po yon. Kaso lang po... Hindi ako nakalapit sa kanya noong nandito sya, si Simon po kasi yung una nyang nakita. Tinulak ko po kasi si Simon noon, pero inutusan lang po ako ni Robin kaya ko ginawa. Alam ko naman pong mali yon, napagalitan nga po kami ni ate Arlene dahil doon e, pero okay lang po yon, kasalanan ko rin naman. Yon nga po. Si Simon po yung unang nakita ni sir Tom. Tapos po pumunta sila sa music room, sumunod po ako pero hindi ako masyadong lumapit. Nandoon lang ako sa may salamin habang nakatingin at nakikinig. Naranig ko pong nagkukwento si Simon kay sir Tom. Kinekwento nya po na lagi namin syang inaaway. Naawa po ako sa kanya noon, kasi po napakabait ni Simon e, cute sya tapos sweet. Pero lagi lang po namin syang pinapalayo kapag lumalapit sya sa amin. Hindi rin po sya lumalaban kahit inaaway na sya. Lalayo lang po sya sa amin tapos magco-color mag-isa. Magaling po kasing mag-drawing si Simon, kaya po yon yung palagi nyang ginagawa. Nakaupo lang po ako rito sa bato, tapos si Simon naman po, namimitas ng mga bulaklak doon, hindi ko po alam kung anong gagawin nya. Baka ido-drawing lang nya, yon po kasi yung paburito nyang i-drawing. Pero hindi ko po napansin na tumayo sya tapos pumasok sa loob, iniwan nya yung mga bulaklak na pinitas nya kanina. Maya-maya lang naman po lumabas na rin sya. May dala syang plato, tapos nakalagay roon yung dalawang turon, nagluto po kasi sina ate Arlene. Kinuha ni Simon yung mga bulaklak na pinitas nya, tapos hawak nya sa isang kamay yung plato. Nakikita ko pong nahihirapan sya pero hinayaan ko na lang, teka, papalapit si Simon sa akin.
"Aawon? Appy biwthday. Wag ka na sad. Ito o? Gift ko sayo. Appy biwthday." Sabi ni Simon hhabang nakangiti. Gusto ko po syang sigawan, gusto kong sabihin na hindi ako masaya, na wag nya akong lalapitan at wag nya akong bibigyan ng regalo. Kasi naging masama ako sa kanya, palagi ko syang inaaway pero bakit ang bait pa rin nya. Hindi ko na lang po namalayan na nakangiti na ako kay Simon.
"Narinig ko, sabi ni ate Awlene biwthday mo daw. Pero hindi ka nila binati, kaya ako na lang..." Sabi pa nya.
"Salamat, Simon." Mahinang sabi ko tsaka sya... Niyakap? Sandali, bakit ko ba niyayakap si Simon. Hayaan ko na nga lang, Sabi kasi nina ate Arlene paalis na raw sya, inadopt daw sya ni sir Tom. Sana ako rin, sana may mag-adopt na sa akin. Kasi ayaw ko na po rito, ayoko na po sa ampunan.
"Aawon, don' cwy. It' otay." Sabi ni Simon, tumutulo na pala yung luha ko, hindi ko napansin.
"You eat na, di ka kumain kanina." Sabi ulit ni Simon. Paburito ko po talaga ang turon, kaya lang hindi po ako kumain kasi parang wala po akong gana. Pero kinain ko po yung isang turon na bigay ni Simon.
"Kain ka rin Simon, tig-isa tayo." Sabi ko tsaka binigay yung isa pang turon sa kanya. Simula po ngayon, magiging mabait na ako kay Simon, kasi po paalis na sya e, ayoko na po syang awayin. Para din po makabawi ako sa kanya.
*****
"Simon, gusto mo maglaro?" Tanong ko sa kanya pagkatapos naming kumain n turon.
"Pway? With Simon?" Sabi nya habang nakangiti ng malaki.
"Oo, gusto mo ba?" "Yes, yes Aawon yes!!!" Ang laki ng smile ni Simon, mami-miss ko yon kapag umalis na sya.
"Swing tayo Simon." Pagkasabi ko noon ay tumakbo sya kaagad papunta sa swing. Lagi syang nakaupo roon mag-isa pero ngayon, sasamahan ko sya. Kasi po sinamahan nya rin ako ngayong birthday ko, at sya lang din ang bumati sa akin, bukod kay ate Arlene.
*****
"T'ank you, Aawon. Happy na Simon, sana happy ka din." "Oo naman Simon, masayang-masaya ako, kasi binati mo ako ngayong birthday ko, at binigyan mo pa ako ng regalo. Sorry ha? Kung palagi kitang inaaway noon, kung nakikisali ako kina Robin kapag inaaway ka nila. Pero simula ngayon, magiging mabait na ako sayo, kasi..." Bigla po akong napahinto. Hindi pa nga po pala alam ni Simon na aampunin sya ni sir Tom, ayaw po kasi nyang ipasabi e, ganoon din po sina ate Arlene.
"Kasi... Ayaw ko nang awayin ka, kaya simula ngayon, friends na tayo ha?" Sabi ko na lang.
"Of couwse Aawon, fwiends na tayo." Sabi ni Simon tsaka nag-smile. Bigla ko naman pong naalala. Bukas na nga po pala aalis si Simon. Bukas, wala na sya, simula bukas, hindi ko na sya ulit makikita, hindi na ako makakabawi sa kanya.
"Simon, papasok na ako ha? Pasok ka na rin kasi gabi na, baka pagalitan tayo." Sabi ko tsaka sya niyakap ng mahigpit. Alam ko po, last na ito. Kasi ayoko pong lumabas bukas kapag paalis na sya, hindi ko po kaya. Hindi ko po alam kung anong tawag dito sa nararamdaman ko, nalulungkot po ako, tapos parang naiisip ko po na sayang yung mga panahon na inaaway-away ko lang si Simon. Tapos ngayong paalis na sya, tsaka ko lang naisip na hindi ko pala dapat sya inaway noon. Pero wala na po akong magagawa, hindi ko naman na po sya mapipigilan, tsaka gusto ko rin pong ma-adopt sya ni sir Tom, makakabuti po yon para sa kanya. Tsaka hindi naman po sya pababayaan doon kaya okay na rin po sa akin.
"Iingatan ko yung regalo mo Simon, salamat ulit ha?" Sabi ko pagkabitaw ko sa kanya.
"You'we welcome Aawon, smile ka na. Wag ka na sad." Hindi ko po kayang ngumiti, kahit pilit lang... Nahihirapan po ako. Tumango na lang ako kay Simon tsaka nauna nang pumasok. Hawak ko po nang mahigpit yung mga bulaklak na bigay nya tsaka ako pumasok sa kwarto kung saan ako natutulog. Inilagay ko po sa bag ko yung mga bulaklak. Sinigurado ko po na hindi yon masisira o mapuputol, mahalaga po sa akin yon. Kasi yon po ang pinakaunang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. Umiiyak lang po ako habang nakaupo sa sahig.
"Sorry Simon. Sorry."
********
Tom's pov

You Are Not Alone AnymoreWhere stories live. Discover now