Chapter23

213 2 0
                                    

Stanley's pov

Hanggang ngayon po hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari noong birthday ko. Pinapanood ko po kasi yung video ni dada sa Youtube e, naka-upload po roon yung birthday ko. Ang title po nya...
"Stanley's Birthday celebration from 1 to 9 years old."
Ang galing po ng ginagawa nila. Kapag po nasa taas kami ni dada, tsaka nila pinapalitan yung mga nakalagay sa pader tsaka yung kandila. Grabe, ang bilis. Parang ngayon po. Tinatanggal nila yung nakadikit na hapy first birthday ang nakalagay. Tapos pinalitan po kaagad ni tito Roman ng happy second birthday Stanley. Tapos si lola naman po yung nagpalit ng kandila sa cake. Ang bibilis po nilang kumilos.
*****
Hindi ko pa rin po maalis sa isip ko yung sobrang kasiyahan. Hindi po ako makapaniwala na pwede pala akong mag-celebrate ng birthday ko. Marami na pong views yung nandoon sa Youtube ni dada, marami na rin pong nagco-comment.
"Stanley is sooo cute wearing his first onesie. I really wanna squeeze him in a tight hug ❤️❤️❤️"
"Tom is a very loving father despite his blindness. Salute to you sir ❤️"
"Grabe. Naiyak dn aq nung niyakap ni Tom ng mahigpit c Stanley. Nkakaiyak kc ramdam n ramdam q ung happyness ng bata. Sobrang mhal n mhal tlaga n Tom ung mga anak nya."
"Naiyak ako doon sa reaction ni Stanley pagkakita nya sa cake. Ang laki ng smile nya sobra, tapos lalo pa akong naiiyak dahil sa tugtog hahahaahahaha. Make this blue kung kayo rin ^^."
"Grb! Hndi aq mka move onn dto. Ilang bses q nang pnapanood pro npapangiti pdn aq sa moment ng magama. Tpos c Simon p noong hihipan n ni Stanley ung kandila n may nkalagay na number 7 huhuhuhu."
"Kuya Tom, sana naaalala mo pa ako. Si Amber to, yung isa sa mga naging kaibigan mo na blind din. Grabe kaiyak yung moment nyo ni Stanley rito. Kahit hindi ko nakikita, nararamdaman ko yung kasiyahan ni Stanley and yung happyness mo as a father. Grabe pangmalakasang surprise at plano ❤️❤️ Sana makausap kita soon kuya. At happy birthday rin, Stanley!!!! ❤️❤️❤️❤️"
Yan po yung mga comments na nabasa ko. Hindi ko po ikinahihiya na umiyak ako dahil sa surprise ni dada, masaya po ako. At alam kong ramdam ni dada yon. Ay oo nga po pala, bukas na po kami aalis papuntang Bacolod. Sobrang excited na po kami ni Simon. Ngayon pa lang po kasi kami makakasakay ng airplane, kaya po tanong ako nang tanong kina lola kung ano ba ang pakiramdam. Para ka lang naman daw pong nasa bus. Kaso lang po... Hindi ko rin alam kung ano yon, pero nakakita na po ako dati, hindi ko pa nga lang po nasasakyan.
"Kuya Tanley, sabi ni momy... Mag-pack na daw tayo ng mga gamit na dadalhin natin sa airplane!!!" Sabi ni Noah.
"Sige Noah, magpa-pack na ba kayo ni Cocob? Tsaka nasaan pala si dada." "Opo kuya Tanley, mamaya magpa-pack na kami. Lumabas lang si tito Tom kasi may binili sila ni daddy." Ngumiti po ako kay Noah.
"Okay, ilalagay ko na yung mga gamit namin ni Simon sa bag. Para mamaya onti na lang yung gagawin ni dada." "Yay! Sige kuya Tanley. Wait, kailangan mo ba ng help? Pwede ka namin tulungan." "Um, okay lang ba Noah? Nahihiya kasi ako magpatulong kay tita Wendy e, pwede mo ba akong tulungan?" "Hmmm, Opo!!! Pero okay lang naman kay mommy e, gusto mo ba tawagin ko sya? Para mas maayos yung pag-pack? Kasi noong kami ni Cocob yung nag-pack ng gamit namin kuya Tanley? Naiwan si Mister Bare, hindi namin sya naisama. Kaya simula noon nagpapatulong na kami kay mommy mag-pack para wala kaming maiwan." Sabi ni Noah, si Mister Bare po yung malaking bare na stuffed toy nila ni Cocob.
"Okay lang ba kay tita Wendy pag nagpatulong tayo?" "Opo kuya Tanley, tatawagin ko na si mommy ha?" Hindi na po ako nakasagot, kasi tumakbo na po si Noah palabas.
*****
"Stanley, need mo raw ng help?" Opo tita Wendy, okay lang po ba?" "Oo naman. Ano bang dadalhin mo?" I mean... Yung mga dadaalhin mo lang sa airplane ha?" "Tita Wendy." "Yes bebe." "Pwede ko po bang dalhin yung Superman ko na damit?" Natawa po si tita Wendy sa tanong ko, hinawakan pa po nya yung tiyan nya sa sobrang tawa.
"Ahahahahahaha, pwede mong dalhin yung Superman na t-shirt Stanley, pero doon sya ilalagay sa maleta. Yung mga ilalagay mo naman sa bag na to... YOn lang yung mga kasama mo sa taas ng eroplano. Nasa ilalim kasi yung mga maleta natin." Hindi ko po naiintindihan pero tumango na lang ako.
"Pwede po magdala ng laruan?" Napangiti naman po si tita Wendy.
"Yan bebe, pwede mong dalhin yung mga toys mo..." Pagkasabi po ni tita Wendy noon ay kaagad ko na pong kinuha yung mga laruan ni Simon na alam kong favorite nya. Inilagay ko na po yon sa bag kasi baka makalimutan.
"Ikaw Stanley, wala ka bang dadalhin na toys mo?" "Opo kuya Tanley, magdala ka rin ng toys. Kasi matagal tayo sa airplane." Sabi ni Cocob, natawa naman po ulit si tita Wendy.
"Jacob, wag masyadong OA hahahahahahhaha, isang oras lang tayong nandoon." Sabi po nya.
"Ay yung unan ko po pala na bare, pwede?" Bigay po sa akin yon ni dada. Ganito po ang hitsura nya. Bare po yung ulo nya, hindi naman po malaki yung tenga pero pabilog po yung ilong. Tapos yung katawan naman po nya, parang hotdog yung hitsura. Mahaba po kasi. Lagi ko pong yakap yon kapag natutulog kami, pero mas madalas ko pong yakapin si dada. Pinalagyan ko po sa kanya ng pabango yung bare ko, para lagi ko rin po syang naaamoy roon.
"Oo Stanley. Pwede mong ilagay yung unan mo riyan sa bag. Pero sure ka bang wala ka nang toys mo na dadalhin?" "Wala na po, share naman kami ni Simon sa laruan e, pinapahiram naman po nya ako kaya okay lang..." Sabi ko po tsaka kinuha yung mga action figures ni Simon, nilagay ko rin po yon sa bag. Hanggang sa nakita ko po yung race car na regalo sa akin nina tita Wendy.
"Ito po, dadalhin ko!!!" Sabi ko sa kanya.
"Hmmm... Masyadong malaki yan bebe. Sa maleta natin sya ilagay ha? Para hindi masira." Kaagad naman po akong tumango.
"Tita wendy, paano po yung mga gamit ni dada, sino pong mag-aayos noon?" Tanong ko, ang alam ko po kasi... Hindi pa naaayos ni dada yung mga dadalhin nya, e marami po syang ginagawa.
"Kaya ni dada mo yan Stanley, strong man yon e, sya na bahala riyan." "Pero kawawa naman po si dada, gusto ko po syang tulungan." Napangiti po si tita Wendy sa sinabi ko.
"Sige, ganito na lang ha? I-pack natin ngayon yung mga gamit ni dada mo na alam mong kailangan at dadalhin nya talaga." "Okay po tita Wendy!!!" Sabi ko tsaka po namin inayos yung mga dadalhin ni dada.
**
Wendy's pov

You Are Not Alone Anymoreحيث تعيش القصص. اكتشف الآن