Chapter12

104 5 0
                                    

Tom's pov

It's been two weeks mula ng mapanaginipan ni Stanley ang mga magulang nya. At salamat sa Diyos dahil hindi na nasundan ang mga nightmares na yon. Payapa na ang mga gabi namin, nakakatulog na sya ng mahimbing.
"Dadaaa!!! Wake up! We hungwy." Sabi ni Simon habang nakaupo sa dibdib ko.
"Dada's awake now baby, but quiet ka lang, natutulog pa ang mga tao." Sabi ko sa kanya.
"Dada nooo. They not sleepin anymowe." Naguluhan naman ako sa sinabi nyang iyon.
"Why baby?" "Because... Um.... Ate Wose said it 9:30 na daw. Dada what that? What 9:30?" "Ha? 9:30 Na? Seryoso? 9:30 ang oras baby, kumain na ba kayo?" "Not yet dada. We waitin fow you." "Awww, ang sweet naman ng baby ko. Dapat hindi nyo na ako hinintay anak, dapat kumain na kaagad kayo." Sabi ko habang hinahaplos ang likod nya.
"But dada, you will be hungwy, and wala ka na kasabay kumain." I cooed dahil sa sinabi nya.
"How about kuya Stanley, kumain na ba sya?" Not yet dada, because we waitin fow you ngaaa." Sabi nya, natawa naman ako dahil doon.
"Hahahaha, ang cute mo Simon. Sige tara na, baba na tayo para makakain na kayo." Sabi ko tsaka sya binuhat.
********
"Good morning dada." Sabi ni Stanley pagkababa namin sa sala. Nakaupo sya sa sofa habang nanonood ng cartoons.
"Good morning Stanley. Kumain ka na ba?" I asked then kissed his cheek.
"Hindi pa po dada, hinihintay ka po kasi namin ni Simon. Sorry po kung nanood ako ng cartoons ng hindi nagpapaalam." He said sheepishly.
"It's okay Stanley. Kain na tayo?" "O Tom, good morning hahaha. Buti naman at nagising ka na, naku yang dalawang anak mo ayaw kumain. Hihintayin ka raw nilang magising." Sabi ni ate Rose.
"Oo nga po ate. Ginising nga po ako ni Simon e, nagugutom na raw sya." "Simon bakit mo ginising si dada?" Si Stanley.
"Sowwy kuya Tanley, I hungwy na kasi." Mahinang sabi ni Simon.
"Stanley it's okay. Gutom na kasi sya." "Okay dada, sorry po." "Tom nasa lamesa yung pagkain nyo, initin mo na lang." Sabi ulit ni ate Rose.
"Sige po ate. Nasaan nga po pala sina mommy?" Napagdisisyonan ko na kasing patirahin na lang sya rito.
"Nasa labas, dinidiligan ang mga halaman. Sabi ko nga ako na e, ang kulit hahahaha. Nag lakad-lakad din kami kanina, sinama namin ang dalawang bata. Si Armando naman... Namalengke, natalo kasi sa uno kagabi hahahaha." Ganoon kasi sila, kung ituring namin sila, parang kapamilya. Kaya nga sila tumagal sa amin e, simula 6 years old ako ay si ate Rose na ang house helper namin, 11 years old naman ako ng maging driver namin si kuya Armand. Never kasi namin silang napagsalitaan ng hindi maganda, kahit sino sa amin, at nirerespeto namin sila, kami ni Wendy, kahit si mommy. Sinabi nya kasi sa amin noon na hindi porke binabayaran namin sila ay hindi na namin sila igagalang, serbisyo lang naman nila ang binabayaran namin e, hindi ang buong pagkatao nila. At isa pa, may dalawang anak sina ate Rose at kuya Armand na nasa probinsya. Kaya naman tinutulungan namin sila, kami nina mommy at Wendy ang nagtutulungan para mapag aral ang dalawang bata. And speaking of...
"Ate rose kumusta nga pala yung mga anak nyo?" Sabi ko habang iniinit ko ang pagkain namin.
"Ayos naman, bakit mo natanong?" "Wala naman po ate, iniisip ko lang po kasi na pagbakasyonin sana yung dalawang bata rito." Medyo napalapit na rin kasi sa akin ang mga anak nila. Sina  Cj na 9 years old, at si Charlie, 7 years old.
"Naku huwag na Tom, nakakahiya naman sayo. Ang dami na nga natin dito e, tsaka makukulit ang dalawang  batang yon." Sabi nya habang nag-aayos ng lamesa.
"Okay lang po yan ate, bakasyon na rin naman na nila sa school di ba? Kaya sige na." "Anong meron?" Tanong ni kuya Armand na kararating pa lamang mula sa pamamalengke.
"E ito kasing si Tom, gustong pagbakasyonin sina Cj dito, e sabi ko huwag na dahil nga nakakahiya." "Oo nga naman Tom, nakakahiya kasi tsaka... Malilikot yung mga yon." "Yon nga rin ang sinabi ko." "Sige na po, bakasyon naman na nila e, tsaka ang tagal na rin noong huli ko silang nakita." Kung talagang sigurado ka... Sige." Sabi ni ate Rose.
"Yown!!! Kailan po natin sila susunduin?" Tanong ko habang inilalapag ang pagkain sa lamesa.
"Baka sa sabado, sasabihan ko pa kasi sila, pero alam ko namang hindi tatanggi ang dalawang yon." Sabi naman ni kuya Armand.
"Stanley, Simon. Upo na kayo rito, kakain na tayo."
********
"Simon huwag kayong malikot ha? Susunod kayo kina tita Wendy." Bilin ko sa kanila ni Stanley bago kami umalis, ngayon kasi namin susunduin ang mga anak nina ate Rose. At ngayon lang din ako aalis ng hindi kasama kahit isa sa mga anak ko, kaya medyo kinakabahan ako.
"Yes dada, I be good. Babalik ka ha?" Sabi ni Simon habang nakayakap sa akin.
"Oo naman baby, babalik si dada. Stanley alagaan mo si Simon ha? Pagbalik ni dada may pasalubong ako sa inyo." "Okay dada. Bye po, ingat ka dada." Sabi nya tsaka yumakap sa akin ng mahigpit.
"Wends kayo na munang bahala ha? Nagluluto yata si mommy, tulungan nyo na lang kapag kailangan." "Oo naman kuya, kami nang bahala rito, ingat kayo ha?" Si Roman.
"Sige na, aalis na kami.
********
"Tom ako na lang ang bababa. Isasakay na lang naman ang mga gamit nila e, hindi naman masyadong marami yon. Hindi na rin ako masyadong magtatagal." Sabi ni kuya Armand.
"Sige lang kuya. Sure ka hindi mo na kailangan ng tulong?" "Hindi na Tom, kaya ko na yon. Sige na, bababa na ako.
*****
"Hi kuya Tom!!! Namiss ka namin." Bungad agad ni Cj pagkasakay nila sa sasakyan. Kasama nila si ate Rose sa likuran, then kami ni kuya Armand ang nasa harapan.
"Hi Cj. Kumusta na kayo?" "Okay lang po kuya. Ikaw po kumusta?" Ayos naman, nag-aaral ba kayong mabuti?" "Opo kuyaaa, matataas nga po grades ko e, tapos nanalo po ako sa drawing contest sa school namin." Tuwang-tuwang sabi ni Charlie.
"Mabuti naman kung ganoon.
*****
"Kuya pwede ba tayong mag stop saglit?" Tanong ko kay kuya Armand matapos ang halos isa't kalahating oras na byahe.
"Oo naman Tom, saan ba?" Pag may nadaanan sana tayong kainan kuya, nagugutom na rin kasi ako." "Ay ameeen!!!! Ako rin gutom na, so Armando baka naman hahahaha." Si ate Rose.
"Tamang-tama, may madadaanan tayong J.Co, gusto mo bang bumili?" "Sige po kuya, ako na ang bababa this time ha?" Sabi ko agad para hindi na sya makatutol.
"Sige na nga." "Kuya Tom sasamahan kita, wala kang kasama e, kaya ako na lang." Sabi ni Charlie. Sa kanilang dalawa kasi ni Cj ay sya ang mas malambing at naging attach sa akin.
"Charlie huwag na, mahihirapan lang si kuya Tom mo." Sabi ni ate Rose.
"Hindi, okay lang po ate. Sige Charlie, samahan mo ako.
*****
Anong gusto mong bilhin Charlie?" Tanong ko sa kanya pagkalapit namin sa counter.
"Kuya ito po, pero pwede po dalawa? Tig-isa po kami ni Kuya." Sabi nya habang itinuturo ang classic chocolate na doughnut.
"Oo naman, higit pa sa dalawa ang bibilhin natin, papasalubungan ko kasi ang dalawang anak ko. Tsaka nasa bahay rin sina Jacob at Noah, naaalala mo pa ba sila?" "Opo kuya, ilang taon na po anak mo?" "Si Simon 3, si Stanley naman 8, kaya sigurado akong makakasundo mo sila."
*****
Charlie, penge ako." Sabi ni Cj kay Charlie, hinihingi nito ang doughnut na kinakain nya.
"Meron pang isa jan, yon na lang kunin mo." "Ayoko, gusto ko yung sayo." Sabi ni Cj tsaka kinuha ang doughnut sa kanya.
"Mamaaaa!!! Kinakain ko na yan e, kinuha pa." Charlie whined, paiyak na sya.
"Cj! Ibigay mo yan sa kapatid mo." Sabi ni kuya Armand.
"Ayoko, kinakain ko na e." "Sagot nya.
"Cj!" Ate Rose said sternly.
"Kinakain na rin naman ni Charlie yan e, kinuha mo lang." Hindi ito nakinig.
"Charlie kunin mo na lang yung isa pang doughnut dito, hindi ibibigay sayo yan ng kuya mo." Sabi ni ate Rose tsaka ibinigay sa kanya ang isa pang doughnut, kinuha naman nya ito atsaka marahang kinain.
"Napaka iyakin mo, arte arte." Sabi ni Cj sa kanya, umiiyak kasi sya habang tahimik na kumakain.
"Cj tumigil ka na ah? Sinabihan ko na kayo." Sabi ulit ni ate Rose. Napansin ko na yan sa kanilang dalawa noon. Hindi sila malambing sa isa't isa, hindi sila katulad nina Stanley at Simon, o nina Jacob at Noah. Palagi silang nagbabangayan at nag-aaway, nagsusuntukan pa nga minsan. Malambing naman si Charlie, pero ayaw lang talaga ni Cj, ayaw nga nyang niyayakap sya nito.
********
No one's pov

You Are Not Alone AnymoreWhere stories live. Discover now