Chapter26

58 4 0
                                    

Tom's pov

"Dada? Dada." Napamulat ako ng mata dahil sa pagtawag sa akin ni Simon.
"Baby, bakit?" I asked sleepily.
"Di ba po uuwi na tayo ngayon? Why are you sleeping pa?" Medyo natawa naman ako dahil sa sinabi nya.
"Anak, mamaya pang 1:00 ang flight natin, maaga pa naaman." "Ah, but I'm hungry na dada, tapos sabi ni kuya Cocob and kuya Noah gutom na din daw sila." Sabi ni Simon habang nakaupo sa ulunan ni Stanlley.
"Nasaan sina kuya Cocob anak." "Nandito tito Tom, naghahanap po ng food kasi gutom na kami." Narinig kong sagot ni Jacob mula sa kitchen ng hotel room namin. Nag-unat muna ako tsaka bumangon para puntahan sila roon.
"Jacob anak, may shrimp pa yata na natira dyan sa lamesa, gusto nyo ba yon?" Tito Tom, wala po dito." Noah said tsaka bumaba mula sa upuan kung saan sya nakatayo para maabot ang lamesa. Doon ko lang naalalang nasa kwarto nga pala nina Lea ang take out naming pagkain kagabi. Sa isang seafood restaurant dito sa L'Fisher kasi kami nag-dinner.
"Hmmm... How about cereal, gusto nyo?" "Opo tito Tom, yon na lang kakainin namin." Sabi ni Jacob tsaka nauna nang maupo sa lamesa.
"Kuya Tom, good morning." Sabi ni Charlie. Halata sa boses nya na inaantok pa sya.
"Hi Charlie, good morning. Halika rito, upo ka na para makakain." Sagot ko tsaka isa-isang nilagyan ng cereal ang mga bowl sa lamesa.
"Jacob, gusto nyo ba may milk yung sa inyo ni Noah?" "No tito Tom, ayaw." Si Noah ang sumagot.
"Charlie, upo ka na rito, sabayan mo nang kumain sina Simon." Pagtawag ko nang mapansin na hindi sya lumapit.
"Sandali lang po kuya Tom, aayusin ko lang po yung tinulugan ko." "Ay hala, ako na Charlie. Upo ka na roon, nilagyan na kita ng pagkain." "Pero baka po pagalitan ako ni mama kapag nalaman nyang hindi ko inayos yung kama. Sasabihin noon... Ano ba naman yan Charlie! Bakit hindi mo pa inayos yung hinigaan mo, si kuya Tom mo pa ba ang gagawa nyan para sayo? Ayus-ayusin mo ha, ang dami mo nang kasalanan sa akin. Parehas kayo ng kuya mo, tingnan nyo lang kapag nahawakan ko kaon dalawa, bugbog na naman kayo sa akin." Natawa naman ako dahil sa paggaya ni Charlie sa mga litanya ni ate Rose. Kuhang-kuha hahahahhaha.
"Tapos si papa naman ang sasabihin... Sige na Charlie. Sumunod ka na kay mama mo para hindi na magalit." Ganoon lang kuya Tom." "Ahahahahahah! Kuhang-kuha mo Charlie ah." Sabi ko habang tumatawa pa rin. Medyo pinalaki at binabaan kasi ni Charlie ang boses nya para gayahin si kuya Armand ahahahaha.
"Ganoon po talaga si mama kuya Tom. Minsan nga po, kahit wala naman akong ginagawa... Nadadamay ako e, kahit si kuya naman talaga ang may kasalanan." Paghihimutok pa nya.
"Sige na Charlie, kain ka na." I said.
"Pero kuya Tom..." Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita.
"Aaahh!!!" Charlie squeaked. Kinarga ko kasi sya mula sa kama papunta sa lamesa.
"Yan Charlie, kain ka na. Kapag gusto mo pa, magsabi ka lang ha?" Sabi ko matapos ko syang iupo sa tabi ni Noah. Wala naman itong nagawa kundi ang kumain na lang.
"Kuya Tom, paano po yung higaan?" "Ako nang bahala Charlie, kain ka lang." Sabi ko tsaka muling bumalik sa kama para ayusin ito. Napagdisisyonan ko na ring gisingin si Stanley para makakain na rin sya ng breakfast.
"Stanley, anak gising na." I cooed while rubbing his arm. Yakap ni Stanley ang unan nya na bare habang nakatagilid. He is drooling on the bare's head.
"Tanley." "Dada?" He mumbled. Medyo muffled ang tunog ng boses nya dahil nga yakap-yakap nya ang bare.
"Bangon ka na anak, kumakain na sina Simon ng cereal, gusto mo rin ba?" Tango lamang ang isinagot nya.
"Bakit tahimik ang Stanley ko?" I asked tsaka sya niyakap. Hindi sya sumagot, he just leaned on me.
*****
We stayed like that for five minutes. Stanley is cuddled up on my chest habang nakahiga kami.
"Dada, kain na tayo." Sabi nya tsaka tumayo mula sa pagkakayakap ko. Kabisado ko na si Stanley. Kapag ganito sya, tahimik at bihirang magsalita... I know he is silently asking for cuddles. Nahihiya pa rin kasi talaga syang magsabi kung ano ang gusto nya. Hindi ko napansin na nauna na pala sya sa lamesa.
"Kain ka na rin dada." Sabi ni Stanley pagkalapit ko sa kanila.
********
"Sulitin nyo na to, uuwi na tayo mamaya hahahahha." Sabi ni kuya Armand habang kumakain kami sa breakfast buffet ng hotel.
"Bakit, kaya rin naman nating gumawa ng sariling buffet sa bahay ah." Sabi ni ate Rose.
"Oo nga, e sina Tom lang ang nakakaubos noon e..." Sagot naman ng huli.
"Tom, may iba ka pa bang gusto?" Tanong ni Lea matapos kong maubos ang food sa plato ko. Sya kasi ang kumukuha ng pagkain sa buffet para sa amin nina Stanley.
"Wala na Lea. Busog na busog na ako. Kumain kasi kami ng cereal kanina sa kwarto e, ikaw ba?" "Hmmm... Wala na akong gusto, aside from you." "Ha?" I exclaimed.
"I mean... Wala na akong ibang gusto aside from yung doughnut, ang sarap kasi." Sabi kaagad nya. Hmmm... Ang dami ko nang napapansin dito kay Lea Salonga. Tama ba ako ng iniisip? Sana nga oo. Hindi ko kasi alam kung bakit o kung papaano. Pero honestly... I'm begining to...
"Dada." Napabalik naman ako sa riyalidadd matapos akong tawagin ni Stanley.
"Bakit anak?" "Kuya, tinatanong ka ni ate Rose kung anong oras ang flight natin pabalik sa Manila." Sabi ni Wendy.
"Ah, Um... Sorry. Ano, 1:00 ang flight natin." "Yan, sino ba kasi iniisip mo Tom?" Tanong naman ni mommy na tila nang-aasar.
"Ma, mukhang pareho tayo ng iniisip hahahahaha." Sabi ni Wendy tsaka nakipag-apir kay mommy.
**
Lea's pov

You Are Not Alone Anymoreحيث تعيش القصص. اكتشف الآن