chapter21

67 5 0
                                    

A/n
"Dong Ilay, nina nilay.
Dida nilay, Dong Ilay."
Hahahahahaha. Hiii!!! I'm back. Katatapos lang ng workshop at show namin. At ang saya-saya kasi finally... Magbabalik na ulit ang              mga updates natin!!! Kaya lang.... Hindi pa rin ako maka-move on hahahhahahaha. Tipong nasa isip ko pa rin yung mga kanta sa play.
"Sumikat na muli ang araw na mithhi
Upang simulan na ang pagtatanim."
I played as Dong Ilay. Ang guide ng Babaylan. Excited ako roon sa kinalabasan ng show hahahahahaha. Hindi pa po kasi naibibigay sa amin yung copy ng video e, kaya hindi ko pa napapanood. Pero sobrang saya ko noong unang beses akong kabitan ng lapel hahahahaha! Tipong amaze na amaze ako. Buti na lang at napigilan ko ang sarili kong mag-react. Pero sa loob-loob ko...
"Ayyy! Ganoon pala yon? Ang galing."
Hahahahahha. Seryoso. Sobrang saya ko dahil natupad ko na rin ang isa sa mga pangarap ko. At yon nga ay maging isang theater actor. At sana, hindi ito ang huling beses na makakapag-perform ako.
Anyways... Ang haba na naman ng intro hahahahahahaha. Start na po tayo.
********
Tom's pov

New year, new beginning. Grabe ang saya ng naging new year celebration namin. Hindi ko makakalimutan ang reaction nina Stanley at Simon habang pinapanood namin ang fireworks mula sa rooftop.
**
Flashback.
"Woow!!! Dada, ang ganda!" Stanley exclaimed happily. Karga ko silang pareho ni Simon habang nakasandal sa railings ng rooftop at pinapanood ang fireworks.
"Merong blue, green, white, dada meron ding red!!! Tapos may orange. May yellow, woow may red ulit!!!!" Hindi ko naman mapigilang ngumiti.
"First time mo bang makakita ng fireworks Stanley?" I asked.
"Hindi po dada. Kaya lang po kasi, doon sa amin dati paputok lang yung nakikita ko. Ngayon lang po ako nakakita ng paputok na lumilipad ng mataas tapos may kulay." He said while slightly bouncing on my hip, ang cute.
"Kuya Tanley wook, there's puwple, favowite color mo yan." Sabi ni Simon.
"Oowww, hindi na purple ang favorite color ko Simon." Sagot ni Stanley sa kanya.
"E ano na?" Tanong ko.
"Um... Ah, red dada." "Parang hindi ka sigurado Stanley ahahahaha." "Dada hindi. Red po kasi yung tablet ko e, kaya yon na ang favorite color ko." Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Hindi ba blue yung color ng tablet mo anak?" "Blue nga po dada, blue na may red." Medyo naguluhan ako sa sinabi nya.
"Tapos red din po yung firetruck na bigay ni lola kay Simon, pati po yung soot natin ngayon color red." Napangiti na lamang ako sa sinabing iyon ni Stanley.
"Dada, what's new year?" Tanong ni Simon.
"Sabi kasi ni kuya Cocob new year daw ngayon. Dada ano yon?" Dagdag pa nya.
"Ang new year baby, yon yung pagpapalit natin ng taon. Parang ngayon." "E bakit kailangan magpalit ng taon dada?" Natawa naman ako sa tanong na iyon ni Simon.
"Hindi ko rin alam baby hahahaha. Hayaan mo at aalamin natin yan."
**
End of flashback.
"Dada, saan tayo pupunta?" Napabalik naman ako sa riyalidad nang tanungin ako ni Stanley.
"Pupunta tayo sa church anak." Sagot ko habang nakangiti. Linggo kasi ngayon. At matagal-tagal na rin nang huli akong makapag-church. Kaya naman napagdisisyonan kong magpunta ulit doon kasama sina Stanley.
"Anak, nasabihan mo na ba sila Pastor na pupunta tayo sa church?" Tanong ni mommy sa akin. Palagi naman silang nag-church doon kapag sunday. Kaya nga lang dahil sa sobrang busy ay hindi ako nakakasama.
"Oo mommy, ka-chat ko si Pastor kagabi." "Siguradong matutuwa ang mga tao roon mamaya kapag nakita kayo." Sabi ni ate Rose.
"Kaya nga. Halos ilang buwan ka ring hindi nakapag-church e, paniguradong na-miss ka ng mga yon." Sagot naman ni kuya Armand.
********
"Tom!!! Mabuti naman at nakabalik ka na. Na-miss ka namin, lalo na ng mga bata." Pastora Wena exclaimed pagkakita sa amin.
"Hi pastora!!! Long time no see. Kumusta na po kayo?" "Heto ayos naman. Dahil sa kabutihan ng Lord... Naipaayos na namin ang church, halika ipapakita ko sayo." Sabi ng huli tsaka ako ginuide.
"Dito tayo mag-service mamaya." Sabi ni pastora pagkapasok namin sa isang may kalakihang hall. Para itong miny theater kung tutuusin. May mga upuan na nakahilera sa paligid. Carpeted din ang sahig at stage. Napansin ko rin na may aircon na ang hall. Grabe, ganoon ba ako katagal na nawala? Hindi ko alam kung bakit, pero parang alam ni pastora ang nasa isip ko.
"Nagtulong-tulong kaming lahat para mapagawa ito. Tapos dahil na rin sa tulong ng iba nating kapatid... Heto na ang kinalabasan." Sabi nya.
"Nasaan po pala si pastor Chris?" Tanong ko naman.
"Nandoon, nagpe-prepair na for the service. Naku Tom na-miss ka talaga naming lahat,, lalo na yung mga batang hawak mo noon sa sunday school. Tinatanong nila kung kailan ka raw babalik." Napangiti naman ako sa sinabi ni Pastora.
"Nasaan po yung mga bata?" "Nandoon. Hindi pa tapos ang sunday school nila. Si brother Jesher muna ang nagtuturo sa kanila habang wala ka. Pero kung ayos lang naman sayo... Ikaw na ulit ang magturo kung hindi ka busy." Kaagad naman akong sumangayon.
"Sige pastora. Nami-miss ko na rin pong magturo sa mga bata e, tsaka gusto ko rin pong makabawi sa inyo at sa Lord." "Naku salamat naman. Halika, dadalhin kita sa mga bata." Sabi ni pastora bago kami lumabas ng hall.
"Sayo pa rin naman yung room na ginagamit nyo noon, wala pang ibang gumamit, kaya pwede ka nang mag-ayos kung kailan mo gusto." Sabi ng huli habang naglalakad kami.
"Nandito na tayo Tom. Sandali lang at kakatok ako... Bro Jeshe, may bisita kayo." Sabi nya habang kumakatok sa pintuan ng isang kwarto. Kaagad naman itong nagbukas.
"Pastora Sino... Kuya Tom!!!" Sabi ni Jesher tsaka ako niyakap ng mahigpit. Grabe! Naaalala ko noon, ang liit-liit pa ng batang ito. Isa si Jesher sa mga batang tinuturuan ko rin sa sunday school pero tignan mo naman ngayon.
"Jesher! Kumusta ka na?" "Heto ayos naman kuya. Palagi naming napapanood ang mga videos mo, ikaw kumusta?" "Mabuti naman. Sa awa ng Lord nakabalik na ulit ako sa church. Kumusta ang mga bata?" "Hayon. Lagi ka nilang hinahanap kuya. Lalong-lalo na si Sean. Tuwing linggo pagkarating nya rito, titignan nya kung nandyan ka ba. Tapos kapag nakita nyang wala nalulungkot sya. Tapos lagi nyang tinatanong kung kailan ka raw ba babalik." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Jesher. Sobrang close talaga sa akin ni Sean. Palagi nya akong gina-guide pag nasa church kami.
"Gusto mo bang pumasok sa loob kuya?" Tanong ni Jesher.
"Oo naman. Pwede ba?" "Of course! Halika." Sagot nya tsaka muling binuksan ang nakasaradong pinto.
"Kids!!! May bisita kayo." Sabi ng huli pagkapasok namin sa loob. Isa iyong kwarto. Hindi naman sya sobrang liit, sakto lang para sa dalawampung bata.
"KUYA TOM!!!!" Sigawan ng mga bata. Pero may isang bata na hindi nakontento sa pagsigaw. Tumakbo ito palapit sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit.
"KUYAAA! Na-miss kita!!!" Si Sean.
"Hi Sean!!! Na-miss din kita, kumusta ka na. Palagi ka bang nagbabasa ng bible?" "Opo kuya Tom. Palagi rin po akong nagdadasal gaya ng tinuro mo, lalo na bago kumain." Napangiti naman ako.
"Kuya, ikaw na ba ulit ang magtuturo sa amin?" Tanong pa nya.
"Hmmm... Siguro. Tanungin natin si pastor. Pero upo ka muna roon. Hindi pa yata kayo tapos. Lalabas muna ako ha? See you later." Sabi ko kay sean tsaka ako lumabas sa hallway.
"Anak! Nandyan ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap." Mommy exclaimed. Nandoon silang lahat, kasama sina Simon.
"Dada!" Stanley said tsaka yumakap sa akin.
"Bakit anak?" "Dada, ang daming tao." He answered quietly.
"Naku ganyan talaga rito Stanley. Pero mababait sila." I said while running my hand through his hair.
"Dada, may piano. Nakita namin ni kuya Tanley. Like yung piano natin sa house." Sabi naman ni Simon.
"Wow! May grand piano na rin pala sila?" I asked in amazement.
"Baby grand anak. Pero ang ganda." Sabi naman ni mommy habang nakatayo lang sa gilid.
"Tom!!!! Kumusta ka na. Sandali, sila ang mga anak mo di ba?" Sabi ni pastor Chris habang naglalakad palapit sa amin.
"Hi po pastor. Mabuti naman po ako. Opo, ito po si Simon, sya naman po si Stanley." Sabi ko habang isa-isa silang tinuturo.
"Hi. Ako si pastor Chris. Ang gagaling nyong kumanta. Napanood namin yung christmas concert nyo." "T'ank you pooo!!!" Simon answered happily.
"Halina kayo. Magsisimula na ang service natin." Sabi pa ni pastor tsaka nauna nang maglakad.
*****
Pagpasok pa lang namin sa loob ng hall ay binati na kaagad kami ng mga kasama namin sa church.
"Hello Tom. Naaalala mo pa ba ako?" "Oo naman po nanay Nena. Kumusta po?" "Heto malakas na sa awa ng Panginoon." Napangiti naman ako. Ilang buwan din kasing nagkasakit si nanay Nena. Lahat kami ay malapit sa kanya. Halos nanay na kasi kung ituring namin sya.
"Ang ganda na po ng church natin ano?" Sabi ko pa.
"Naku oo nga. Nagulat nga rin ako noong una kong balik dito." Sagot naman ni nanay Nena. Hindi na namin naituloy ang usapan dahil nagsalita na si pastora sa harapan.
"Magandang umaga po sa inyong lahat. Tayo po ay naririto ngayon dahil sa kabutihan ng Panginoon. Kaya nararapat lamang natin syang pasalamatan para sa panibagong umaga na ibinigay nya sa atin." Sabi ni pastora tsaka nagsimulang magdasal.
*****
"Amen!!!" Sabi naming lahat.
"Bago po tayo magsimula sa ating praise and worship... Gagawin po muna natin ang tinatawag naming icebreaker." Napangiti naman ako nang marinig ko iyon.
"Marami po akong nakikitang mga bagong mukha ngayon. Kaya upang mai-welcome sila... Tayo po ay magsasagawa ng isang kumustahan o icebreaker nga po kung tawagin namin. Tayo pong lahat ay iikot sa loob ng church habang umaawit at sumasayaw. Maghahanap po tayo ng kanya-kanya nating partner. Ituturo po namin sa inyo ang kanta at steps ng sayaw." "Dada, paano ka? Mahinang bulong ni Stanley na noon ay nakaupo sa tabi ko.
"Alam ni dada ito anak. Ituturo ko sayo ha?" "Okay!!! Tayo pong lahat ay tumayo." Kaagad naman kaming sumunod.
"Kumusta ka? Kay Kristo Masaya."
Pagkannta ni pastora habang itinuturo ang sayaw. Sinasabayan ko rin sya dahil nga alam ko naman na ang steps nito.
"Ipalakpak ang kamay ituro ang paa."
"Dada, ang galing!" Stanley said happily while copying my actions.
"Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa.
Umikot ka umikot ka, Humanap ng iba."
"Nakuha mo ba anak?" Mahinahong tanong ko.
"Onti pa lang po dada. Pwede pong ulit?" Kaagad ko naman syang pinagbigyan.
*****
"Okay na po dada, kuha ko na. Thank you." Stanley said after giving me a quick hug.
"Okay!!! Start na tayo. Pag nagsimula ang music, doon pa lang din po tayo magsisimulang umikot okay ba?" Lahat naman kami ay sumagot.
"Huwag po kayong mahihiya na sumayaw at kumanta..." Matapos iyon ay nagsimula nang tumugtog ang banda.
*****
"Kumusta ka? Kay Kristo masaya.
Ipalakpak ang kamay ituro ang paa."
Isang babae ang nalapitan ko.
"Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa.
Umikot ka umikot ka, humanap ng iba."
Pagtalikod ko ay narinig ko syang sumigaw ng bahagya.
"Waaa!!! Si Tom Santos ba talaga yon?" Hindi ko na lang pinansin.
"Kumusta ka? Kay Kristo masaya.
Ipalakpak ang kamay ituro ang paa."
"Hi dadaaa!!!" Sabi ni Simon, sya pala ang nalapitan ko.
"Padyak sa kanan, padyak sa kaliwa.
Umikot ka umikot ka, humanap ng iba."
"Byeee!!!" Sabi ni Simon tsaka tumakbo.
"Kuya Tom!!! Ako to." Narinig kong sabi ni Sean.
"Umikot ka umikot ka, humanap ng iba."
*****
Halos 5 minutes din ang itinagal ng icebreaker. May kalakihan nga kasi ang hall kung saan ginaganap ang service, at iniikot talaga namin ang lahat ng tao.
"Dada ang saya!" Sabi ni Stanley habang hinihingal pa.
"Ganito po pala dito?" Dagdag pa nya.
"Oo anak." "Yan. Siguradong magkakakilala na tayong lahat. Oras na po para sa ating praise and worship."
*****
"Sa gitna ng kaguluhan
Ang tinig Mo ay hanap
Sa templo Mong banal
May bagong kagalakan
Ang tanging mananatili
Ay ang Iyong sinabi
Sa kataas-taasan
Ikaw pa rin ang Hari
Dakila at kailanma'y
'Di mahihigitan
Ang Ngalan Mo ay kaligtasan ko
Ang 'Yong kaharian
Ang aking adhika
O Diyos, dalangin ko'y maghari Ka."
Napakasaya. Ngayon ko lang ulit ito naranasan. Ngayon ko lang din ulit napasalamatan ng todo ang Lord. Kaya naman ibinigay ko ang halos lahat ng energy ko para sa praise and worship.
"Sundin ang loob mo
Dito sa lupa, tulad ng sa langit.
Sa 'yo ang kaharian
kapangyarihan, at kaluwalhatian."
*****
In Jesus name..."
"Ameeen!!!!" Sigaw namin tsaka kami nagpalakpakan.
"Thank you Lord." Napangiti naman ako dahil kay Stanley. Halata kasing sineseryoso nya talaga ang praise and worship.
********
"At bago po tayo tuluyang magtapos sa ating sunday service... Gusto ko lang pong tawagin ang taong ito na muling nagbabalik." Sabi ni Pastor chris matapos ang preaching.
"Sya man po ay sikat na sa buong mundo, natutuwa po ako dahil narito pa rin sya at kasama natin. Isa po ako sa mga taong makapagpapatunay na ito pong tatawagin ko ay napaka-humble at walang halong yabang sa katawan. Sa kabila po ng mga narating nya ay hindi pa rin sya nagbabago. Handa pa rin po syang tumulong sa mga nangangailangan kaya naman patuloy rin po syang pinagpapala ng ating Panginoon. Hindi ko na po ito pahahabain pa... Muli po nating i-welcome ang ating kapatid sa Panginoon, si Mr. Tom Santos kasama ang kanyang mga anak." Kaagad naman akong tumayo at nagtungo sa stage. Si Stanley ang nag-guide sa akin.
"Magandang araw po sa inyong lahat." Bati ko sa harap ng mikropono.
"Grabe pastor. Hindi ko naman po alam na may pa-welcome pala ulit hahahahaa." Sabi ko na naging dahilan ng tawanan nilang lahat.
"Ako po, kasama ng aking mga anak ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat sa muling pagtanggap. At sana po, kung paano nyo ako minahal, ganoon nyo rin po sana mahalin ang dalawang anak ko. Sina Stanley at Simon." Nagpalakpakan naman ang mga tao pagkasabi ko noon.
"Natutuwa po ako dahil kanina habang nag-icebreaker tayo, ang sigla-sigla po ng mga anak ko. Patunay lamang na kanila pong tinatanggap ang ating Panginoon. Kaya naman po sobra akong nagpapasalamat sa inyong lahat, lalong-lalo na po sa ating tagapagligtas. Ang ating Panginoong Hesukristo." "Maraming salamat Tom! At dahil na-miss ka naming lahat... Gusto sana naming ikaw ang umawit ng last song natin." Sabi ni Pastor Chris na sinundan naman ng pag-cheer ng mga tao.
"Hindi ko po alam kung ano ang closing song natin ngayon. Pero tutugtugin ko na lang po ang isa sa mga palagi nating inaawit noon..." Sabi ko tsaka hinanap ang piano, hindi naman ako nahirapan dahil ginuide ako ni Stanley palapit doon.
"Kung alam nyo po ang awitin... Maaari po kayong sumabay." Sabi ko nang magsimula na akong tumugtog.
"Nais mo bang maibsan ang pasan?
Makapangyarihan ang dugo;
Sa sala ay makalayang tunay,
May tanging lunas sa dugo.

You Are Not Alone AnymoreWhere stories live. Discover now