Chapter4

56 5 0
                                    

Tom's pov
Nagising ako sa mga tapik sa pisngi ko noong umagang iyon.
"Toffee no." Sabi ko sa pagaakalang aso ko ang gumagawa noon.
"I no dog, I simon." Kaagad ko namang idinilat ang mga mata ko ng marinig ko iyon.
"Good morning baby." Sabi ko tsaka sya niyakap.
"Goo mowning dadaaa. Wowa comin to day?" "Yes baby, lola is coming to day. But we nead to get you out of this wet diaper yeah? Then kakain tayo ng breakfast okay ba yon?" "Otay dada."
********
Matapos ko syang ayusan ay bumaba na kami sa sala para mag luto ng pagkain, ngunit nagulat ako ng maamoy ko ang nilulutong bacon at sinangag sa kusina, may naririnig din akong mga tawanan na nagmumula sa dining area. Inakala kong sina ate Rose lang iyon kaya naman pumunta na ako sa pinanggagalingan ng ingay at mabangong amoy.
"Good morning anak." "Mommy? Ang aga mo naman, akala ko mamaya pang 10 ang punta nyo." "Syempre, excited eh." "Edi hindi ka na sumabay kayna Wendy? Talaga naman yung mga yon." "Sumabay ako sa kanila, inutusan ko lang saglit na bumili si Roman, hayun sumama silang lahat hahahahah." "Wowa?" "Yes Simon, that's lola, you want to say hi?" "Hewwo wowa. I simon." "O hello Simon!!! Come here. Hug mo si lola." Lumapit naman sa kanya si Simon atsaka sya niyakap.
"Anak kain na kayo, nagluto na ako ng sinangag at bacon." "You cook wowa?" Yes Simon, nag luto si lola." "Kumain na ba sina ate Rose ma?" "Oo, kumain na kaming lahat, kayo na lang ni Simon ang hindi pa." "Baby you want to try this?" Sabi ko tsaka inilapit ang kutsara na may sinangag at bacon sa bibig ni Simon, Kaagad naman syang ngumanga.
"Sawaaaap!!!" "Masarap talagang mag luto si lola anak, you say thank you okay?" T'ank you, wowa." "No problem Simon." Sabi ni mommy tsaka ginulo-gulo ang buhok ni Simon. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay narinig ko ang isang kotse na huminto sa labas.
"Sila na yata yan." Sabi ni mommy sa akin.
"Baby okay lang ba kung si lola muna ang magpapakain sayo? Pupuntahan ko lang sina tita Wendy sa labas." "Otay dada, is Jacob and Noah hewe?" "Yes baby, they are here na." Sabi ko tsaka tumayo na sa upuan ko para salubungin sila.
"Kuyaaa!!!" Salubong ni Wendy sa akin pagkabukas ko ng pintuan.
"Wendssss!!!! Kumusta? Longtime no see hahahahahaa." Sabi ko tsaka sya niyakap ng mahigpit.
"Ayos lang kuya, heto mataba pa rin." "Obvious nga hahaha, saan sina Roman?" Nandoon pa sa sasakyan, pero pababa na yung mga yon." Ilang sigundo lang ang nakalilipas ay narinig ko na ang pag bukas at pag sara ng pintuan ng sasakyan, sinundan naman ito ng ingay ng mga pamangkin ko.
"Tito Toooooom!!!!!" Magkasabay na sigaw nina Jacob at Noah na tumatakbo palapit sa akin.
"Nasa kanan mo si Noah kuya, si Jacob nasa kaliwa." Sabi ni Wendy.
"Jacob, Noah!!! Kumusta ang mga pamankin ko? Pinapakain ba kayo ng nanay nyo hahahahaha." "Oo naman kuya, tignan mo naman ang dalawang yan, mukha bang hindi yan kumakain?" Pinagaralan kong mabuti ang hitsura nina Jacob at Noah. Si Jacob ay mas matangkad lang kay Simon ng onti, magkasing tangkad sila ni Noah. Blond ang buhok nilang dalawa, parehong chubby ang pangangatawan. Medyo matangos ang ilong ni Jacob samantalang ang kay Noah ay hindi. May kaputian silang dalawa, bagay na nakuha nila kay Wendy. Kumpara naman sa ugali... Mas tahimik at mahiyain si Noah, mas out going kasi si Jacob kumpara sa kanya, pero pareho naman silang mabait at sweet.
"Hi kuya." Bati ni Roman sa akin.
"Kumusta Roman?" "Ayos naman, pumapayat na hahaha." Medyo may katabaan kasi sya, kaya nga pinilit nyang mag gim na mukhang effective naman.
"Tito tom, buhat mo kami!!!" Sabi ni Jacob.
"Jacob, what's the magic word?" Sabi naman ni Roman.
"Please?" Kaagad ko naman silang binuhat atsaka kami pumasok sa loob.
"Where is your baby tito Tom?" Tanong ni Noah.
"He's eating with lola, kumain na ba kayo?" "Opooo." Pumunta kami sa dining room kung saan nandoon sina mommy at Simon.
"Hi Simon, I am tita Wendy, and this is tito Roman." Pagpapakilala ni Wendy sa kanila.
"Hewwo po. Where Jacob and Noah?" "We're here!!!" Sabay nilang sigaw. Ibinaba ko naman silang dalawa tsaka sila tumakbo palapit kay Simon.
"Hi Simon, I'm Jacob." I Noah, hi Simon." "Anong oras daw darating si Lea anak?" Ay pupunta si miss Lea? May Gaaaaaadddd!!!" Tili ni Wendy. Hilig kasing makipagkantahan noon kay Lea kapag nandito sya, lahat kasi kami dito ay kumakanta, kahit sina ate Rose at kuya Armand. Halos lahat sa amin ay may training sa clasical music and singing, kahit ang mga pamangkin ko. Balak ko ring turuan si Simon syempre.
"Oo Wendy, pupunta si Lea." "Edi kantahan nanaman itooo!!!!" "Naku kuya, mababaril ka ulit." Sabi ni Roman atsaka humagalpak ng tawa. Ang tinutukoy kasi nito ay ang eksena ni Thuy sa Miss Saigon kung saan binaril sya ni Kim dahil sa pagtatangka nito na patayin ang tatlong taong gulang nyang anak, si Tam.
A/n
Sa mga nakapanood na ng Miss Saigon... Alam nyo yan hahahaha. Sa mga hindi naman nakakaalam ay ilalagay ko ang link sa dulo ng chapter na ito para mapanood nyo.
**
Favorite kasi nilang gawin ang eksenang iyon, lalo kapag nandito si Lea. Kapag naman wala sya ay si Wendy ang gumaganap na Kim sa amin, si  mommy naman ang nag play kay Ellen, at si ate Rose ang nag play kay Gigi, also known as Miss Saigon, kuya Armand is playing the Engineer, and Roman is playing as Chris, palitan naman ang dalawang bata sa pag play kay Tam. At ako naman ay si Thuy, yung babarilin nga hahahahahaha. Si Thuy kasi ang ginampanan kong karakter sa Miss Saigon broadway 2 years ago.
"Kaya nga nagtimpla na ako ng fake blood hahahahaha, Kasi alam kong mababaril na naman ako." "Alam ba ni Simon ang eksenang yon? Tanong ni Wendy sa akin.
"I guess hindi? Hindi pa kasi nya napapanood ang Miss Saigon e,." "Gusto kong makita kung ano ang reaksyon nya hahahahaha,." Sabi ni mommy.
"Naku siguradong iiyak yon, nasaan nga pala sila?" Tanong ko ng mapansin kong wala na sila roon sa kusina.
"Naglalaro, hayaan mo muna. Mabuti nga at nagkakasundo e." Sabi ni Mommy.
"Oo nga, Mabuti at hindi nanibago si Simon Tom?" "Naku sinabi mo pa, nagulat nga ako kasi ang bilis nyang mag settle. Yung ibang adopted kids inaabot ng ilang linggo o buwan pa bago maging komportable, natuwa naman ako." "We're happy for you anak." "Oo naman, tsaka at least kuya hindi ka na mahihirapang pakisamahan sya. Kilala na ba nya si miss Lea? Tanong ni Wendy sa akin.
"Oo, nakausap nya kahapon." "Alam kaya nyang si Lea Salonga, ang broadway diva ang nakausap nya?" "I guess hindi hahahahaha." Tita Leaaaa!!!" Rinig naming sigaw ni Jacob mula sa livingroom.
"Speaking of Lea hahaha." "Hello Jacob. Hi Noah. And you must be Simon?" Pinapanood lang namin sila mula sa pintuan ng kusina.
"O opo, I Simon." "Aww don't be shy my love, I am tita Lea. Where is your dada Simon?" Sa kitchen po. Lesgooo!!!" Biglang tumakbo si Simon papunta sa amin.
"Dada! Tita Lea is hewe." Sabi nya na hinihingal pa dahil sa pag takbo, nakasunod naman sa kanya sina Jacob, Noah at Lea.
"Hi Toooom!!! Kumusta?" Sabi ni Lea tsaka yumakap sa akin. I chuckled a bit dahil sa ginawa nya.
"Hi lea, okay lang naman, ikaw?" Sabi ko tsaka gumanti ng yakap.
"Ayos lang naman ako, ang cute ni Simon ah? Kamukha mo." "Ayyy oo nga no? Ngayon ko lang din na realise, kuya seryoso, kamukha mo si Simon." Tuwang tuwang sabi ni Wendy.
"Ang bangooo!!! Ano yung niluluto ni tita?" Tanong ni Lea ng maamoy ang mabangong niluluto ni mommy,.
"Kare kare Lea, Maluluto na ito, pinalambot ko na kasi yung baka kagabi pa lang kaya mabilis na lang ito." "Hang saraaaappp!!! Simon nakatikim ka na ba ng kare kare?" Tanong ni Roman kay Simon na noon ay nakaupo sa lap ko.
"Not yet po." "Naku... Kapag natikman mo ang kare kare ni mommy Simon hindi ka magsisisi." Sabi ni Wendy na sinigundahan naman ni Lea.
"Is that your favowite food dada?" "Oo naman baby, sobrang favorite ni dada ang kare kare." "Kapag nga yan ang ulam noon, nakaka anim na kanin si kuya e." Sabi ni Wendy na sinundan nito ng tawa.
"Hoy hindi, pito yon." Pagtatama ko na naging dahilan ng malakas na tawanan naming lahat.
"Di ba hanggang ngayon naman?" "Ay mommy hindi na pito, syam na sandok na ng kanin ahahahahaha." Lalo namang nagtawanan ang mga tao dahil sa sinabi ko, si Simon naman ay mukhang hindi na interasado sa usapan dahil pinaglalaruan nya ang dulo ng t-shirt ko.
"Tito Tom can we sing na?" Tanong ni Noah.
"Sure!!! Let's go sa theater." Sabi ko tsaka tumayo na sa upuan habang buhat-buhat ko si Simon. Umakyat kaming lahat sa taas, kung saan nandoon ng miny theater ko. Meron itong 50 seats, bukod doon ay pwede ka pang umupo sa sahig. Medyo may kalakihan din ang backstage at ang mismong stage nito.
"Simon can you sit here? Dada will sing lang with them, don't worry, nasa harapan ka naman kaya kita mo pa rin kami." Napapalakpak naman sya ng marinig na kakanta ako.
"Otay dada, I sit hewe, I wach you." Thank you baby, I love you." Wuv you two dada.
"Can I be Tam tito Tom?" "Sure Noah, You'll be Tam." Napatalon naman sya sa tuwa.
"Okay so our Kim is Lea of cours, I'll be Thuy, Si kuya Armand si engineer, and si Roman sa soundspinning okay? Wendy sa lites ka, and the rest is the ensemble." Instruction ko sa kanila na kaagad naman nilang sinunod.
"Guys, first time itong makikita ni Simon, And I am sure na mag re-react sya kapag binaril na ni Kim si Thuy, so kung ano man ang maging reaction nya, go with the flow lang tayo ha? Wendy paki video pleeease." "Okay!!! This is exciting hahahahaa." Lumabas na kami sa stage matapos naming mag lagay ng makeup at mag kabit ng kanya kanya naming lapel. Namatay ang ilaw At tumugtog ang instrumental ng thuy's death.
**
Lyrics.

You Are Not Alone AnymoreWhere stories live. Discover now