Chapter10 - Journey to the past

47 5 0
                                    

A/n
Hellooo!!! As promised. Gagawin kong magaan ang chapter10 natin. Pero naiisip ko kasing mag flashback sa buhay ni Tom. Parang gusto kong ipakita yung childhood nya e, so susubukan kong ikwento sa inyo yung kabataan nya. Kung paano ba sya namuhay noon at kung ano yung mga nangyari noong bata pa sya hanggang sa mag disisyon syang mag adopt. Kung ready ka na, let's start.
********
No one's pov
"Daddy, are you coming back?" Tanong ng limang taong gulang na Bata sa tatay nya na kasalukuyang nag-iimpake ng mga gamit.
"Tom hindi na babalik si daddy." "B but why? Hindi mo na ba kami love?" Maluha-luhang tanong ng bata.
"Syempre hindi baby, love na love ka ni daddy. Pero may mga bagay kasi na hindi mo pa maiintindihan kahit ipaliwanag ko sayo ." Malungkot na sabi ng huli.
"Aalagaan mo si Wendy ha? Mag promise ka kay dadddy na magiging good boy ka." "Opo daddy, I'll be a good boy. Bibisitahin mo pa rin kami ha? Mamimiss ka ni mommy tsaka ni Wendy." Napa buntong-hininga na lamang ang tatay nya. Hindi nya kasi sinabi sa bata ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Anizza, meron na syang iba. At yon talaga ang dahilan ng pag alis nya, noong una ay hindi nya ito ipinaalam kay Anizza syempre, pero walang sikreto ang hindi nabubunyag. Dumating sa punto na naghihinala na ang babae sa kakaibang ikinikilos nya, madalas umuwi ng gabi, umaalis ng bahay kahit wala namang trabaho, at ang pinaka kakaibang napansin nya ay palagi nitong hawak ang cellphone nya, para bang lagi itong may ka-text. Kaya naman ng hindi na nya kayanin ay kinausap na nya ang lalaki, ayaw pa nitong umamin noong una pero hindi nag tagal ay nag sabi rin ito ng totoo. Isang taon na silang nagsasama ng babae, at ang malala nga ay nabuntis pa nya ito. Sobrang nasaktan si Anizza sa nalaman, ngunit alang-alang sa mga bata ay sinubukan nya pa ring makipag ayos dito. Ngunit si Rick na mismo ang may ayaw, mahal daw nya yung pangalawang babae, at obviously, ito ang pinili nya. At yon ang dahilan kaya sila umabot sa ganito, kaya sya aalis ng bahay.
"Sigurado ka na ba talaga sa disisyon mo Rick? Please naman o, kahit para na lang sa mga bata." Pagmamakaawa ni Anizza.
"Anizza ayoko na, para ko lang niloko ang sarili ko kapag pinilit ko pang makisama sayo. Mas maganda nang ganito ang gawin ko." Sabi naman ng lalaki.
"Sige, umalis ka na. Hindi na kita pipilitin kung talagang ayaw mo na, ano pa nga bang magagawa ko di ba? Mahal mo sya e." Bumaling naman si Rick sa mga bata atsaka nag salita.
"Tom, aalis na si daddy. Tandaan mo ha? Love na love ko kayo ni Wendy." Kaagad naman syang niyakap ni Tom, ngunit tumingin lamang sa kanya si Wendy na noon ay mag tatatlong taong gulang pa lang, hindi kasi sila naging close nito, simula kasi ipinanganak si Wendy ay palagi na syang wala.
"Wendy yakapin mo si daddy." Sabi ni Tom, hindi naman ito pinansin ng bata, sa kanya lang ito yumakap, ganoon kasi si Wendy kapag natatakot, yumayakap sya sa kuya Tom nya.
"Hayaan mo na Tom. Sige na ha? Aalis na si daddy." Pinipigilan ni Rick ang umiyak sa harap ng mga bata.
"D daddy, don't go please." He sobbed.
"D d dito ka na lang." Hindi naman sya pinansin ng huli, lumabas ito ng bahay at iniwan ang limang taong gulang na batang umiiyak.
"Anak, anak tahan na. Nandito pa naman si mommy e." Sabi ni Anizza tsaka sya binuhat.
"M mooommyyy, b bakit umalis si d daddy? H hindi na ba nya tayo love?" He says while choking through his sobbs.
"Tom, love kayo ni daddy, pero may iba na kasi syang love." Paliwanag ni Anizza.
"I ibang l love? M may ibang b baby na si d daddy?" "Oo anak, may bago nang asawa ang daddy mo." Maluha-luhang sabi ni Anizza, alam naman nyang hindi pa ito naiintindihan ni Tom pero mas maganda nang may alam sya. Yon ang akala nya, sa murang edad kasi ni Tom ay tila naiintindihan nya na ang mga nangyayari.
********
"Tom bakit hindi ka naglalaro?" Sabi ni Anizza sa kanya, kasalukuyan silang nasa isang park. Isang taon na ang nakalilipas mula nang iwan sila ni Rik, maayos naman ang naging pamumuhay nila simula noon. Mahirap oo, pero pilit kinakaya ni Anizza para sa dalawa nyang anak. Nagtatrabaho sya sa isang kompanya bilang isang Office asistant, kaya naman kumuha sya ng isang kasambahay na pwedeng mag bantay kina Tom kapag wala sya. Si Rose. Napakabait nito kaya naman mahal na mahal sya ng dalawang bata. Alam din nito ang mga pinagdaanan ng mag-iina.
"Wala po akong kalaro." Malungkot na sagot nya sa ina.
"Meee!!! I'll play with you." Biglang sabi ng isang batang babae na kanina pang nakaupo sa tabi nila.
"O yon naman pala e, may makikipaglaro na sayo." Sabi ni Rose sa kanya.
"B but I'm Blind, baka ayaw na nya makipaglaro sa akin." "O, are you blind? You can't see me?" Tanong ng bata.
"Y yes, o okay lang kung ayaw mo na makipaglaro." Malungkot na sabi ni Tom.
"Nooo, I'll still play with you. Ano ba name mo?" "T tom, my name's Tom. Ikaw, ano pangalan mo?" "Lea! Ako si Lea." The girl said happily.
"Sige na Lea, bring Tom with you para makapag play rin sya. Be careful ha?" Sabi ng isang babae na abot tengga ang ngiti.
"Okay mummy, Tom Lesgooo!!!" Sabi ni Lea tsaka nauna nang mag lakad, hawak nya ang kamay ni Tom habang maingat itong inaalalayan.
"Bago lang ba kayo rito? Ngayon ko lang kasi kayo nakita." Tanong ng nanay ni Lea kay Anizza.
"Opo mam, kakalipat lang po namin dito noong isang buwan." "Ah kaya pala, palagi kasi kaming pumupunta ng mga anak ko rito, kaya nagtaka ako ngayon ko lang kayo nakita. Ako nga pala si Ligaya, ikaw anong pangalan mo?" "Anizza po mam." "Huwag mo na akong tawaging mam ano ka ba, sino naman itong kasama mo?" "Si Rose po, house helper namin." "Oh hi, kumusta ka naaman Rose?" "Mabuti naman po, kayo po kumusta?" "Huwag na kayong mag po sa akin, para namang sobrang tanda ko na, kahit gaya na lang ang itawag nyo sa akin." Nakangiting sabi nya.
"Salamat nga pala ate Gaya dahil pinayagan mo si Lea na makipaglaro kay Tom ha?" "Naku bakit naman hindi?" "May mga nanay po kasi na ayaw payagan yung mga anak nila na lapitan man lang si Tom." Sabi ni Anizza habang naka yuko.
"Bakit naman daw?" "Dahil bulag ang anak ko." "Seryoso??? Dahil lang doon? Grabe naman. Hindi ako ganoong klase ng tao, tsaka mabait talagang bata si lea. Kanina pa nga nya sinasabi sa akin na gusto nyang makipaglaro kay Tom e, kaso nga lang nahihiya rin hahahaha." Sana maging best friends sila ano?" Ilang sandali lang matapos sabihin iyon ni Anizza ay nakita nyang magkasabay at magkahawak pa ang mga kamay nila Tom at Lea na tumatakbo palapit sa kanila.
"Mummyyy!!! Tom is my best friend!!!!" Sabi ni Lea na halos mapunit ang labi dahil sa laki ng ngiti.
"O really? Is Tom your best friend?" Yesss mummy, he is my bestest friend." Sabi ni Lea tsaka inakbayan si Tom.
********
"Are you happy Tom?" Tanong ni Anizza sa kanya kinagabihan. Simula kasi umuwi sila ay hindi na naalis ang malaking ngiti sa mukha ng bata.
"Yes mommy, because I have best friend na." Napangiti naman si Anizza, ngayon lang kasi talaga nagkaroon ng totoong kaibigan si Tom. Hindi naman masama ang ugali nito, napaka bait nga nitong bata kung ttutuosin. Pero dahil nga bulag sya ay bihira ang mga gustong makipaglaro at makipagkaibigan sa kanya, kaya naman sobrang saya ni Anizza dahil pinayagan ni Ligaya si Lea na kaibiganin ang anak nya.
********
6 years later.
"Happy birthday Tooooom!!!" Sigaw ni Lea. Ngayon kasi ang 12th birthdday nya.
"Thank you Lea." Sabi ni Tom tsaka sya niyakap. Sa loob ng 6 years ay wala pa ring pagbabago sa kanila, mag best friends pa rin silang dalawa, ganoon din naman ang mga magulang nila.
**
"Kumusta naaman kayo Anni?" Tanong nii Ligaya sa kanya habang kumakain sila.
"Okay naaman, wala pa ring bago hahaha." Alam kasi ni Ligaya ang tungkol sa tatay nina Tom, maging ang tungkol sa pangalawang asawa nito.
"So ibig sabihin.... Wala talagang paramdam yung tatay ng mga bata?" "Oo, sinubukan ko ngang i-chat noong isang linggo e, sabi ko mag bigay man lang kahit magkano para sa birthday ni Tom. Aba ang sagot ba naman sa akin ay wala raw syang pera, at hindi lang yon, binlock pa ako ng siraulo." Lingid sa kaalaman ni Anizza ay naririnig sila ni Tom noong mga oras na yon.
"Grabe naman, kung tutuosin pwede kang mag habol sa kanya e, lalo ng suporta para sa mga bata, hindi dapat ganyan." "Naku ate Gay, hayaan mo na sya, konsensya na lang nya kung magbibigay sya o hindi." "Alam ba ni tom ang totoo? I mean ang totoong dahilan kung bakit kayo iniwan ng lalaking yon?" "Oo, sinabi ko sa kanya noong isang linggo. Pero kung ano lang naman yung totoo, yon lang yung sinabi ko." "Oo naman, kilala naman kita e, anong reaksyon nya?" "E.... Yon, sumama ang loob. Noon kasi ang tagal nyang naghihintay na bumalik ang tatay nya e, palagi nyang tinatanong sa akin kung babalik pa raw ba. Pero napansin ko noong medyo lumaki na sya.... Hindi na nya hinahanap ang tatay nya, nasanay na lang siguro. Pero awang-awa ako noong paalis ng bahay si Rick, nagmamakaawa si Tom na Huwag na syang umalis at mag stay na lang, pero hindi nya pinansin si Tom, dere-deretso lang syang lumabas ng bahay." "Sobra naman, pero hindi kayo kasal di ba?" Umiling naman si Anizza bilang tugon.
"So kaninong lastname ang dala ng mga bata, sa kanya ba?" "Hindi, apilyido ko syempre." "Mabuti naman."
********
5 years later.
"Tom!!! Natanggap ako sa audition ng Miss Saigon!!!!" Tuwang-tuwang sabi ni Lea habang tumatakbo palapit sa kanya.
"Talaga? Congraaats!!!!" Sabi nya tsaka ito niyakap.
"Tom, mag audition ka rin kaya? Try mo lang." "Hmmm, gusto ko sana. Kaya lang.... Tatanggap kaya sila ng visually impaired? Lalo at totally blind pa?" "Why not? Tinanggap ka nga sa theater group natin e, bakit hindi ka tatanggapin doon?" Magkasama kasi sila ni Lea sa teatro, simula syam na taong gulang pa lang si Tom ay umaarte na sya sa entablado.
"Syempre international theater yon Lea." "So? Ilang beses ka naman nang naging lead actor sa mga play natin ah, challenge sayo yon kasi hindi naman blind ang mga naging caracter mo di ba?" Tumango naman ang binata.
"O so anong problema." "Natatakot kasi akong ma regect Lea." Mahinang sabi ni Tom.
"Jusko Tom." Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan, sige na pleeease. Mag audition ka naaa." Sabi ni Lea tsaka yumakap sa kanya. Alam na alam talaga nito kung paano sya mapapa oo.
"Sige na nga." Napatili naman sa sobrang tuwa ang huli.
********
"Mag o-audition ka sa Miss Saigon?" Tanong ng mahaderang kapitbahay nilang si aling Madell.
"Opo aling Madell, bakit po?" Si Wendy ang sumagot para sa kanya.
"Naku good luck sayo hahahahaha. Mas may pag-asang matanggap ang anak ko kumpara sayo e." Nangaasar na sabi ni aling Madell.
"Ayos lang po kung hindi ako matanggap, ang mahalaga po sinubukan ko." Magalang na sagot ni Tom. Kahit ilang beses na syang inaalipusta ng matanda ay napakabait pa rin nya rito.
"Bahala ka sa buhay mo, sabagay, libre lang naman mangarap hahahaha." Sabi pa nito.
"Hay naku kuya, tara na nga. Hinihintay na tayo ni Alain Boublil, hayaan mo na sila." Sabi ni Wendy, kahit kailan talaga ipinagtatanggol sya nito. Kahit sa mga kaklase at kaibigan nya, basta may narinig talaga syang hindi maganda tungkol sa kuya nya ay nag-uusok ang ilong nya.
********
"Tom Alfred Santos." Pag tawag sa pangalan nya ay kaagad syang inalalayan ni Anizza palapit sa stage. Kasalukuyan silang nasa main theater ng CCP para nga sa audition ng Miss Saigon.
"So Tom, you are totally blind right?" Tanong ni Claude-Michel Schönberg sa kanya pagka-akyat nya sa stage.
"Yes sir, I am." "Okay. I've heard you are a member of a theater group here in the Philippines, am I right?" "Yes sir." "Can I see how you act on stage." Sabi ni Alain Boublil.
A/n
Hindi ko po alam kung paano talaga ang process ng mga audition kagaya nito. Kaya pasensya na po.
**
"Sure sir." Sabi ni Tom tsaka nag enternalize. Gagawin nya ang eksena sa isang play nila kung san pinasabog ng mga sundalong hapon ang eskwelahan kung saan sya nag-aaral, masasabugan ng bomba ang paa nya na naging dahilan ng pagkalumpo ng karakter nya.
*****
"Bravo!!!" Sabi ni Alain Boublil habang pumapalakpak pa.
"You are so great. How are you gonna memorize the stage?" Tanong naman ni Claude-Michel sa kanya.
"I just nead extra time on exploring the stage and the set sir." "Okay, can we here your singing voice?" "Sure mister, I will sing One Day More from Les Miserables." "Okay Tom, take it away." Sabi ni Claude-Michel tsaka nagsimulang tumugtog.
*****
"Bravisima!!!" Sabi nila tsaka nagpalakpakan, ang laki naman ng ngiti ni Tom tsaka nag bow sa kanila.
"Okay Tom, Listen. You have a chance to be a part of this play. We will work hard on this, especially on you. Come again next friday okay?" Sabi ni Alain Boublil na naging dahilan ng mas malaking ngiti sa labi nya.
"Sure sir, see you next week.
********
3 years later.
"And the Tony Award goes to...."
Kasalukuyan silang nasa United States para sa Tony Awards, isa kasi si Tom sa mga nominees para sa Best Actor in a Musical for Miss Saigon. Hindi na sya umaasang mananalo pa pero nagdarasal pa rin sya na sana ay palarin.
"Tom, win or lose. The company will be so proud of you. And I'm sure your mom will be over the moon two." Sabi ni Cameron Mackintosh na noon ay nakatayo sa tabi nya.
"Thank you so much for the opportunity sir. I...." "Tom Santos, miss Saigon." Halos ay mabingi sya sa sigawan ng mga tao. Hindi sya makapaniwala, nanigas sya sa kinatatayuan. Hindi nya namalayan na may mga luha na palang pumapatak mula sa mga mata nya, kung hindi pa nga sya hinila ni Cameron mula sa kinatatayuan nya ay hindi pa sya gagalaw.
"Aww. This can't be real." Sabi nya sa harap ng mikropono habang patuloy pa rin na lumuluha.
"Playing Thuy is difficult. Especially when you were totally blind. All rehearsals, vocal fatigues, physical injurys, lack of sleep. And all the glares from Claude-Michel and Alain, Unfortunately, I cannot see them hahahaha." Bahagya namang nagtawanan ang mga tao dahil sa sinabi nya.
"Kidding aside... All there reprimand... It was all worth it. I would like to thank God for giving me the strength and courage to audition for that role. And of cours, I would like to thank my mom and my cister. Thank you for supporting me, for staying up at night just because I am rehearsing the songs and you cannot sleep because of me. Thank you for motivating me when ever I feel that I'm not doing my best. I would also like to thank Cameron, Alain and Claude-Michel for not giving up on me, especially when I'm having a difficult time memorizing the set, the stage etc. Thank you guys for giving me the chance to play Thuy despite of me being blind. Of cours I can never forget this person. Lea Salonga. Thank you so much Lea for helping me with the scripts, with the songs and especially. For helping me to memorize the stage. Yes, Lea is the one who volunteered to help me with all the memorizing stuff hahahaha. Despite of you playing Kim who is the main caracter. So I really wana thank you for all the efforts that you've done for me. And thank you for being my best friend for 14 years now. Yes, Lea is my best friend sins I was 6 years old. And lastly, I would like to give this award to my beloved country. My beloved Philippines. Thank you so much and God bless." Matapos nyang mag salita ay malakas na palakpakan ang inihandog sa kanya ng mga tao, inalalayan naman sya ni Cameron pababa ng stage. At pagkababa nga nya ay kaagad na sumalubong sa kanya sina Anizza, Rose at ang asawa nitong si Armand. Kasama nila sina Lea, ang nanay nitong si Ligaya at kapatid na si Gerard. Syempre si Wendy, kasama nito ang boyfriend nya for two years na si Roman. Lahaat sila nag-iiyakan.
"Anak!!!! Congraaats. Sobrang proud si mommy sayo." Sabi ni Anizza habang lumuluha.
"Sobrang proud kami sayo hijo." Si ligaya.
"Kuyaaa!!! Bigtime ka naaa. Congrats!!!" Umiiyak na sabi ni Wendy tsaka yumakap sa kanya.
"Toooooooom!!! Sabi ko naman sayo e, kaya mo." Halos ay humahagulgul na sabi ni Lea.
"Ano ka ba Lea, hindi lang naman dahil sa akin kaya ako nanalo, dahil din sa inyo, tsaka nanalo ka rin ng Tony. Dapat mo ring i-congratulate ang sarili mo." "Ano ka ba Tom. Don't mention it,ilang taon na rin naman ang nakakaraan e, tonight is your night. Okay?" Sabi ni Lea tsaka sya hinalikan sa pisngi.
Maraming salamat talaga sa support nyo, maraming salamat dahil naniniwala pa rin kayo sa kakayanan ko kahit ako minsan, nagdududa kung kaya ko ba." Seryosong sabi ko sa kanila.
"Hala si kuya Tom naman. Kuya alam po naming kaya mo, kaya kami naniniwala sayo." "Salamat Gerard." "Tom yung totoo. Pakiramdam ko ikaw talaga ang anak ni mommy, mas mahal ka nya kaysa sa akin e." Biro ni Lea.
"Okay lang yan, ganoon din naman si mommy sayo e, kaya pareho lang hahahaha."
********
8 years later.
Isang tawag ang gumising kay Tom.
"Hello?" Hello, mister Tom Alfred Santos?" "Yes, who's this?" "Sir This is Anna from DSWD." Yes po, what can I do for You?" Sir, I would like to inform you that your adoption papers are finally granted." Napangiti naman si Tom sa narinig na iyon. Hindi kasi naging madali ang proseso, hindi kaagad napahintulutan ng DSWD na mag adopt sya ngunit naipasa naman nya. Matagal nang pinaplano ni Tom ang mag adopt ng bata, ngunit dahil sa sobrang pagka-busy ay hindi nya kaagad naharap ang bagay na iyon.
"Isesend ko po sa Email nyo ang copy ng mga papers. Paki print na lang po, yon po yung ipapakita nyong proof na ligal po kayong mag adopt. Hahanapin po kasi yan sa mga adoption center." "Okay miss Anna, thank you so Much." Nakangiting sabi ni Tom.
*****
Masaya nyang ibinalita ang pagkapasa nya sa nasabing proseso sa pamilya at mga kaibigan nya.
"Mommy!!! Granted ang mga adoption papers ko."Sabi nya habang nakangiti ng malaki.
"Talaga anak? Ibig sabihin ay pwede ka nang mag adopt ng bata?" Sabi ni Anizza na kausap nya noon sa facetime. Kasalukuyan kasi syang nasa London.
"Oo ma, tumawag sa akin ang DSWD kanina." "Ano nang plano mo?" "Aasikasuhin ko kaagad yan pagkauwi ko dyan. Isang show na lang naman na kasi ang gagawin namin tapos closing na ng Phantom." Paliwanag nya. Yon kasi ang dahilan kung bakit sya nasa London. He's playing the Phantom of the Opera on West End.
"Sige anak. Ingat ka riyan ha? We're happy for you."
********
A/n
Hiii!!! Pasensya na po kung dyan ko tinapos ang journey to the past. Magiging karugtong na po kasi nya yung chapter1. Diba sabi po roon....
Kaya hindi kaagad naasikaso ni Tom ang adoption dahil nasa London sya for Phantom? Ito po yon.
So ano po sa tingin nyo? Kumusta ang past ni Tom. Dapat ba syang magalit o magtanim ng sama ng loob sa tatay nya?
Sana po ay na-enjoy nyo ang pagbabasa ng past ni Tom.
As usual. Vote, comment and share. Maraming salamat po ❤️
Klo.

You Are Not Alone AnymoreOn viuen les histories. Descobreix ara