Chapter17

183 4 0
                                    

A/n
Hiii!!!
Update po ulit ahahaha. Hindi ko alam kung bakit. Pero sinisipag talaga akong magsulat ngayon, ang cute cute kasi ni Stanleeeeeey!!! Kaya gusto ko kaagad masundan ang chapter 16. Plus ayaw ko ring paghintayin kayo ng matagal dahil mahal ko kayo ahahahaha.
So kung clingy at cute na si Stanley sa chapter16, ano pa kaya rito? Sige na. Ang haba na naman ng a/n ko ahahahaha.
Start na po tayo.
********
Tom's pov

"2:37 AM."
Bumangon muna ako sa kama para umihi. Hindi naman nagising si Stanley. The whole night ay natutulog lang sya. He is snuggled up on my chest. Ang higpit ng yakap nya, ayaw akong pakawalan. Pero mabuti na lang ay hindi sya nagising noong tumayo ako. After 1 minute ay natapos na rin ako sa pag-ihi. Bumaba muna ako saglit para uminom ng tubig, nauuhaw na kasi ako. Pagbalik ko sa taas ay ganoon pa rin naman, as usual. Wala kang ibang maririnig maliban sa tunog ng aircon na nagmumula sa mga kwarto. Pero bukod doon ay meron pa akong narinig, I can hear someone sniffling. It looks like someone is crying. Hinanap ko kung saan ito nanggagaling, halos libutin ko nga ang buong second floor. At nang papaakyat na sana ako papunta sa third floor ay doon ko nahanap ang pinanggagalingan ng tunog.
"Stanley?" Sabi ko. Nakita ko kasi syang nakaupo sa hagdanan papunta sa third floor. He is curled up like a ball. His knees is on his chest while he is softly crying. He looked so small. I crouched down in front of him.
"Anak, what's wrong? Anong ginagawa mo rito, and why are you crying?" Mahinahong tanong ko sa kanya.
"H hindi kita mahanap dada." He whimpered.
"Awww. Nag cr lang si dada Stanley, tapos kumuha ako ng water sa baba. Bakit ka bumangon, nauuhaw ka ba? May masakit ba sayo?" Tuloy-tuloy na tanong ko.
"Natatakot ako mag-isa sa kwarto dada e, nauuhaw din po ako." "Oh, sorry kung iniwan kitang mag-isa anak. Gusto mo uminom ng tubig?" He nodded his head.
"Sige, baba tayo." I said tsaka sya binuhat.
"Kumusta na pakiramdam mo Stanley." Tanong ko sa kanya habang pababa kami.
"Medyo okay na po." "Mabuti naman, inom ka nga pala ulit ng gamot ngayon anak." Tumango lamang sya.
"Stanley, dito ka lang ha? Huwag kang gagalaw kasi baka malaglag ka." Sabi ko sa kanya. Iniupo ko kasi sya sa countertop. Tsaka ako pumunta sa reph para kunin ang gamot nya. Matapos kong mailagay ang tamang amount ng gamot sa takip nito ay maingat na akong naglakad pabalik sa counter.
"Dada, paano mo ginagawa yon?" Tanong ni Stanley.
"Ang alin anak." "Yung pagsalin ng gamot sa takip dada. May numbers kasi o? Paano mo naisasakto doon, tsaka walang tapon dada. Ang galing." Medyo natawa naaman ako ng bahagya. Ang cute kasi nya.
"Inaral ni dada yon Stanley. Kinakapa ko yung takit kung nasaan na yung gamot." "May braile dada?" "Wala, pinag-aralan ko lang syang mabuti, tsaka nagpaturo ako kay lola noon. Sige na anak, inumin mo na to." Sabi ko tsaka inilapit ang takip ng gamot sa bibig nya.
"Sarap?" Sabi ko matapos nya itong inumin.
"Lasang strawberry dada." He says while giggling, namiss ko ang tawa na iyon.
"Hahahahah. Alam ko kasing hindi mo iinumin kapag hindi flavored yung gamot. Pati sina Jacob gusto yan ang gamot na iinumin kapag may sakit sila, ayaw nila pag iba." Sabi ko tsaka sya binigyan ng isang basong tubig.
"Akyat na tayo." Sabi ko matapos nyang uminom. He lifted his arms. Kaagad ko naman syang binuhat tsaka kami umakyat.
*****
"Dada?" Rinig naming pagtawag ni Simon mula sa hagdanan. Kumakatok sya sa kwarto.
"Baby, I'm here. Bakit?" Mahinang sabi ko.
"Dada, pwede dito matulog Simon? Miss ko kayo ni kuya Tanley." He said softly. Sinasabi ko na nga ba e, hindi sya makakatagal doon hahahaha. Pero napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Oo naman anak, dito ka ulit mag sleep. Alam ba nina tita Wendy na lumabas ka ng kwarto nila?" "No dada, quiet lang Simon." He giggled. At tuwang-tuwa pa yata ang bata.
"Haahahhaha. Tara na sa loob baby, antok na rin ako." I said then yawned.
"Otay." He said in a singing voice. Halos wala pang limang minuto kaming nakahiga ay nakatulog na rin sya. Habang kami naman ni Stanley ay nakahiga lang, nasa gitna si Stanley habang nasa side naman ng wall si Simon.
"Stanley, kumusta pakiramdam mo?" Tanong ko ulit sa kanya, hindi kasi talaga ako mapakali. Halos 10 minutes na kaming nakahiga pero hindi pa rin sya natutulog. He didn't respond. So i put a hand on his forehead.
"Mainit ka na naman anak." I said sadly.
"Wait lang ha? Kukuhanin ko lang yung thermometer." Sabi ko tsaka muling tumayo. Pinatay ko rin muna ang aircon. Nilalamig kasi si Stanley e, so pinatay ko muna. Malamig pa rin naman ang temperature ng kwarto kahit walang aircon. Ilang saglit lang ay bumalik na rin ako dala ang talking thermometer ko. I put it under Stanley's arm.
"Dada?" Stanley said.
"Yes anak, may masakit ba sayo?" "Dada, sorry po. Hindi ko naman po gustong magkasakit." He whimpered. Nadurog naman ang puso ko dahil doon.
"Stanley. Don't say sorry anak. Ayaw ni dada kapag nagkakasakit ang isa sa inyo ni Simon. Pero hindi nyo naman kasalanan yon." I said wwhile rubbing his tummy. May sasabihin pa sana ako pero nag beep na ang thermometer.
"The body temperature is, 38.9 degrees celsius."
Medyo mataas pa rin. Ipinatong ko muna ang thermometer sa bedside table, para kapag kailangan ko ulit mamaya ay nandito na lang... Humiga na rin ako matapos kong i-chech ang temperature ni Stanley.
"Sorry dada. Napupuyat ka na dahil sa akin." Sabi ulit nya.
"Anak, don't say sorry okay? Kasi gagawin ni dada ang lahat para sa inyo ni Simon. You know that?" He nodded his head.
"Bilang dada nyo, tungkulin kong alagaan kayo ni Simon kapag may sakit kayo. It's my job to comfort you kapag malungkot kayo." I said while stroking his hair.
"Kaya huwag kang mag sorry dahil napuyat mo si dada. Kasi hindi ako matutulog kung kinakailangan, mabantayan ko lang kayo ni Simon. And don't feel bad about it anak. Naaalala mo yung letter mo sa akin noong birthday ko?" Tumango sya ulit.
"Di ba sabi mo roon. Sorry kung madalas kang magpakarga sa akin. Anak, kahit anong mangyari. Kahit lumaki na kayo ni Simon. You are stil my babys. At hanggang gusto mo... Nandito si dada para i-hug at kargahin ka." I said then kissed his forehead.
"Huwag ka na mag cry anak. Sleep ka na okay? Para gumaling na ikaw. Gusto mo hug ka ulit ni dada?" "Please po." He whispered. So I turned to face him. I bring him close to my chest then proceeded to rub his back. He continued to cry softly.
"Shhhh, sleep ka na. Dito lang si dada." I cooed to him. Siguro naman ay maiintindihan nyo kung bakit parang baby kung ituring ko si Stanley. Hindi nya kasi naranasan yon. Hindi nga raw nya naranasang makarga ng mga magulang nya e, kung bubuhatin man sya... Yon ay para ipasok at ikulong sya sa kwarto. Simula bata sya hanggang sa i-adopt ko sya, hindi pa raw sya nakararanas ng human touch with affection. Yon bang hahawakan sya ng tao pero hindi sya sasaktan. Hindi pa nya nararanasang mayakap ng totoo at may pagmamahal. Alam ko, he is craving for it. Kahit hindi nya sabihin, ramdam ko. Kung paano nya ako yakapin, kung paano syang magpakarga kahit na alam kong nahihiya sya. Kung paano sya ngumingiti sa tuwing niyayakap ko sya. Kahit hindi ko nakikita, alam kong genuine ang smile na yon. The way he snuggled up to me kapag natutulog kami. Clearly he is seeking for warmth, protection and affection. He wanted to be hugged, to be carried. And most especially. He wanted to be loved. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko yon. Yan ang dahilan kung bakit napaka soft ko kay Stanley. Halos para na nga syang si Simon kung tratuhin at kargahin ko, lalo ngayong may sakit sya. At sinasabi ko sa inyo. Gagawin ko yon, hanggang gusto nila.
********
"Dada?" Kaagad naman akong nagising sa pagtawag ni Stanley. Mababaw lang kasi talaga ang tulog ko noon pa man. Pero mas nagiging alerto ako kapag may bata akong katabi.
"Anak? Bakit." I asked then sat up.
"Nagugutom na po ako." He barely whispered. Noon ko lang din naramdaman na gutom na rin ako. Tinignan ko naman ang oras mula sa talking watch ko.
"9:53 AM."
Grabe, mag 10 na pala?
"Nasaan si Simon anak." Tanong ko nang mapansin na wala na ang huli sa kwarto.
"Umalis po, kasama sila lola." Nagulat naman ako dahil sa sinabi nya.
"Nagpaalam sila sayo anak? Saan daw sila pupunta." "Opo dada, ginising po ako ni Simon kanina. Aalis daw po sila, bibili daw po ng grocery." Noon ko lang naalala, nagsabi nga pala si mommy sa akin kahapon na bibili na sila ng mga gagamitin para sa Noche Buena. Dalawang araw na lang pala ay pasko na.
"Okay anak. Kumusta na pakiramdam mo, nilalagnat ka pa ba?" "Onti na lang po dada, kanina po kasi noong pagkaalis nila Simon natulog ulit ako. Tapos po siguro mga isang oras lang po nagising na ulit ako." Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Ang cute kasi ng pagkaakakwento nya.
"Tapos?" "Yon dada, gusto ko nga po tignan kung nilalagnat pa ako e, kaya lang... Um.... Hindi ko alam kung paano gamitin to." He said sheepishly. Ang tinutukoy nya ay ang thermometer.
"Sige anak, i check ko yung temperature mo ha? Higa ka ulit." I said, nakaupo kasi kaming pareho sa kama. He is leaning on me. Kinuha ko naman ang thermometer na nakapatong sa bedside table pagkahiga nya. I put it under his arm.
"Ah, ganoon pala? Natatakot kasi ako dada e, hindi ko alam kung paano." I chuckled.
"Okay lang yon anak. At least ngayon alam mo na di ba?" Pareho naman kaming natawa dahil sa sinabi ko.
"Pero gusto ko ikaw pa rin mag check kung may lagnat ako dada." I smiled.
"Beep-beep-beep." Kaagad ko namang kinuha ang thermometer.
"The body temperature is, 38.4 degrees celsius."
"Bumababa na anak, very good." I said then kissed his cheek.
"Kain na tayo, nagugutom na rin si dada." Sabi ko sa kanya. Inaasahan kong mauuna na syang tumayo pero hindi. He lifted his arms.
"Nagpapabuhat ang Stanley ko." I cooed to him like a baby.
"Okay lang kung ayaw mo dada." Stanley said sadly. He put his arms down tsaka sya tumayo mula sa kama.
"Hala, nagtatampo ang baby ko. Joke lang anak, halika na." I said. He giggled in responds tsaka ako niyakap. Binuhat ko naman sya tsaka kami lumabas ng kwarto.
*****
Wala ngang tao. Tahimik ang sala e, ibig sabihin... Umalis talaga silang lahat. Nagulat naman ako nang makapa ko ang isang note in braille na naka dikit sa countertop. Kaagad ko naman itong binuksan.
"Anak, upo ka muna rito ha? Babasahin ko lang ito." Sabi ko kay Stanley.
"Kuya.
Lumabas lang kami nina Simon saglit. Bumili kami ng mga gagamitin for our grand and special Noche buena. Alam mo namang basta may gusto kang food, lulutuin kaagad natin. So susundin po namin ang lahat ng pinapabili mo, Kamahalan. Char!!!
Hindi naman kami sobrang magtatagal kuya. Siguro mga 11:30 ay nandyan na ulit kami. Hindi ka na namin ginising, pero nagpaalam si Simon kay Stanley.
Oo nga pala, mag luto na lang daw muna kayo ng breakfast nyo kuya ha? Tapos kapag may gusto ka pang ipabili... Tawag ka lang okay?
Yon lang... Sige na, nagmamadali nang umalis si mommy. Byeee.
Love youuu!!!
Wendy."
Napangiti naman ako sa nabasa ko. Kahit kailan talaga ay napakalambing nitong kapatid ko na pinaglihi yata sa asukal hahahahaha.
"Kuya. Lu, lumabas, lang kami, ni nina S Simon, sa saglit?" Hindi ko naman maiwasang matawa kay Stanley. Ang cute cute kasi nyang magbasa ng braille.
"Ang cute mo anak!!!" Sabi ko tsaka sya niyakap ng mahigpit. He giggled. Bigla ko namang naalala yung bagay na iniisip ko kanina.
"Stanley? May sasabihin si dada sayo." Kaagad naman syang tumahimik.
"Anak, dapat kahit malaki na kayo ni Simon. I-hug mo pa rin sya ha? Dapat hindi kayo mag-aaway. Tsaka lagi mo syang ipagtatanggol. Okay?" I said while brushing my thumb on his hands.
"Opo dada. Nag-promise po ako noon kay Simon na lagi ko pa rin syang yayakapin kahit big boy na kami. Promise ko rin po na hhindi ko sya aawayin dada." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.
"Very good Stanley." Sabi ko tsaka sya ulit niyakap.
"Anak magluluto lang ako ng food natin. Gusto mo ba munang manood ng cartoons?" "Ayaw ko dada. Gusto ko dito kasama ka, gusto ko po kasing makita kung paano ka magluto." Medyo natawa naman ako sa sinabi nya.
"Ahahahaha. Sige anak, pero huwag kang lalapit sa stove ha? Dyan ka lang, okay ba?" "Opo dadaaa!!!" He answered happily. Masaya naman ako dahil masigla na ulit ang Stanley ko. Bigla namang nag ring ang phone ko na nakapatong sa countertop.
"Hello?" "Kuya." "O Wends, bakit?" "Nakalimutan kong sabihin... Tuyo na pala yung Superman na t-shirt ni Stanley. Nakapatong sa sofa, kunin mo na lang." Sabi ni Wendy mula sa kabilang linya.
"Sige Wends, thank you." No probs!!! May ipapabili ka pa ba brother?" "Hmmm... Bili ka ng mga makasalanang pagkain hahahahahaha." Sabi ko na ikinatawa naman naming pareho.
"Ayyyy sige baaa!!! Yon lang pala e, sagot ko na yan hahahaha." Sabi nya habang tumatawa.
"Yown!!!! Salamat Wendy. Sige na, magluluto pa ako ng pagkain namin. Gutom na kami e, bye." Sabi ko tsaka ibinaba na ang tawag.
"Stanley, dito ka lang ha? May surprise ako sayo. Wag kang gagalaw ha?" "Opo dada. Promise, dito lang ako." Tumalikod naman ako para pumunta sa sala.
**
Stanley's pov

You Are Not Alone AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon