Chapter29

32 4 1
                                    

Tom's pov

"Dada, mag-aaral pa po ba ako?" Tanong ni Stanley habang nakaupo kami sa sofa one day. Napaisip naman ako sa tanong nyang iyon. Sa loob kasi ng isang taon ay ngayon ko lang din naisip ang tungkol sa bagay na yon.
"Gusto mo na bang mag-aral sa school anak?" "Opo dada, kaso lang po, natatakot ako e..." "Bakit ka naman natatakot?" I said while rubbing his arm.
"Dada, baka po wala akong maging kaibigan doon. Tapos baka awayin ako ng mga bata." He replied.
"Stanley, sigurado akong magkakaroon ka ng maraming friends sa school. Tsaka hindi ka nila aawayin, kapag may nang-away sayo... Sabihin mo kay dada, bubugbugin natin hahahahahaha." "Dada, bawal po yon." Sabi ni Stanley habang tumatawa, I chuckled.
"Oo nga pala. Pero gusto mo na ba talagang mag-school?" "Opo dada, pero... Pwede po bang dito na lang ako sa bahay mag-aral?" Napangiti naman ako sa tinuran ng anak ko. That's one of his improvements. Nasasabi na nya ang mga bagay na gusto nya, though nahihiya pa rin paminsan-minsan.
"Ganito Stanley. I-try mo munang pumasok sa school, kahit one week lang, tignan mo muna kung magugustuhan mo, if hindi... We'll see kung ano pang pwede nating gawin okay ba yon?" "O-opo dada, susubukan ko po." Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Nasaan nga pala si Simon anak." "Naglalaro po dada, tatawagin ko po ba?" "Sige Stanley, sasabihin na natin kay Simon na mag-aaral na kayo sa school.
*****
"Dada, why po?" Sabi ni Simon pagkalapit nya sa akin.
"Baby, may sasabihin si dada sayo." "Ano po yon dada. Ano yung sisibihin mo?" Natawa naman ako sa pagkakabigkas ni Simon, sisibihin hahahahahaha.
"Ganito baby. Gusto mo na bang mag-aral sa school?" I asked softly.
"School?" "Oo Simon." "Ano po gagawin doon dada?" "Marami. Pero matututo ka nang magbasa at magsulat." "Ooo!!! Like kuya Tanley?" "Yes anak." I said with a nod.
"Opo dada!!! But, paano kuya Tanley?" "Hmmm... Hindi kayo magkaklasi baby." Hindi sya sumagot.
"Ibig sabihin Simon, hindi tayo magkasama sa room, pero iisa lang yung school na pinapasukan natin." Stanley explained.
"Ang talino naman ng kuya ko. Pero ganoon na nga anak. But I think kaklasi mo sila kuya Cocob at kuya Noah." "Ah, nag-school din po sila dada?" Tanong ni Stanley.
"Oo. Baka nga kaklasi pa ni Simon." "Otay dada, gusto ko po." Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sagot ni Simon. Akala ko kasi ay hindi sya papayag nang malaman nyang hindi sila magkaklasi ni Stanley.
"That's my boys. Very good. Pero Kung sakali namang magbago ang isip nyo... Sabihin nyo sa akin ha? Para dito na lang kayo sa bahay mag-aral. Pwede naman yon." Sabi ko. Sa totoo lang kasi... Ako man ay kinakabahan din. The thought of sending them to school with out me ay nakakatakot talaga. Lalo pa't halos kalahating araw silang nandoon, kung ako nga lang ang masusunod ay mas gusto kong mag homeschool na lang sila.
"Dada, di po ba sabi mo susubukan muna namin?" Napatango naman ako sa sinabi ni Stanley.
"Kaya po namin to dada. Sasabihin naman po namin ni Simon kung ayaw namin sa school." Napangiti na lamang ako sa sinabi nya.
"Okay. Basta ha? Galingan nyo sa school. Sure si dada na magkakaroon kayo ng maraming friends doon."
********
"Kuya Cocob!!! Mag school na kami ni kuya Tanley, but... Hindi daw kami magkaklasi." Sabi ni Simon sa twins habang naglalaro sila.
"Oh, kami din Simon. Mag-school na din kami ni Cocob, kaklasi ka namin." Noah Said.
"Yeah. Pero parehas daw tayo ng school. Simon answered.
"Dada, pwede kami lumabas?" Tanong naman ni Stanley sa akin.
"Yeah dada, please? Behave naman kami e, dyan lang kami sa malapit." Dagdag naman ni Simon.
"Sige, careful kayo ha?" "Opo dada." "Tito Tom, samahan mo na lang kami." Jacob said.
"Much better. Sige, hintayin nyo ako dyan." Sabi ko tsaka umakyat sa taas para kuhanin ang cane ko.
*****
"Tara na?" Sabi ko pagkababa ko. Kaagad naman silang nag-unahan papunta sa pintuan.
"Dada alam mo po? Parang meron nang titira dyan sa bahay sa harap natin." Sabi sa akin ni Stanley pagkalabas namin.
"Paano mo naman nasabi anak." "Kasi po... Palagi ko nang nakikita yang sasakyan na yan, tapos palagi po silang may dalang gamit. Ngayon nga po marami na sila e, baka lilipat na." "Ahahaha, baka nga siguro., yan yata yung sasakyan na naririnig ko palagi." I said.
"Tyrone!!!" Simon exclaimed. Nagulat naman ako dahil doon, sino si Tyrone?
"Simon! Saan kayo pupunta?" Dinig kong sabi ng isang bata na sa tantya ko ay halos kaedaran lang nina Jacob.
"I don't know. Basta sabi ni dada lalabas daw kami e..." "Tito Tom, he is Tyrone. Yung bata po lagi sa park."" Sabi ni Noah.
"Hi Tyrone. My name's Tom. Dada ako nina Simon at Stanley." "Simon, dad mo?" Tanong ni Tyrone.
"Nooo! Dada." "Ah, anong nangyari sa mata nya." "Hey!" Jacob exclaimed.
"Blind si tito Tom." Dagdag naaman ni Noah.
"Tyrone, nasaan ka?" Sigaw naman ng isang babae mula sa di kalayuan.
"Hinahanap na ako ng mommy ko... Bye!" Sabi naman ng bata tsaka tumakbo.
"Tito Tom ganoon po talaga si Tyrone, makulit sya, kaya ayaw ko syang kalaro e, kasi ang gulo nya." Sabi ni Noah habang naglalakad kami papuntang Ministop.
"Oo nga po dada, tsaka nang-aaway po sya ng ibang bata sa park." Stanley added.
"Ganoon? Hindi naman ba nya kayo inaaway?" "Hindi po tito Tom. Kasi lumalayo na po kami kapag lumalapit sya." Natawa naman ako sa sagot ni Noah.
"Ahahahahaha! Wag ganoon. Dapat Friend nyo sya." "Magulo kasi sya tito Tom. Gusto nyang maglaro ng basketball e ayaw nga namin." Sabi pa ni Jacob.
"Hay naku kayo. Mag-magnum na lang tayo hahahahahha." Sabi ko pagkarating namin sa Ministop.
"Dada, ice cream po? Di po ba bawal sa atin yon kasi kumakanta tayo?" Sabi ni Stanley.
"Bawal lang sya kapag may concert o performance anak, okay lang yan." ""Oo nga kuya Tanley. Tsaka pasaway si tito Tom." Sabi ni Noah na ikinatawa ko naman.
"Hay naku ka Noah. Malapit na nga pala birthday nyo ni Jacob ah, ano gusto nyong gift?" I asked pagkarating namin sa counter para magbayad.
"Hmmm... Train set tito Tom!" Noah exclaimed.
"Tito Tom, five years old na kami di ba?" Tanong naman ni Jacob. I nodded my head in responds.
*****
"Dada, ang saraaap!!! Kaso nga lang po bawal to..." Sabi ni Stanley habang kinakain namin ang magnum.
"Anak, okay lang naman na kumain ka ng ice cream. Basta huwag nga lang palagi kasi masisira talaga ang voice mo doon." "How about coke dada? And chocolate and candy and lollipop and cookies." Tuloy-tuloy na tanong ni Simon.
"Kalma baby hahahahaha. Hindi rin pwede palaging uminom ng coke. Ganoon din naman sa chocolate, candy at kung ano-ano pa, dapat balanced lang."
********
Few days later.

"Tell me the tales that to me was so dear,
Long long ago, long long ago:
Sing me the songs I delighted to hear,
Long long ago long ago."
Pagkanta nina Stanley, Simon, Jacob at Noah habang nagpa-piano ako. Sina Stanley at   Noah ang nagbibigay ng harmony sa pagkanta nina Simon dahil magaling sila sa bagay na iyon. Balak kasi naming i-record ang kantang yan sa studio para sa isang album nila with me as their pianist.
"Now you have come all my grief is removed,
Let me forget just as long as I could,
Let me believe that you'll always be near,
Long long ago, long ago.
Do you remember that path where we met,
Long long ago, long long ago.
Ah, yes you told me you'll never forget,
Long long ago, long ago.
Into all love it's my song you prefer'd,
Love when you spoke with a joy to each word,
Still my heart treasures the praises I heard,
Long long ago, long ago.
Now you have come all my grief is removed,
Let me forget just as long as I could,
Let me believe that you'll always be near,
Long long ago, long ago.
********

A/n
Hiiii!!!!
Kumusta kayo? Naku... Alam kong nagsasawa na kayo, pero pasensya na po kung ngayon lang ulit ako nakapag update ha? Nag-start na po kasi ang workshop namin sa Philippine Stagers Foundation noong May 12. And ngayon lang po ako ulit nagkaroon ng time para magsulat dahil sa sobrang busy. Kaya naaman po pasensya na rin kung medyo maikli lang ito. Pero nag-focus naman muna ako sa kids, feeling ko kasi hindi na natin sila masyadong napapansin hahahahahaha. Kaya naman ganito ang chapter na sinulat ko ngayon.
Anyways... Maraming salamat po sa lahat ng matiyagang naghihintay ng mga updates ko. Sana hindi kayo magsawa, as usual... Vote, Comment and Share. Maraming salamat po ❤
Klo.

You Are Not Alone AnymoreWhere stories live. Discover now