Wakas

101 3 1
                                    


After 9 months
"Hindi ba bagay ito sa'yo?"
"Buntis siya, Jersey! Paano siya magsusuot ng ganyan? Gusto mo bang patayin tayo ni Tucker?
"Anong mali rito, Almina? Dati naman ay gsuto ito ni Klai e."
"Dati iyon, Jersey. Hindi na ngayon na kasal siya at magiging dalawa na ang anak niya."
Pinakinggan ko lang ang mga kaibigan ko habang namimili ng mga damit na para sa akin. Ngayon ang araw ng baby shower na plinano namin. Kaunting araw na lang ay manganganak na ako. Nagpakasal na nga kami ni Tucker pagkatapos kong punitin ulit ang sarili ko when Fresha died, totoong kasal na ang nangyari sa aming dalawa ni Tucker. Walang nangyaring masama dahil kahit ako ay pinapabantayan niya na hindi makakatakas. Akala siguro ng lalaking iyon ay uulitin ko na naman ang pagkakamali ko sa kanya.
"What do you think, Klai?" Bumaling ako kay Munique na pinakita sa akin ang isang dress na pambuntis, kulay pula ito at halatang pang mayaman ang datingan.
"Gusto ko iyan, bagay sa amin ng anak ko." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Tinulungan naman nila akong patayuin mula sa pagka-upo para pumunta sa dressing room at sukatin ang mga nakuha nilang damit. Kasama ko silang tatlo at isang katulong na pinasama ni Tucker sa amin dito sa mall.
Gusto ko lahat ang napili nila ngunit gaya nga ng sinabi ni Almina, buntis ako at hindi ko rin masusuot ang pinipili ni Jersey pero binili ko pa rin, alam ko naman na balang araw ay masusuot ko ang mga iyon. Lumabas na kami sa shop at sinamahan nila ako para mamili naman ng mga gamit kay baby.
"Bilhin na lang kaya ni Tucker lahat ng nandito, what if sabihin mo, Klai?"
"Why not?"
Gulat kaming bumaling sa nagsalita, kahit si Munique na nagsabi no'n at napatakip sa bibig nang makita kung sino ang nandito. "Tucker? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Sinusundo kayo at Munique is right, I will buy this mall for you."
"Ano? Gago ka ba? Nagbibiro lang siya, nagpapaniwala ka naman!" Natatawa kong sabi. Kahit ang tatlo kong kaibigan ay natawa na lang din sa sinabi ni Tucker.
"Why? I will buy this para hindi na kayo gumastos pa---"
"Pera mo rin naman ang ginamit namin dito, hindi ba? Kaya hindi na rin kami gumastos. Umayos ka nga, nagpapaniwala ka sa mga iyan. Tapos na rin naman kami at pauwi na rin." Inirapan ko siya.
Ang bilis niya maniwala o sadyang nababaliw na talaga siya sa akin, kahit mga biro ng mga kaibigan ko ay sinusunod niya.
***
Ilang linggo na ang lumipas at ngayon ay nasa hospital kami, dahil biglang sumakit ang tiyan ko simula pa kagabi, ang magulang ko ay aligaga rin sa nangyayari. Sila ang kasama ko ngayon sa hospital, si Tucker na parang kinabahan. Kanina pa niya tinatawagan ang mga kaibigan niya na nagkaroon na rin ng anak at asawa, nagtatanong kung paano kontrolin ang kaba. Naalala kong ito pala ang unang beses na makita niya akong buntis at makasama manganak.
"Mama, hindi ko alam ang gagawin ko. Sumisigaw na siya sa sakit! Damn it! Kailan ba lalabas ang bata?"
"Son, relax! Pati kami ay kinakabahan dahil sa'yo."
Kanina pa nga rin sumasakit ang tiyan ko, kanina pa rin kinukulit ni Tucker ang magulang namin kung ano ang gagawin. Ilang minuto ang lumipas ay kinuha na ako ng mga nurse. "Should I come?" tanong ni Tucker.
"Are you the father?"
"Of course, I am!" galit na sigaw ni Tucker. Bakita ba siya ang mainit ang ulo, dapat ako dahil ako ang nasasaktan dito.
Hindi naman ganito kasakit noong pinanganak ko si Thrunder. Pero ngayon, sobrang sakit. "Yes, sir. You can come and be with your wife,' mahinang sagot ng nurse.

Nasa loob na kami ng Operating Room at kahit hindi pa nagsisimula, nakita ko na ang pawis ni Tucker. "Bakit ba? Anong nangyayari sa'yo?" bulong ko sa kanya habang iniinda pa rin ang sakit ng tiyan ko.

"I'm scared, this is the first time na makita kitang nahihirapan. Hindi na ba tayo mag-aanak? Natatakot ako na mangyari ulit, at naisip ko pa lang noong mga panahon na hindi mo ako kasama habang pinagbuntis mo ang una nating anak, ganito ka na nahihirapan."

Napatingin ako sa kanyang mukha, he is sincere at kitang-kita na siya pa yata ang nagsisi na hindi ko siya kasama. "Naging magaan ang pagbubuntis ko sa una nating anak. And don't worry, masaya akong kasama na kita ngayon. Don't be scared, just be with me."
He kissed me on my forehead down to my lips. "I'm sorry. I'll stay here," he said.
After an hour, I delivered my second child. "Ang ganda niya, Tucker." Naiiyak kong sambit.
"She's a little you, wife."
I know. Kamukha ko siya. Hindi ko mapigilan ang aking luha habang pinagmasdan ang second child ko. Same feels when I delivered my first child na para bang noong pinanganak ko si Thrunder ay nawala ang takot at sakit na naramdaman ko at ngayon naman, naramdaman ko na tapos na ang lahat ng iyon nang makita ang second child ko ngayon.
"Can I have her?" Bumaling ako kay Tucker nang sabihin niya iyon, hindi nawala ang tingin niya sa anak namin at nakita kong maiiyak na rin siya.
A big boy cries. Inabot ko sa kanya ang anak namin at mas lalo akong nakaramdam ng ligaya dahil kitang-kita ko kung gaano kabuting ama si Tucker kahit na hawak niya pa lang ang mga anak namin. "I'm so happy to have our second child, wife. Masaya akong naging matapang ka at ang anak natin."
"I love you, Tucker. I know worse things happened in the past. Thank you for trusting me kahit hindi mo ako kasama at thank you for loving us." Tuluyan na akong umiyak, inabot niya naman ang kamay ko habang hawak niya pa rin ang anak namin.
"I love you so much, my wife. Thank you for coming back to me, to us. Thank you for being strong and thank you for marrying me, please stay with us. Be with us forever."

🎉 Tapos mo nang basahin ang TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETE 🎉
TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon