26

38 0 0
                                    


Bakit nga ba ulit ako nandito sa opisina ni Tristan na dapat doon naman talaga ako sa opisina ni Tucker. Hindi ko rin talaga alam. Kaninang papunta na sana ako sa kompanya, sinundo ako ni Tristan na hindi malaman ang dahilan. Ang sabi niya lang gusto niya akong kasabay. At noong didiretso na ako sa opisina ni Tucker, hinila niya ako bigla papunta rito sa opisina niya at bagot na bagot ako. Paano ba naman kasi, hinila niya ako para tingnan lang siyang sobrang busy sa mga papel na kaharap nito at laptop. Iyon lang yata talaga ang ginagawa ko rito.
I heaved a sighed at tumayo, tumikhim muna ako ng dalawang beses kaya naagaw ko ang attention niya. I rolled my eyes nang ngumiti ito.
"I'm sorry, malapit na ako." Kumunot ang noo ko sa kanya. Gago yata 'to? Ayaw ko siyang antayin ng matagal 'no.
"I need to go now, wala naman akong ginagawa rito. Puntahan mo na lang ako sa opisina ni Tucker kung gusto mo. I have something to do pa." Tumalikod na ako at hindi na inantay ang sasabihin niya. Nakakaumay siya.
Paglabas ko sa opisina ni Tristan, tumingin sa akin ang mga tao na may panghuhusga sa mga mata. Lumapit naman ang secretary ni Tucker sa akin, may inabot na papel.
"Iyan po ang magiging schedule mo Ma'am," she said.
Kinunotan ko naman siya ng noo at tinaasan ng kilay. "Hindi mo ba ako aantayin na makapunta sa opisina ni Tucker at doon ito ibigay?" Alinlangan siyang yumuko.
"S-sorry Ma'am, inantay ko po kayo sa loob kaso ang tagal n'yo pong bumalik." So, kasalanan ko? Naiirita ako sa babaeng 'to.
Hinablot ko na lang ang papel na inilahad niya, "Never mind. Akin na 'to," saad ko at tinalikuran siya.
Hindi pa rin nawala ang mga mapanghusgang mga tingin ng mga panget dito, stupid. Hinayaan ko na lang sila at tuluyang nang pumasok sa opisina ni Tucker.
And now what? Ano na ang gagawin ko rito sa opisina ni Tucker? Nakakaloka! Wala rin akong magawa rito. Diyos ko naman oh!
I was about to get my phone nang tumunog agad ito, good timing. Tumawag si Tucker na kaagad ko namang sinagot.
"How are you?" bungad nito sa akin. Somehow, hindi pa naman umabot ng linggo ang pagkawala niya pero namiss ko na ang boses nito sa hindi malamang dahilan.
"I'm good, but what I am supposed to do here?" I asked, binuksan ko ang laptop na nandito.
"I set a task in the desktop, make sure na nagawa mo iyan." Umirap ako kahit hindi niya nakikita, kung maka-utos naman parang ako ang sekretarya niya.
"Why me?" tanong ko ulit kahit alam ko na ang sagot niya.
"Of course, ikaw dapat. Sasagutin mo lang ang mga emails bilang substitute ko. By the way, kamusta si Tristan?" Mas lalo akong umirap, bakit ako ang tatanungin niya?
"Edi tawagan mo para makamusta mo siya, bakit parang obligado ko na naman ang buhay ng unggoy mong pinsan?" Sumimangot ako. Ako pa ang tatanungin eh, babantayan ko lang naman kung may mali itong ginawa, hindi ko alam na pati buhay niya aalamin ko.
"Unggoy? Close na ba agad kayo?" nahimigan ko ang boses niyang galit. Luh, inaano ko siya?
"Slight lang, osya na. Gagawin ko na ang pinapagawa mo." I ended the call pero kakalapag ko pa lang ng cell phone ko tumawag ulit ito. Anong trip nito?
"What?" I asked, naiinis sa kanya.
"Close na kaagad kayo?" ulit nitong tanong. Bakit ba big deal sa kanya. Nakaisip naman ako ng trip sa buhay.
"Uhmm, yes. Actually, we slept together---"
"Fuck! What did you just say? Slept together? Fucking together?!" Inilayo ko ang cell phone sa tainga ko nang sumigaw siya nang malakas. Nainis na nga.
"Yes," saad ko na may ngisi sa labi. I heard him curse. Stupid.
"I'll kill him!" sigaw ulit nito na mukhang ikakabingi ko na.
"Go, honey. Kill him. Anyway, bye." I ended the call for the second time na hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko. He must be insane right now thinking na kung totoo ang sinasabi ko.
Binasa ko naman ang nasa note ng desktop niya. It says here, na rereplayan ko lang ng email ang mga nakalista na pangalan dito. Attend a meeting in behalf of him. Basic.
Sinimulan ko na ang pagsasagot ng email, hindi naman ako nahirapan na intindihin ang mga email. Bago ako mag-send, binabasa ko pa ang ibang libro at folder kung paano magreply sa email in a formal business way. Madali lang naman, nakakatamad lang talaga magtipa sa keyboard.
Nang matapos ako, nagpahinga muna ako saglit at doon namang may pumasok na unggoy na ngiting-ngiti sa akin. "Hi! Lunch?" Pinakita niya sa akin ang dala nitong plastik na sigurado akong pagkain. Tanging pagtango lang ang naisagot ko at tuluyan na siyang pumasok.
I helped him prepare the foods at nang matapos nagsimula na kaming kumain na siya lang ang nagdadaldal. Huminto ang kutsara sa harap ko nang may marinig na click ng camera sa likod ko. Nang lingunin ko ito, nakita ko ang secretary ni Tucker na nakayuko, mukhang nahihiya. I smirked in my mind, of course. She will send those pictures to Tucker, who cares?
"What are you doing?" bakas sa boses ni Tristan ang seryoso. Umawang naman ang bibig ng babae.
"I-I'm sorry po," she said at mabilis na lumabas. Napailing na lamang ako.
Tumingin ako kay Tristan at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngiti niya ng kakaiba, nawala lang nang napansing nakatingin ako sa kaya. "Hindi ka takot na malaman iyon ni Tucker?" tanong ko.
He smiled at me na para bang wala lang sa kanya ang tanong ko, hindi ba talaga siya takot kay Tucker na kasama niya ang magiging asawa ng pinsan? O hindi ba talaga maayos ang relasyon nilang dalawa?
"Ikaw ba? Hindi ka takot? Hindi mo pinagalitan ang secretary niya," he said.
In my mind, hindi ang galit ni Tucker ang inaalala ko kundi ang ngiti ni Tristan kanina. Umiling ako sa kanya. "Wala naman akong ginagawang masama, and beside. Kumakain lang naman tayo," I honestly said, totoo naman na wala kaming ginagawa. Bonak lang talaga minsan si Tucker na nagpapaniwala sa sinabi ko kanina sa tawag.
"Same as me, wala naman akong ginagawa, and beside hindi naman kita aagawin sa kanya...hindi pa." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya, hindi ako sigurado kong tama ba ang narinig ko dahil mahina ito.
"Anong sabi mo?" tanong ko, hinuhuli ang mga emotion ng mga mata niya. Umiling naman siya at saka ngumiti. Ibinigay niya sa akin ang isang chiken joy na kinuha ko naman.
"Wala, kumain na lang tayo dahil may meeting pa tayo mamaya." Dahan-dahan akong tumango. Kakaiba ang taong ito pero hindi ko alam kung ano ang kakaibang iyon.

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEWhere stories live. Discover now