40

38 0 0
                                    


Five Years Later
Third Person POV:
"Hey Dad, look!" Agad na tumakbo ang batang lalaki papunta sa lalaking nakasuot ng tuxedo.
"Hey boy, what is that?" Binuhat niya ito. Mababakas sa mukha ng lalaki ang galak, ganito siya lagi sa tuwing nakikita ang anak.
"Mommy Celine made this for me!" masayang sigaw ng batang lalaki habang hawak-hawak ang sumbrero na gawa sa kulay brown na tela.
"Kinukilit kasi ako na gawan siya." Lumapit na rin ang babaeng tinawag na 'Mommy Celine' ng batang lalaki.
"Trunder, what will you say to Mommy?"
"Thank you, Mommy! I love you!"
"I love you baby boy." Mahinang kinurot ni Celine ang pisngi ni Trunder bago ito bumaba mula sa pagkabuhat ng lalaking nakapangalang Tucker.
"His grown up now," saad ni Celine habang nakatingin kay Trunder na tumatakbo pabalik sa mga kalaro nito.
"He is and thanks to you, salamat dahil tinulongan mo akong palakihin ang anak ko, Celine."
"Of course, I will do everything for you. You know that, Tucker." Hinalikan ni Tucker sa noo si Celine at bakas sa dibdib ng babae ang galak.
Matagal niya ng gustong maranasan na mapansin ng lalaki kaya ang pagiging ina-inahan ni Trunder ang ginawa niyang paraan.
"Masakit?"
Sa kabilang dako, nakatingin ang dalawang babae kina Tucker. Lumingon si Klailea sa kasama niyang kaibigan na si Fresha nang magtanong ito.
"Sinong nasaktan?" tanong ni Klailea sa kaibigan.
"Magkakailan ka na naman bang hindi nasasaktan? Ilang taon mo nang minamanmanan ang mag-ama sa malayo, ayaw mo pa ba talagang magpakita sa kanila at magpakilala sa anak mo?" Natahimik siya sa mahabang sinabi ng kaibigan.
Hindi niya maipagkaila na totoo ang sinasabi ng kaibigan, nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya ang mag-ama na masayang kasama si Celine.
Noong araw na iniwan ni Klailea ang kanyang anak na si Trunder sa opisina ni Tucker, simula noon nakamasid lang siya sa anak sa malayo. Hindi niya magawang malapitan ang mag-ama lalo na't noong nalaman ng dating grupo nila sa sindikato ay buhay silang magkakaibigan. Hindi nila pwedeng dalhin ang bata sa paglalakabay upang magtago mula sa dating grupo.
Nagawa niya ang plano niya, ang tumakas sa kasal nila Tucker. Ang ipagbuntis ang anak at ibalik sa Ama nito. Mahirap ang mga desisyon niyang iyon ngunit alam niya rin na hindi magiging ligtas ang anak niya kung siya ang kasama kaya naging tama rin ang desisyon niya na iwan si Trunder kay Tucker. Naglagay naman siya ng mensahe kay Tucker, pinaalam niyang iyon na ang anak nilang dalawa at doon din nagalit si Tucker sa kanya lalo. Maliban sa pagtakas nito sa kasal ay hindi niya rin sinabi kay Tucker na buntis siya. Nagalit siya noong nasa harap niya na ang bata at habang binabasa ang sulat mula kay Klaile. Para sa kanya, isang pagkakamali ni Klailea ang iwanan siya at pabayaan ang anak nito. Nangako siya sa kanyang sarili na sa oras na makita niya si Klailea ay hindi ito makakalapit sa anak nila.
"Hindi muna sa ngayon, kailangan muna nating kalabanin sina Allessandra, Fresha. Ngayo'y tayong apat lang ang magkakakampi." Lumingon siya sa anak niyang masayang naglalaro kasama ang ibang bata, gustohin niya mang lapitan ang bata ngunit bawal.
"Kaya mas pipiliin mong maging ganito na lang?" Walang emosyon siyang tumango sa kaibigan.
Mas mabuti na ang ganito dahil sa kamay ni Tucker magiging ligtas ang anak nila.
----
KLAILEA POV:
Aayain ko na sana si Fresha na bumalik ngunit natigil kaming dalawa at gulat na nagkatingan.
"Shit, si Trunder!" Mabilis akong tumakbo papalapit sa anak ko na ngayo'y umiiyak na.
Nagsigawan na rin ang mga tao sa park nang marinig ang dalawang beses na putok ng baril.
"Klai!" Hindi ko na pinansin si Fresha.
Kailangan kong iligtas ang anak ko at baka mapano siya. Siniko ko ang ibang tao para hanapin si Trunder hanggang sa nahanap ko siyang nakadapa sa lupa at umiiyak. Mabilis ko itong nilapitan at niyakap.
"H-hey, are you okay?" Naluluha kong tanong, tumango siya na umiiyak pa rin. Mahigpit ko siyang niyakap. "Shh, I'm here okay? Nandito na ako, huwag ka nang umiyak...." Anak - gusto kong banggitin ang salitang iyon ngunit hindi lumabas sa bibig ko.
Lumingon ako sa paligid at kaunti na lang din ang nagtatakbohan. Tumingin ako sa dalawang taong papalapit sa amin, agad kong tinago ang mukha ko sa suot kong hoodie at itim na mask. Bago ako tumakbo, niyakap ko muna muli si Trunder.
"W-what's your name?" I smiled when I heard him.
"Call me you guardian angel," I said and I kissed his forehead.
Lumingon muna ulit ako kina Tucker at ng isang babaeng tumatakbo papalapit kay Trunder nang may biglang humila sa akin papalayo.
"Muntik ka nang makita..." Giit na saad ni Fresha habang tumatakbo kami pareho.
"Niligtas ko lang ang anak ko."
"Hays! Kailangan na nating bumalik sa camp, tumawag si Jersey na nilusob daw tayo." Pagkasabi niya no'n agad kaming sumakay sa motorbike namin at mabilis itong pinatakbo.
Natunton na naman ba kami? Bakit ba ayaw nila kaming tigilan? Matagal na kaming wala sa kanila, ano pa bang gusto nila.
"The hell?" Bumungad sa amin ang sunog na paligid, mabilis kaming tumakbo sa loob ng camp na s'yang tinirhan namin limang taon na. Lumingon ako sa paligid at kitang-kita ng aking mga mata ang mga tauhang isa sa kumumkop sa amin na nakahiga sa lupa habang may takip.
"Tangina," tanging nasabi ko na lamang nang maramdamang sumisikip ang dibdib ko.
"A-anong nangyari?" rinig kong tanong mi Fresha.
"Natunton tayo nila Allessandra dito, sinunog ng mga tauhan niya ang buong camp at iilan sa mga kasamahan natin ang n-namatay." Mas lalong sumikip ang nararamdaman ko sa narinig mula kay Munique.
Hanggang ngayon ba gusto pa rin nila kaming patayin at nandamay pa sila!
"Hindi na nakakatuwa ang mga nangyayari. Sa loob ng limang taon, taon-taon na lang nila tayong tinatakot at sa loob din ng mga taon na iyon, nakatago at tumatakas tayo parati...pagod na ako, gusto ko na silang labanan. Nadadamay na ang karamihan."
Natahimik kami sa sinabi ni Almina. Tama siya, ilang taon na nila kaming sinisira.
"What are we gonna do?" Mahinang tanong ni Jersey.
"Kaya natin silang labanan," diretsong sagot ni Almina ma siyang nagpatigil sa aming apat.
Kung lalaban kami sa kanila, kulang kami ng gamit o panahon. "Paano natin sila lalabanan?" tanong ko.
"Sapat na ang limang taong pagtatago natin, sapat na rin na naginsayo tayo. Hindi na kulang iyon." Umiling ako.
"Ngunit wala tayong gamit..."
"Ako na ang bahala, Klai. Gusto mo bang maging ligtas pa lalo si Trunder? Alam na nilang may anak ka at isa iyon sa puntirya nila, hindi nila tayo titigilan hangga't hindi nila tayo nahahanap at patayin."
Natahimik ako, tama siya. Alam na nila na buhay kami at gusto nilang patayin kami dahil sa ginawa naming pagtataksil.
"K-kanino ka higingi ng tulong?" tanong ni Jersey.
"Kina Jordan."
"Ano?"
"Huh?"
Hindi kami makapaniwala sa narinig mula kay Almina. Simula noong araw na iyon hindi na namin sila nakausap, bakit may ugnayan pa rin siya.
"Nakipag-usap ka sa kanila?" tanong ni Munique. Huminga nang malalim si Almina at tumingin sa amin ng seryoso, halatang handa nang magpaliwanag.
"I'm sorry, ginawa ko naman ang lahat para hindi niya ako makilala ngunit matalas ang pang-amoy ng gago. I disguised myself but he recognized me, wala na akong nagawa nang dinala niya ako sa kotse niya...But don't worry, pinakiusapan ko siyang huwag sabihin sa iba...lalo na kay Tucker." Tumingin siya sa akin nang banggitin niya ang pangalan ni Tucker.
"Paano siya makakatulong sa atin?" paiba kong tanong, hanagg't maaari iiwasan kong marinig ang pangalan na iyon.
"Bago ang lahat, gusto ko lang din sabihin na pinaimbistigahan nila tayo noong umalis tayo," she said. Mas lalo akong nagtaka at bakas din sa mukha ng mga kasama ko ang pagtataka.
"What do you mean?"
"'Di ba, matagal na nating gustong malaman kung sino ang mga magulang natin..." Huminto siya at nag-aantay lang kami sa susunod niyang sasabihin.
"Alam nila kung sino ang magulang natin ngunit, ayaw nilang ipaalam sa akin kung hindi raw tayo magpapakita sa kanila."
Walang ni isang nagsalita sa amin. Paanong nangyari iyon?
"Malakas ang kutob ko na gusto nila tayong umanib sa kanila-"
"Ayaw ko," mabilis kong putol sa sinabi niya.
Hindi pwede, huwag muna sa ngayon.
"Ayaw kong makita ako ng anak ko na ganito, ayaw kong matakot siya sa akin..." Nahihirapan kong sambit.
"Klai, alam ko. Pero kailangan muna natin humingi ng tulong kina Tucker." Umiling ako sa kanya.
"Ang kapal naman ng mukha ko kung hihingi ako ng tulong sa kanya pagkatapos ko siyang iwanan."
"Desisyon mo iyon, labas kami roon!"
"Almina!" sigaw ng tatlo.
Umawang ang labi ko sa narinig. Lumabas din mula sa bibig niya na napipilitan lang sila sa desisyon ko.
"Desisyon ko? P-pumayag ka, kayo hindi ba? Bakit niyo ako sinisisi?"
"Klai, gusto ka naming pigilan noon kaso ikaw na mismo ang nagpumilit." Lumingon ako kay Munique.
"Lumabas din sa mga bibig ninyo na desisyon ko lang iyon at napipilitan kayo."
"Hindi sa ganoon, hindi ka namin pinarusahan sa paglabag ng rules dahil hindi naman mahalaga..." Umatras ako nang lunapit nang bahagya si Almina.
"Ginawa ko iyon para maging ligtas si Tucker at ang anak ko, alam niyo iyan!"
"At panahon na para ikaw naman ang maging ligtas, Klailea Lindsay! Tama na ito, iligtas mo naman ang sarili mo. Iligtas naman natin ang mga sarili natin, p-pagod na tayong magtago...."
Napaupo si Fresha pagkatapos niyang sabihin iyon. Tiningnan ko silang hindi makapaniwala. Ilang taon na nila itong kinikimkim na sabihin sa akin.
"Sa ayaw at sa gusto mo, hihingi tayo ng tulong sa grupo nila Tucker."

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEWhere stories live. Discover now