57

36 1 0
                                    


Sinamaan ko ng tingin si Tucker pagkatapos niyang lumabas mula sa banyo. Talagang ginawa niya sa banyo ang pagiging bitin niya ah habang ako rito nahihirapan kausapin ang anak ko. 'Hey son, what are you doing here?" Pasimpleng tanong niya kay Thrunder habang papalapit din sa amin. Tumingin siya sa akin at halata pa sa mukha niyang nag-aasar siya.
"I heard you guys screaming so I went here with Linsday. What are you guys doing?" Nakatingin lang ako kay Tucker, inaantay kung ano ang maisasagot niya sa tanong ng anak niya. Bakit ba kasi hindi soundproof itong kwarto niya. Wala naman siguro siyang dinalang ibang babae rito at narinig din ng anak ko or si Celine!
"We're not doing anything, son. Let's go, let's prepare something for Mommy Klai?" Tumango naman ang anak ko habang nakangiti at naunang umalis ng kwarto kasama ang robot niyang kaibigan. Bumaling ako kay Tucker nang hinila niya ako palapit sa kanya, he whispered that made me stunned. "We should continue later, okay?"
Kaya agad ko siyang tinulak at mas lalong sinamaan ng tingin, hindi na siya nahiya sa anak namin. Nahihirapan akong itago sa bata kung ano ba talaga ang ginagawa namin sa loob ng kwarto niya. "next time, put a soundproof in this room." Gigil kong sabi sa kanya bago umalis para sundan si Thrunder.
***
Kinabukasan, masaya akong nagising dahil katabi ko pa rin ang anak ko. Pagkatapos naming kumain kahapon ay sinabi ko kay Tucker na sa kwarto ako ni Thrunder matutulog at dapat kaming dalawa lang. Kahit na nakasamingot siya, hinayaan namin siya ng anak niya mainis kaya ang ending siya lang mag-isa sa kwarto niya. Gusto ko rin naman makasama si Thrunder sa kwarto niya dahil nasasabik akong muli na ako lang ang katabi niya. It' been years pero iyong exciting ko noong lumabas siya mula sa akin ay ganoon din nang katabi ko siya mula kagabi hanggang ngayon. He is sleeping peacefully, habang tumatagal ang titig ko sa kanya ay mas lalo ko lang na-re-realized na kamukha niya talaga si Tucker. Ang nakuha niya lang sa akin ang bibig niya.
"I missed you my only one," I said and kissed him in the forehead, agad naman akong napaatras nang gumalaw siya. Hindi naman siya nagising aagd kaya naisipan kong lumabas muna ng kwarto at pumunta sa kusina para ipaghanda sila.
May mga katulong naman pero ang sabi ko sa kanila ay ako ang maghahanda ng breakfast kay Thrunder ay kay Tucker kung gsuto niya man kumain pagkagising niya. I also wondered is he already woke up. "Manang, gising na ba si Tucker?" mahinang tanong ko kay Manang.
Huminto naman siya sa kanyang ginagawa at tinuro ang labas ng bahay. "Nandoon siya oh, nagdidilig ng halaman habang nag-w-work out." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa labas at nakita ko nga si Tucker na nagdidilig ng halaman, suot ang work-out outfit niya.
"Kanina pa ba siya gising?" tanong ko ulit. Nakangiti namang tumango si Manang sa akin.
"Oo iha. Ganyan siya palagi. Simula nang dumating si Thrunder sa kanya, nagsimula siyang magdilig ng halaman kada gising niya, minsan ay ayaw niya pang ipahawak sa iba si Thrunder noon, bitbit niya lang ang bata habang nagdidilig siya ng halaman. Nilalagay niya lang si thrunder kapag tulog na sa mga bisig niya at doon siya magsisimulang mag-work out dito sa bahay lang. Ang laking pinagbago ni Sir...pero ang hindi nagbago kung gaano ka pa rin niya palaging naiisip, anak."
Dahan-dahan akong bumaling kay Manang sa huling sinabi niya. I am amazed of her statement, nalalaman ko lalo kung gaano kabuting ama si Tucker sa anak namin ngunit ang huling sinabi ni Manang ang nagpatigil sa akin. She smiled at me, hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ka na ba aalis ulit? Hindi mo na ba iiwanan ang mag-ama mo, anak?" she asked. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik at tumingin sa kanya ng diretso.
"Hindi na po Manang. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa kanilang dalawa pero ito na ang simula para bumawi sa kanilang dalawa. Mahirap dahil hindi pa alam ng anak ko na ako ang tunay niyang ina, mahirap din dahil hindi ko alam kung paano ko aalisin o babawiin ang sakit at kahihiyan na binigay ko kay Tucker noong araw na dapat kaming ikasal pero lahat ng iyan ay kakayanin ko, pangako." Mas lalo akong napangiti nang yakapin ako ni Manang.
Isa siya sa mga taong na-miss ko rito, hindi ko inasahan na hanggang ngayon ay nandito pa rin siya. Noon ay si Tucker lang ang pinagsisilbihan niya, hindi ko maisip na dalawa na ang makulit sa kanya at inaalagan niya. "Masaya akong bumalik ka at panigurado magiging mabuting ina ka rin kay Thrunder. Mabuting bata ang anak ninyo at alam kong kapag sabay ninyong dalawa ni Tucker na palakihin si Thrunder, paniguradong magiging mabuting tao siya. Alam kong nagkamali kayo pareho ngunit alam ko rin naman na hindi ninyo hahayaan ulit na maulit iyon dahil may anak kayo."
Tumango ako sa kanya. She's right, maraming nagbago nang dumating ang anak ko at sa pagbabago na iyon ay sinisigurado kong maayos ang lahat. "Sige na, ako na ang bahala rito at puntahan mo na si Tucker. Matagal magigising ang anak ninyo," she added bago bumalik sa ginagawa niya at siya na nga ang nagtuloy sa ginagawa kong paghahanda.
Kinuha ko ang kape sa lamesa at lumapit kay Tucker, nakita ko siyang pinagligo ang tubig sa katawan niya. Hindi ko maiwasan ang tumingin sa buong katawan niya na tila ba dahan-dahang umagos ang tubig sa katawan niya, parang nangungusap ang katawan niya na palapitin ako sa kanya.
Hindi ko rin maiwasan ang mapalunok, tama ba ang nakikita ko na naglalakad siya palapit sa akin at nakatingin sa akin ng seryoso? "Is that my coffee?" Huh? nagsasalita ba siya?
"H-huh?" Walang sa sariling tanong ko. Para akong hininoptize ni Tucker kahit sa boses ng pagtanong niya ay nahuhulog ako.
"Naubos na ang kape na dala mo, para ba sa akin iyan?" Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa laman ng tasa na dala ko. Doon ko lang napagtanto na naubos ang kape na dapat ay para sa kanya.
"Hala, pasensya na. Naubos ko." Nataranta akong tumingin sa kanya, natawa lang naman siya at bigla akong napahinto nang hawakan niya ang kamay ko, kinuha ang tasa at saka nilagay sa lamesa na malapit lang sa amin.
"Ang sabi ko naman sa'yo dapat tumabi ka sa akin kagabi para hindi mo maubos ang kape kakalaway sa akin." Agad ko siyang tinulak. Ang yabang ah.
Mabilis akong umatras mula sa kanya at lumayo nang bahagya. "Manahimik ka, masaya akong katabi ang anak ko." Umirap ako sa kanya at saka tumalikod. Pumikit ako ng mariin, kinagat ang ibabang labi dahil sa katangahan. Hindi ko alam kung saan ako nahihilo, sa kape ba na bawal ako o dahil sa kapreskuhan ni Tucker o baka dahil sa katawan niya.
Damn it, bakit ba kasi nakahubad siya habang nagdidilig ng halaman. Kasalanan niya!
I heard him laughed slighly ata bumaling muli ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "It's okay my love, ang cute mo pa rin habang naglalaw sa katawan ko."

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora