60

42 0 0
                                    


Habang nasa biyahe ako pabalik sa bahay, hindi ko pa rin maialis sa isipin ko si Celine. Alam niya ba ang tungkol dito? Kilala niya ba talaga si Celine kung sino at anong klaseng tao ito? Limang taon nilang kasama ng anak ko si Celine at hindi ko alam kung ano na ang nagawang hindi maganda ni Celine sa mga panahon na iyon. Kaya siguro hindi na maganda ang kutob ko sa babaeng iyon noong una ko pa lang kita sa kanya dahil mayroon siyang tinatagong hindi maganda. Kahit na naawa ako sa kanya sa ginawa ni Tucker sa kanya ngayon ay mas lalo lang akong nainis sa kanya. I need to fin everything about her, kung bakit sila magkakilala ni Alessandra.
I parked my car in the garage. Binigay ito ni Tucker sa akin para raw may gagamitin ako for emergency. Nasa akin pa rin naman ang motor bike ko pero ginagamit ko lang ito kapag kailangan kong magmadali sa mga bagay-bagay. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko si Tucker at ang anak ko na naglalaro. Halos manlaki pa ang mga mata ko nang makitang maaga si Tucker ngayon. It's still five in the afternoon, supposed to be ay makakauwi siya ng gabi na.
"Hello Mommy!" Tumakbo palapit sa akin si Thrunder, he hugged me tight so I am. Hinalikan ko siya sa pisngi, naaamoy ko rin na bagong ligo siya. "Me and Dad played. Come here, you should join us." Ngumiti ako sa kanya nang malapad at hinayaan ang sarili na magpahila sa kanya palapit kay Tucker.
Tumingin ako kay Tucker ng seryoso at ganoon din siya, para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero ganoon din ako. Gusto kong itanong sa kanya ang tungkol kay Celine. "Hey, baby. Can I talk to your dad first?" I asked him. Ngumiti naman si Thrunder at tumango sa akin.
"I have something to ask you." I turned to Tucker when our son run away. Tumayo siya at humarap sa akin.
"May kailangan din akong sabihin sa'yo," he said. Pero nagulat ako nang yakapin niya ako at hinalikan sa noo. "But I need to do this first everytime I see you. How's your day?" Napakurap ako sa biglang tanong niya. Hindi ko inasahan na iyon ang itatanong niya na para bang bumiis ang tibok ng dibdib ko.
"Uhm, maayos naman. Nakausap ko na ang mga kaibigan ko, alam na nila na bumalik ako rito kasama kayong dalawa." Nauutal pa ako sa huli kong sinabi. He smiled at me, tumingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko. "Bakit? May problema ka ba?" tanong ko. Hindi ko alam kung tama ba na kabahan sa mga action niya ngayon sa akin.
"Wala," he replied and shrugged his head. "Let's go, mag-uusap pa tayo." Nagpadala ako sa hila niya papunta sa kwarto. Dahil siguro sa hindi ko namalayan, nagulat na lang ako na pinaupo niya ako sa kama at siya ay nasa harap ko.
"What are you doing, Tucker?" Kunot noo kong tanong.
"We will talk now---"
"Yeah, pero bakit nakatayo ka habang mag-uusap tayo?" Sit down beside me, para kang tanga." Inirapan ko siya at hinila sa tabi ko. "Don't do anything, mahalaga itong sasabihin ko," dagdag ko. Kibit balikat lang ang tugon niya sa akin, bago pa ako magsalita ulit inirapan ko siya.
"Pero ikaw, ano muna ang sasabihin mo?" tanong ko. Dahil may sasabihin din siya sa akin. He heaved a sigh, he held my hand.
"I need to tell you something at alam ko na mahalaga ito sa'yo pero ikaw muna." Ngumiwi ako at tinaasan siya ng kilay. Pabitin ha. Pero dahil nagpabitin siya, ako na ang unang magsasabi sa sadya kong sabihin sa kanya.
"About Celine, gaano mo siya kakilala?" I asked. Mukhang hindi naman siya nagtaka nang itanong ko iyon. "Kilalang-kilala mo ba talaga siya? Mabait ba talaga siyang tao?" dagdag ko pang tanong.
"I guess you already know about her," he said that making me more confused. Ano ang ibig niyang sabihin? He nodded, "yes. I know her. I investigated her three years ago nang nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya at hindi naman ako nagkamali, meron nga. She is the daughter of Alessandra." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Pero bakit umabot sila ng limang taon na magkasama? "Pinatagal mo?" I asked.
"Dahil hindi pa tapos ang imbistigasyon ko sa kanila. Isa rin sa rason kung bakit ako naging mabait sa kanya dahil para kapag kailangan ko siyang hulihin, hindi na lang ako mahihirapan. Yes, I know her for five years." Hindi ako nakapagsalita. Kaya ba hindi niya nagulat nang tanungin ko ang tungkol kay Celine.
"Anong gagawin natin? Baka balikan niya tayo, si Thrunder baka kukunin niya sa atin." Hindi ko maiwasan ang mabahala dahil anak ko ang pinag-uusapan dito. Kilala siya ng anak ko, malaki ang tiwala ng anak ko sa kanya kaya paano kung isang araw lumapit na lang si Celine sa anak namin at kunin siya?
"Don't worry, hindi niya magagawa iyon---"
"Paano ka nakakasiguro, Tucker? Paano mo nalaman agad na ligtas si Thrunder? Anak siya ng humahabol sa amin at balak pumatay sa amin, nakita ko siya na kasama si Alessandra. Hindi malabong may gagawin silang masama sa anak natin. Hindi ko kakayanin na mawala ulit ang anak ko sa akin, Tucker. Kailangan nating mag-ingat." Mahabang sabi ko.
Hinawakan niya naman ang dalawa kong kamay na tila ba pinapakalma. Hindi niya rin masisisi na kabahan at matakot. "Please, do not be worry. Magtiwala ka sa akin, walang mangyayaring masama sa anak natin. I am her to protect you at kahit sino pa sila, hindi nila magagawang saktan si Thrunder." Hinawakan niya ang pisngi ko habang sinasabi niya iyon.
Nang makita kung gaano siya ka sincere, kumalma ako. Siguro nga kailangan ko ang magtiwala kay Tucker na walang mangyayaring masama sa amin. Bakit nga ba ako nababahala kung nandito na nga ako para protektahan din ang anak ko, hindi ko dapat maramdaman ito dahil kaya ko silang ilayo mula kay Thrunder. I trained myself for this for long, pinaghandaan ko ang sarili ko na maging handa kung sakaling haharapin ko sila Alessandra.
"Okay, I will trust you. At handa rin akong protektahan kayong dalawa." I smiled and hugged him. It's to be with him when it comes to this thing.
"Sure you'll do, love. I know you'll do that," he said.
Nang maalala kong may sasabihin siya, tumingin ako sa kanya, humiwalay sa yakap. "Ano ang sasabihin mo sa akin na sinasabi mong mahalaga sa akin?" I asked.
Ngumiti naman siya, at dahil sa ngiti niya aasa akong maganda ang sasabihin niya sa akin. "What is it, Tucker? Bakit nakangiti ka lang? Baliw ka na ba?" Hinampas ko ang braso niya. Hindi pa rin kasi nawawala ang ngiti niya sa akin, kinakabahan tuloy ako at nagtataka. Baka iba ang gusto niya, nandito pa naman kami sa kama. Maybe he will ask something.
"I just want to tell you na nahanap ko na ang mga magulang ninyo last week at hindi ko lang alam kung paano ko sabihin sa'yo na---hey!" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita, agad ko siyang niyakap nang mahigpit.
Doon na lumabas ang luha ko, nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa pero may tiwala akong tama siya ngayon. Matagal na naming hinahanap ang mga magulang naming magkakaibigan at kahit kailan hindi kami nagtagumpay.
"Paano mo sila nahanap?" Umiiyak ko pa ring tanong pero naudlot lang nang maalala ko kung tama ba ang mga taong nahanap niya. "Paano ka nakakasigurado na mga magulang namin sila, Tucker? Paano mo nagawa ang lahat ng ito?" dagdag kong tanong.
"Maghulos dili ka muna. Here," he said. "Open this." Inabot niya sa akin ang folder na nasa kama, nakita ko lang ito kanina pero hindi ko pinansin.
Tiningnan ko lang si Tucker habang dahan-dahan kong binuksan ang foler na inabot niya, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at nanginginig. Kung tama man si Diego na nahanap niya ang mga magulang namin, panigurado ay matutuwa ang mga kaibigan ko. Bata pa lang kami matagal na naming pangarap ang bagay na ito.
"What are these?" Isa-isa kong tiningnan and mga litrato at mga documents an ansa loob ng folder. Nakasulat ang mga pangalan ng apilyedo naming magkakaibigan at ang mga pangalan an hindi kami pamilya but the documents said that they are my parents.
"I also get a DNA Test each on of you para nakisurado ako na pamilya niyo talaga sila. I asked helped from my men na makuhaan ng samples ang mga kaibigan mo and I'm sorry to tell you but I used your comb as a sample test," paliwanag niya.
Walang kaso sa akin kahit gamitin niya pa ang panty ko for the test. Ang mahalaga ay malaman ang katotohanan. Nasa likod ng folder ang sinasabi niyang DNA Test at hindi nga nagkakamali, all of them are positive. Tiningnan ko lang din ang para sa mga kaibigan ko bago ko nahawakan ang sa akin. Nanginginig ako habang nakatingin sa mga results at litrato.
"Where I can find them?" I asked. Tumingin ako kay Tucker. Ang dami na ng tinulong niya sa amin at hindi ko inasahan na hahantong din dito ang pagtulong niya, siya pa talaga ang nakahanap sa mga magulang namin.
"Don't worry, I know your parents well. They are my investors in our company. Hindi ko alam na sila pala ang magulang mo at narinig ko rin na hinahanap nila ang anak nilang nawawala and found out that it's you, they are waiting for you. Ilang taon ka rin nilang inantay."
Dahil sa narinig mula sa kanya, bumuhos na ang luha ko lalo. I hugged him. "Thank you, thank you. Kung hindi dahil sa'yo hindi ko na sila makikita habang buhay, utang ko itong lahat sa'yo---"
"Hey." Humiwalay siya sa yakap, hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinunasan ang mga luha. "Isa lang naman ang gusto kong ibayad mo," he added.
Tumango ako, kahit ano ay gagawin ko. Mabayaran ko lang siya sa lahat ng naigawa niya sa akin at sa mga kaibigan ko. "Anything I can do for you," I replied.
Ngumiti siya nang napakatamis, he kissed me and I responded. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya na tila ba hindi na mawawala iyon. "Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko.
"Marry me, pakasalan mo ako and this time, sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakas."

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEWhere stories live. Discover now