17

44 1 0
                                    


Inilpag niya sa harap ko ang isang papel, kinuha ko ito at napakunot kaagad ang noo ko. Bakit naman ang kapal ng kontrata?
"Ilang taon ba ako magtatrabaho sa'yo? Bakit naman kasing kapal 'to ng libro." I asked. Sinimulan kong buklatin ang ibang pahina at basahin pero wala akong maintindihan, ang lalim ng ibang English ah.
"Nakakatamad basahin, puwede mo bang pag-aksayahan ng oras na ipaliwanag ito sa akin?" Binalik ko sa lamesa ang papel. He heaved a sighed at kinuha ito.
"Number one, the party B needs to follow the command from Party A. Kapag hindi nasunod iyon ni party B ay may parusang mangyayari." I raised my hand para magsalita. Parusa?
"Anong parusa, ha? Bakit paparusahan?"
"Let me finish first, miss party B. Ang parusang iyon ay malalaman mo lang kapag hindi mo sinunod ang gusto ko. Next is, party A shouldn't allowed to go out in the crowd unless may kasama ka. Safety first my wife." I rolled my eyes.
Ang iikli lang ng mga paliwanag niya pero ang hahaba ng nasa papel, sinong hindi tatamarin magbasa no'n?
"At kung magkasama tayong dalawa sa harap ng maraming tao we should act like a real couple." Alam ko naman iyon, magaling ako magpanggap.
"K, sa dulo na ang basahin mo, 'yong malapit na mag-end ang contract ko." I sat down at inantay ko siyang matapos magbuklat sa dulo. Ang dami eh, babasahin ko nalang sa susunod.
Nang matagal siyang magsalita, taka ko siyang tiningnan. "Ano na? Mabigat ba ang nasa dulo ng kontrata?" I curiously asked.
He shrugged his head at nagsimulang magsalita. "After you gave birth to my child, makakaalis ka na ngunit hindi ka na magiging ina ng anak ko." Halos manlaki ang mga mata ko at napatayo dahil sa gulat sa sinabi niya.
What the fuck?
"I won't sign the contract, kaya kong magpakalayo pero hindi mo ako dapat tanggalan ng karapatan maging ina ng anak ko, Tucker."
"Wala ka ng magagawa, iyon ang kasunduan." Hinampas ko ang lemasa niya, gulat naman ang rumihestro sa mukha nito. Fuck you!
"Ikaw lang ang nagdedesisyon sa mga nakasulat d'yan. Hindi mo nga ako pinagbigyan ng pagkakataong magdesisyon kung anong dapat gawin eh. Sumusobra ka na!" I shouted, masama ko siyang tiningnan.
Tumayo naman siya at pinantayan ako, hindi ako nagpatinag sa tingin niya sa akin. Kung ibang tao ang kaharap niya ngayon siguro naiihi na iyon sa short niya pero iba ako, galit ako sa kanya ngayon. Galit ako sa kanya lagi.
Wala na siyang ibang ginawa sa buhay ko kundi magdesisyon mag-isa.
I sighed at pinakalma ang sarili, okay fine. Ito naman talaga ang dapat kong gawin. Pagkatapos anakan, aalis ako. Matatapos na ang pesting misyon na ito na dapat naman talaga wala na. Nakuha na ang singsing na gusto ni Allesandra, kailangan nalang namin patayin si Tucker at ang mga kaibigan nito.
Pagkatpos no'n magpapakalayo na ako, magbabagong buhay. Magtatago.
"Okay, I'll sign it." Kumuha ako ng ballpen sa lamesa niya at inagaw ang papel mula sa kamay nito. Pinagmasdan ko muna ang pangalan kong nakasulat sa papel. Klailea Lyndsy Gatdula, Party B.
"Aalis lang ako, may pupuntahan." Nilapag ko ang papel sa lamesa at lumabas na. Narinig ko pa ang pagsinghap nito pero hindi na ako lumingon. Kailangan kong maglabas ng sama ng loob ngayong araw.
"Where are you guys?" I called Fresha.
"Good thing, you called. Pumunta ka rito sa hide out. May sasabihin si Almina," hindi na ako sumagot, kaagad ko nang pinatay ang tawag at bumaba ng building.
Hindi ko na rin pinansin ang tinginan ng mga tao rito, bahala sila riyan.
Ginusto ko naman na hindi magkaroon ng anak, pumayag naman ako na pagkatapos ng lahat ay hindi na ako magpapakita pero bakit ngayon palang parang ayaw ko nang mawala sa piling ng anak ko.
Iwinaksi ko muna sa aking isipan ang problemang iyon pagkarating ko sa hide out. Bumungad sa akin ang tahimik na lugar. Saan ba sila?
"Girsl!" pasigaw na tawag ko. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas si Jersey na seryosong nakatingin sa akin. May problema ang isang 'to.
"Anong nangyayari sa mukha mo? Bakit ganyan?" Lumapit ako sa kanya. Usually kasi, sa tuwing babalik ang isa sa amin dito sa hide out at si Jersey ang unang makikita ay masaya niya kaming batiin. This time, nakakapinabago.
"Sa kwarto na ni Almina tayo mag-usap. Nag-aantay sila." Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya.
Kinakabahan ako sa nangyayari, hindi ko gusto ang kabang naramdaman ko ngayon.
Pagpasok ko sa kwarto, ang bumungad sa akin ay ang mga busy'ng tao. Sabay-sabay naman silang lumingon sa akin. "Anong meron?" I asked, umupo ako sa bakanteng upoan.
Tumigil naman silang lahat at pumwesto sa kanyan-kanyang puwesto. May inabot sa akin si Almina na envelope. "Ano 'to?" takang tanong ko.
"Open it, we are busted." tanging pagkunot noo lang ang naitugon ko sa kanya. Imbis na sagutin siya ay binuksan ko na ang envelope na ibinigay niya.
"What the hell?" halos mapatalon ako nang makita ang nasa loob. "What is this?" Tiningnan ko sila ngunit umiwas lang ng tingin ang tatlo maliban kay Almina. She heaved a sighed.
"Iyan ang pinatay ni Boss sa organisasyon. Ang grupo nila ay tumiwalag, tumakas ang iilan ngunit nahuli rin sila kaya ganyan ang nangyari. Hindi ko alam kung may traydor ba sa organisayon, pakiramdam ko ay may nagsumbong sa grupong iyan. Ngayon ko lang din natanggap 'yan nang bigyan ang bawat leader kanina ng ganyang copy." paliwanag niya.
Umiling ako nang umiling, ang brutal ng ginawa. Nakakasuka, nakakatakot. Kung ang lahat ng tao sa organisayon ay pumapatay lang sa pamamagitan ng pagbaril at paglason, itong nasa litrato ay halos hindi na malaman kung nasaan ang ibang parte ng katawan ng mga tao. Putol ang ulo, pati ang ibang braso ay nagkalat sa sahig. Apat na tao, natitiyak kong apat na tao ang nandito.
"A-ang leader nila?" Nauutal kong tanong, napa-upo ulit ako sa upoan. Nanghihina. Ang sama ni Allesandra.
"Pinapahanap na siya ni Boss, ilang araw na pala ang nangyaring ganito kaya pala tahimik ang grupong iyon sa org." sagot nito. Tumingin siya sa amin isa-isa. "Kaya n'yo pa ba?" she asked.
Inantay ko ang sagot ng mga kasamahan ko ngunit ni isa ay walang sumagot. But instead, they all looked at me. Alam ko na kaagad ang ibig nilang sabihin.
"Hindi natin puwedeng iwanan si Klai habang may ginagawa siya. Ngayon lang ako natakot sa buong buhay ko nang malaman ang ginawa ni Boss. Ayaw kong mangyari sa atin ang nangyari sa iba."
Naiintindihan ko si Fresha, lahat naman kami ayaw. At alam kong lahat kami, takot ang naramdaman ngayon. Takot na baka sa susunod na araw kong tatakas kami ay wala na kaming maabutang sinag ng araw sa umaga.
"Kung mamamatay man ako, siguro ayos lang. Wala rin namang pamilyang pupunta sa burol ko." Sinamaan ko ng tingin si Munique.
"Walang mamamatay sa atin. Hindi ko alam kung paano natin malilinlang si Allesandra sa palabas natin. Alam na natin na nasa kanya ang singsing na dapat mission ko. At Hindi natin alam kung alam niya ba ang nangyayari sa akin ngayon." mahabang wika ko.
Kasi sa totoo lang, hindi malabong malaman niya na magiging asawa ako ni Tucker. Sikat ang lalaking iyon at kilala ni Allesandra. Sa oras na malaman niya, hindi ko alam kung ano ang parusang mangyayari sa akin.
Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at tiningnan sila isa-isa. "Alisin muna natin ang problema ngayon, tara na sa karera." Kita ko kung paano kumunot ang noo ni Fresha sa akin.
"Karera? Anong meron, bakit tayo babalik sa isang bagay na matagal na nating iniwan din?" she asked.
Dalawang taon lang naman namin naiwan iyon, wala namang masama kung babalikan namin at saka na-miss ko na ang Aprilia baby ko.
"Kaysa ma-stress tayo. Let's play a game." kibit balikat kong sabi.
Motor race ang libangan naming lima dati, sa tuwing wala kaming mission doon namin sinasayang ang oras namin. It's fun. We secretly kill person by just racing our babies.
They all stood up and I think, pumayag sila. Pumasok kami kung saan namin tinago ang mga motor namin. Almina's bike is Honda, the R Fireblade SP. Kulay pula ito dahil paborito niya. Kay Jersey ay isang Ducati Panigale, kulay yellow naman ang sa kanya. Kay Munique ay ang Husqvarna, kulay puti naman ito. Maraming beses na siyang nanalo dahil sa bike n'yang ito. Kay Fresha ay ang KTM Adventure Rally, kulay orange naman ang sa kanya. At ang panghuli ay ang Aprilia RS ko. It's color black.
Lahat ng ito ay ginamit namin dati sa racing, sa pagnanakaw, sa pagpatay. O sa madaling salita, para sa mission. Natigil lang noong napagdesisyonan namin na huwag muna gamitin dahil sa nangyari sa amin dati, someone tried to kill us sa araw na sumali kami ng race for champion. Akala namin ay roon na magtatapos ang buhay naming lima. But look, devils are strong enough.
We wore our earpiece para maka-usap pa rin namin ang isa't isa sa oras na magsimula ang race. Munique already contacted the management na pupunta kami, thank goodness ay kilala pa naman kami kaya kaagad na kaming nagtungo sa Pradera Racing Circuit.
***
"It's been a while, Lunatic Ladies," sambit ng isang boses na matagal na naming hindi narinig. Lumapit ito sa amin nang makarating kami rito sa PRC here in Pampanga.
"It's been a while, panget ka pa rin Lucio." Munique said at niyakap si Lucio. Siya ang close naming organizer dito.
"Whatever, ex." Natawa pa ito habang si Munique ay nainis na kaagad dahil sa pagtawag ng dating kasintahan.
"How are you ladies? Na-miss ko kayong makitang lumaban at magpatayan sa lugar namin." I almost rolled my eyes to him but it's true. Lagi kaming nagpapatayan kapag nandito kami dati.
"We're doing goods. Still breathing and kicking, jerk." Almina said.
Pumalakpak naman si Lucio na tila ba tuwang-tuwa. "Tamang-tama talaga ang pagbabalik ninyo dahil kayo ang pina-unang lalaban. We will introduce you to your opponent." saad nito at kaagad na lumapit siya kay Munique at umakbay, hindi rin naman nagreklamo si Munique sa ginawa ni Lucio.
We followed him kung saan man siya pupunta. Magtakip silim na at sisimulan na ang laban mayamaya. Marami akong nakikitang bago ang mukha, karamihan sa kanila ay mga bago. Nasaan na rin kaya ang dati naming kasamahan dito? Buhay pa kaya sila.
"Maraming mga bago?" I asked him.
"Yes, ang makakalaban ninyo ay isang taon na sila rito. Noong nawala kayo ng dalawang taon ay saka naman sila dumating. Kumbaga sila ang pumalit sa inyo sa mga magagaling kumarera." he explained.
"Babae rin?" asked Fresha.
"No, sweety. Mga lalaki sila--or there." Tinuro niya ang kabilang banda namin.
Nang tumakbong mabilis si Lucio patungo sa limang lalaking nakatayo, nagkatinginan naman kaming lima. They are familiar.
"Nakita na naman natin sila," Jersey said.
"Can we kill them tonight?" Hinampas ko sa braso si Munique nang sabihin niya iyon.
"We are here to chill and relax. Almina, puwede naman sigurong huwag na muna natin silang galawin ngayong araw? Ma-stress lang tayo kung iyon ang iisipin natin." I said.
"Yeah, tama si Klai. Let's enjoy this day first. Let's set asied our worries and problems. Subukan naman nating huwag pumatay muna." she said.
Sumang-ayon ang lahat kaya sumunod na kami kay Lucio nang tawagin niya kami.
At wala akong pakealam kung makita man ako ni Tucker na lalaban, bahala siya sa buhay niya. Galit pa rin ako sa kanya.

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEWhere stories live. Discover now