42

33 0 0
                                    


"Mommy?" takang tanong ko, sinisurado kung tama ba ang narinig ko mula sa kanya. "Teka ah, tanggap ko at wala akong pakealam kung asawa ka ni Tucker pero 'yong Mommy ka ng anak ko? Ibang usapan na yata 'yon." Tinaasan ko siya ng kilay, hindi ko hahayaan na pati anak ko maaagaw ng kahit sino.
Ngumisi siya na tila ba nang-aasar, "Hindi mo ba narinig kanina na Mommy ang tawag ng anak ko sa akin."
Wow, anak niya talaga? Ang kapal ng mukha nito.
Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay ulit, dahan-dahan din akong lumakad papunta sa kanya. Hindi rin naman ito nagpatinag at nanatili lang nakatayo. Kapal, hindi ba siya takot sa akin?
"Baka tulog ka pa at nananaginip lang? Paano mo magiging anak ang hindi naman ikaw ang lumuwal?" tanong ko. Mas lalo niya rin akong tinaasan ng kilay.
"Sino naman kasing matinong Ina na iniwan ang anak?" Kinuyom ko ang aking mga kamao at akmang sasampalin siya nang pareho kaming napatingin sa pinto ng banyo.
"K-klai?" Si Fresha at pinasadahan ng tingin si Celine. "Hinahanap ka ni Tucker," dagdag nito.
Pasimple akong tumingin sa babaeng kaharap ko at hindi nakatakas sa akin ang pag-awang ng kanyang bibig.
"Anong ginagawa ninyo rito? May balak ka bang kunin si Tucker sa akin ulit?" tanong niya pagkalingon sa akin ulit. Baliw ba ang isang 'to? Pinagsasabu nito?
"Gaga ka ba? Sa'yo na si Tucker, isaksak mo sa panty mo."
"Make sure lang hindi gusot ang panty mo." Lumingon ulit ako sa pinto nang makita si Jersey, natawa ako dahil siya ang nagsabi no'n.
"W-what?" si Celine na bakas sa mukha ang inis.
Lumapit ako sa mga kaibigan ko at hinarap ang babaeng makapal ang mukha. "Gaya ng sabi ko, puwede mong kunin si Tucker pero hindi ang anak ko."
Ngumisi siya at umiling, halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko. "Paano ba 'yan, hindi ka kilala ng anak mo. Kung iwan mo kasi parang tuta lang." Ikinuyom ko ang aking mga kamao, hinila rin ni Fresha si Munique nang akmang lalapit kay Celine.
Wala siyang karapatan sabihin iyon dahil hindi niya naman alam kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yon.
"Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo, wala kang alam." Diniinan ko ang bawat salitang binitawan ko.
Sa totoo lang, nasasaktan ako sa paratang niya. Wala naman siyang alam sa lahat pero pakiramdam ko totoo ang mga sinasabi niya.
"Tara na, Klai. Mauubosan ka lang ng precious time sa kanya," Jersey said.
Tumango ako at naunang lumabas. "Gusto mo ba itumba na natin?" bulong sa akin ni Munique, tanging pagtango lang ang ginawa ko. Bahala kayo, nababadtrip ako sa babaeng iyon.
"Aww." Napahinto kami nang may nabangga ako at narinig na boses.
"A-anak mo..." Mahinang bulong ni Almina.
Hindi ako makagalaw nang makita ang anak ko sa harap ko ngayon. Dahan-dahan siyang tumayo at dahan-dahan ding umangat ang ulo para matingnan kami. Nagtaka pa ang kanyang mukha nang makita ang mga kasama ko ngunit nang huminto ang tingin niya sa akin, halos manlambot ako dahil sa malapad niyang ngiti.
"Kilala ka niya?" bulong na tanong sa akin ni Jersey. Sana nga kilala niya ako.
"My angel!" sigaw niya nang nagpatigil sa ibang taong naglalakad at lumingon sa amin.
"Angel?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Fresha.
Kilala ako ng anak ko bilang anghel niya? Siguro nga iyon 'yong time na tinulongan ko siyang tumayo sa park.
"H-hi." Lumuhod ako para pantayan siya at ningitian, napaigtad naman ako nang yakapin niya ako bigla.
"OMG." Rinig kong singhap ng mga kasama ko.
"How are you, baby?" I asked, pinipigilan kong maluha habang nakatitig sa kanya.
As much as possible, kailangan kong mag-ingat. Masyado pang walang alam ang anak ko para ilagay siya sa sitwasyon na hindi naman dapat.
"I'm doing good po. Wow, you are so pretty...and your friends, hi?" Umangat ang ulo niya habang nakangiting nakatingin sa mga kaibigan ko.
Hindi naman nakaligtas sa akin sina Jersey at Fresha na halatang naiiyak, si Munique na tuloyan naluha at si Almina na nakangiti lang din sa bata. Sabay silang bumaba at pinantayan ang anak ko.
"Hello little boy," Fresha said.
"Trunder." Napalingon kaming lahat sa nagsalita. It was Tucker.
"Hey Dad!"
"Come here, son." Mas lalo akong nagulat nang sumulpot si Celine at hinila palayo si Trunder sa akin.
Is she crazy? Muntik ko pang hilahin pabalik ang anak ko kung hindi lang ako pinigilan ni Fresha.
"Umalis na tayo," saad niya. Tumingin ako sa kanila para basahin din ang mga mukha pero pare-pareho sila ng nais.
"Nakausap na namin sila, tutulong sila." Bulong sa akin ni Almina.
Pero paano ang anak ko? Gusto ko pa siyang makasama.
Tumingin ako sa pwesto nila Trunder at Celine kanina. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at inis nang makitang naglalakad na sila palayo sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing makitang hawak ng iba ang anak ko.
Bumaling ako kay Tucker na ngayo'y seryosong nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo manlang kami hinayaang makasama ang anak ko-"
"Anak ko...anak ko lang, Klailea." Umigting ang kanyang panga na tila ba galit na galit ito. Ikinuyom ko ang aking mga kamao.
Bumaling ako kay Almina nang hawakan niya ang balikat ko, "Maiwan muna namin kayo," sabi niya at tuloyan na silang umalis.
"Ang kapal ng mukha mong angkinin mag-isa ang anak ko." Diniinan ko ang bawat salitang binitawan ko.
Hindi porket iniwan ko ang anak ko sa kanya ay aangkining niya na lang na para bang siya ang nahirapan sa ginawa kong desisyon.
He smirked at me, "Who are you to tell that you are a mother? At first, you left me dumbfounded and second, dinamay mo pa ang anak ko."
"But at least, sa 'yo ko iniwan dahil alam ko maaalagaan mo siya."
"But at least! Kahit man lang sinabi mo sa akin Klai!" Napalingon ako sa mga taong huminto dahil sa pagsigaw ni Tucker. Hindi ako nagpatinag sa kanya, naintindihan kong galit siya sa akin pero nangungulila din ako sa anak ko.
Limang taon kong hindi nakasama si Trunder at huwag na huwag niyang idahilan ang ginawa ko para lang ilayo niya ito sa akin. Alam ng Diyos na isa sa dahilan para pumayag akong lumapit kami sa kanila para humingi ng tulong ay para rin mapalapit sa anak ko.
Napaatras ako nang lumakad siya palapit sa akin, "W-what are you doing?" Utang kong tanong.
Ang mukha nitong seryoso habang umiigting ang panga. Bakas sa kanya na nagpipigil ito ng galit.
"Alam mong iba ako magalit Klai pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa'yo hindi ko magawang magalit nang lubosan." Huminto siya sa pagsasalita pero patuloy pa rin ang paglalakad at patuloy din ang pag-atras ko.
Lumingon pa ako sa likod kung may maatras pa ba ako ngunit napansin kong wala na kundi pader na lang. Lumunok ako ng dalawang beses at ngayon, nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.
"I wan to punish you right now. I want you to explain why you left me. Gustong-gusto kong marinig lahat mula sa 'yo ngunit ayaw ko na rin. Ayaw kong mahulog sa patibong mo ulit. Because from the start, those are just for your bullshit mission. I am just you fucking mission, Klai. Na sa oras ay tapos na, iiwanan mo na lang bigla.... Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang ginawa mo, it's our wedding. A fucking wedding, Klailea!" Napapikit ako at napaiwas nang suntokin niya ang pader.
"Now tell me! Sabihin mo sa akin kung anong karapatan mong lumapit sa anak ko na hindi ka na rin kilala bilang ina niya!"

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon