20

44 1 0
                                    


Nang makarating ako sa organization, kaagad kong hinanap ang mga kasamahan ko. Totoo nga na maraming bago rito. Iyon ang nakikita ko, ang dating kasamahan namin ay busy sa pagtuturo. Nakita ko pa ang grupo ni Juders na seryoso sa isang grupo. Mga bata pa sa amin ang mga mukha nila, saan naman nila 'to nakuha?
"Klai!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Fresha, kaagad akong pumunta sa kanila at tumabi kay Almina.
"What happened?" I asked.
"They are busy for something I didn't know. Look." Tinuro niya ang tatlong babae na nag-uusap sa hindi kalayuan, sila lang ang naroon. Mukhang seryoso ang pag-uusap. Tumingin ako kay Almina, nagtataka.
"Bakit? Anong meron sa kanila?" tanong ko.
"Ang sabi nila, silang tatlo ang pinakaagaling na spy. Actually apat sila, may mission na kaagad ang leader nila." Nakatingin lang ako sa tatlong dalaga na masinsinan pa rin na nag-uusap.
Kung pagmasdan sila kung gaano sila ka-seryoso mag-usap ay nakakakaba. Ganiyan din naman kami dati kung magplano, seryoso kaya nakikita ko sa kanila ang sarili namin.
"Panahon na ba na mabahala sa inasta ni Boss at ng grupo ni Juder?" Naagaw ang attention ko sa sinabi ni Fresha. Panahon na nga ba at dapat na ba talaga kaming kabahan? Ang hirap kumapa, lalo na kung hindi namin alam ang nangyayari simula pa lang. At isa pa, hindi ko sila kasama araw-araw rito.
Tumingin sa amin si Almina at bumaling sa labas ng pinto. "Mag-usap tayo sa bahay," she said. Sumang-ayon naman kaming apat at saka sumunod sa kanya na nauna nang umalis.
Ang mga tinginan ng mga bagong salta sa amin ay kakaiba, may mga kuryusong nababakas sa mga mukha nila at mga masasamang tingin na ibinigay sa amin. What's their problem? Baka tapunan ko kaagad sila ngayon ng kutsilyo sa kakatingin nila.
Napahinto naman kaming lima nang tinawag kami ni Juder, nakangisi niya kaming tiningnan. Naglakad ito papalapit sa amin kasama ang isang miyembro niya na nakangisi rin. They smirked. Ano bang mga problema ng mga tao ngayon at kung makatingin parang mga baliw.
"Aalis na ba kayo? Ayaw n'yong antayin si Boss?" she asked na para bang may laman ang mga bawat salita niya.
Lumapit sa kanya si Almina, "May bagong mission daw ba para sa amin?" she asked. Natawa naman silang dalawa. Tanging pagkunot noo ko lang silang tiningnan. Anong nakakatawa sa tanong ni Almina?
"Bagong mission? Hmm, bakit mo naman naisip na bibigyan kayo ng mission ni Boss? Hindi n'yo ba alam ang balita patungkol sa inyo?" Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya, anong balita?
Nagkatininginan kaming lima, nagtataka sa sinasabi ng bruhang 'to. Nag apir naman silang dalawa na halatang tuwang-tuwa na wala kaming alam sa nangyayari. Putulan ko kaya ng mga dila 'tong mga ito? Nakakainis ang mga tawa nila, masakit sa tainga.
"Base in your expression, wala nga talaga kayong alam. Bakit kaya hindi muna tayo umupo at pag-usapan ang dapat pag-usap," she said na may pang-aasar sa mukha nito.
"At bakit naman kami maniniwala sa'yo? Sa ugali mo pa lang na kilala namin, walang dapat na maniwala sa mga sasabihin mo kung ano man 'yan." Bumaling naman si Juder kay Jersey nang magsalita ito.
Naiinis ako sa pagtawa nilang dalawa. Ginagawa niya kaming bobo. Pailing-iling siya sa amin.
"Kayo rin, basta huwag n'yo akong sisihin na hindi ko sinabi kaagad sa inyo, I'm just being helpful lang naman." Umirap ako sa kanya, supalpalin ko siya d'yan eh.
Tumingin ako kay Almina na seryosong nakatingin sa dalawa. "Maniniwala ba tayo sa isang 'to?" tanong ko at sinamaan ng tingin si Juder, she formed an 'O' nang tumingin siya sa akin, she looked at me from head to toe. Para bang sinusuri talaga ako at nakatawa pa.
"Kasama n'yo pa pala ang isang 'to? Akala ko naman, namatay na." I was about to punch her nang pigilan ako ni Munique. "Easy girl, para kang asong ulol." Damn!
"Really? Sino ba sa atin ang mukhang asong ulol na gagawa ng ka-trayduran para lang mapansin ni Boss?" I smirked.
"Stop this nonsense," Almina said kaya napatigil ako at umayos ng tayo. Mapapatay ko na ang babaeng ito. Ang daming sinasabi.
"Sige, papakinggan ka namin ngayon. Sa oras na mali ang mga sasabihin mo, hindi kami magdadalawang isip na ubusin ang grupo ninyo," dagdag ni Almina pero mukhang hindi natinag ang dalawa, mas ginaganahan pa yata sila.
"Okay girls, follow us." Naglakad na silang dalawa, at bago pa kami sumunod tumingin muna kami sa isa't isa.
"Are we sure about this?" Munique asked.
"Yes, just this time. Paniwalaan natin siya nang mapaghandaan din natin ang mangyayari." I nodded of what Almina said. Yeah, just this time.
Sa inasta ng dalawa kanina, mukhang hindi nga sila naglalaro lang. They knew something na hindi namin alam.
Pumasok kami sa silid kung saan laging tambay ang grupo nila, pangalawang beses pa lamang kaming nakapasok dito. Ang una ay noong nagpipilian kami ng magiging tirahan bawat grupo, ito ang unang pinili naming kwarto pero inagaw ng grupo nila dahil gusto rin nila. Wala kaming nagawa kundi ipaubaya sa mga baliw na katulad nila.
Nandito rin ang tatlong miyembro, ang isa ay masama ang tingin sa amin at ang dalawa naman para lang kaming hangin nang pumasok kami. Ano pa nga bang bago? Lagi naman na ganito ang turingan ng grupo namin, magka-away sa lahat ng bagay.
"Umupo muna kayo, baka sabihin ninyo na hindi namin kayo inalagaan sa munti naming tahanan," Juder said, smiling like a bitch.
"Nah, no thanks. Baka sa pag-upo namin, may mga patibong kayong inilagay sa mga upuan ninyo dito." Umiling si Juder sa sinabi ni Jersey.
"Aww, ang overthinker n'yo naman ladies. But anyway, shall we start?" Umupo siya sa isang sofa, sumunod naman ang mga kasamahan nito at habang kami ay nakatayo lang, inaantay ang palabas ng mga 'to.
"Spill it Jude, stop playing around."
Kahit si Almina ay naiinis na rin sa kanya, ang tagal kasi magsalita. Puro ngisi lang, parang tanga. Well, tanga naman talaga siya.
"Easy, sige." Lumingon siya sa isang miyembro nito, tumango naman ang babae at umalis. Pagbalik niya, may dala na siyang papel.
Inabot niya ito sa amin, kaagad naman hinablot ni Almina ang papel at lumapit kami sa kanya para makibasa.
"What's the meaning of this?" I asked, nagtataka sa nabasa. Bakit kami natanggal sa listahan?
"Obviously, wala na kayo sa organisasyon." Kumunot ang noo ko at tiningnan ang mga kasamahan ko, pati sila ay nagtataka.
Sino ba naman ang hindi? Nag-plano lang kami na aalis kami pero ngayon, malalaman namin na kusa kaming inalis. Ang tanong, bakit? Anong dahilan kung bakit kami tinaggal.
"Are you sure na galing ito kay Boss? Baka naman gawa-gawa n'yo lang ito?" Tumingin si Munique sa kanila, bakas sa boses nito ang pagkairita.
Taka naman kaming tumingin sa kanila nang sabay-sabay silang tumawa, baliw lang?
"Actually, para na nga naming trinaydor si Boss eh." She stopped, tumayo siya at lumapit sa amin. "Dahil sinabi namin sa inyo ang mangyayari, but to tell you honesly, para hindi niyo kami pag-initan. Galing talaga sa kanya 'yan, ninakaw ni Lisa sa opisina niya." Kumaway naman ang sinasabi niyang Lisa. I don't know their names and I don't care.
"Kakausapin namin si Boss," Almina said and she was about to go out nang magsalita ulit si Juder, napatigil kami sa pag-alis.
"Prepare your lives, girls."
The moment she said those words, bumalot ang kaba sa dibdib ko. Mabilis kaming umalis sa lugar na 'yon at nagmamadaling pumunta sa kotse ko.
Walang nagsalita kahit isa sa amin nang makapasok kami sa kotse, nagsimula na rin akong magmaneho patungo sa hide out namin.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko kung bakit kami tinaggal ni Boss, may nagawa ba kaming mali na hindi namin alam at siya lang ang nakakaalam? May mga bagay ba kaming nilabag sa organisasyon?
"This is frustrating!" biglang sigaw ni Munique at nagpabasag sa katahimikan. Rinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
"Wala ba talaga sa atin ang may alam sa mga nangyayari? Almina?" she asked.
Hindi kami nakatanggap ng sagot mula kay Almina. Sakto naman ay nakarating na kami sa hide out namin, tahimik kaming pumasok maliban kay Munique na kanina pa nagrereklamo. Ano bang alam din namin? Hindi rin namin alam ang sagot sa mga tanong niya, magkasama kaming lima na walang alam sa nangyayari.
"Almina," tawag ko at lumapit sa kanya. "Kaya pa?" dadag kong tanong. Napahilamos siya sa mukha niya, halatang stress na rin.
Umupo na rin kaming apat at nakaharap sa kanya. "I will ask her tomorrow, kailangan kong alamin ang rason," she said. Agad akong umalma.
"Hindi ba puwedeng ipakita muna sa kanya na wala tayong alam? Baka mapahamak ka, Almina." Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil. Alam kong nahihirapan din siya, lahat naman kami.
"Kaya ko ang sarili ko, Klai." Tumingin siya sa amin isa-isa. "Para sa inyo, kakayanin ko." I bit my lower lip at umiwas ng tingin sa kanila. Bakit ba nangyari ito sa amin. Masyadong mabilis.
"I have a plan." Otomatiko akong lumingon sa kanya, ang tatlo rin ay seryosong nag-aantay sa sasabihin nito.
"Munique, Fresha and Jersey. Please do me a favor." Kumunot ang noo ng tatlo, kasama na ako.
"Ano na naman iyan? Lahat ba tayo makakaligtas?" bakas sa boses ni Fresha ang pag-alala.
Taka naman akong tumingin kay Almina nang umiling ito, ano ang ibig niyang sabihin? "What's with that shrugged?" I asked. Pero tanging pagngiti lang ang sinagot niya sa akin.
Bumalik ang tingin niya sa tatlo at ang huling sinabi niya ang nagpatahimik sa aming apat.
"Maghanap kayo ng lalaking ma-impluwensya para maging ligtas kayong tatlo, Klai already had one."
"You're crazy! Paano ka?" Tumayo na si Jersey at napasigaw.
"Almina," pagtawag ko ngunit iba ang sinabi niya.
"Save yourselves,"

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEWhere stories live. Discover now