18

35 1 0
                                    


He looked at me like I did something wrong, ang sama ng tingin niya sa akin ah.
"Wow, we have a beautiful ladies." komento ng isa na kung hindi ako nagkakamali ay Easton ang pangalan niya.
I looked at the two guys, Braxton and Waylon. Ang titibay, parang walang nangyaring trahedya sa buhay nila noong nakaraan. Buhay na buhay.
"Gentlemen, I want you to meet our best in motor race for the last six years. We called them, Lunatic ladies." Lucio announced like he is so proud of us.
"Hi, I'm Almina. Their big sister." Inilahad niya ang kanyang kamay para magpakilala.
I almost rolled my eyes when the four of them ay nilandi si Almina, maliban sa isang kanina pa ako tinitingnan. Tinanguan niya lang si Almina. Sungit.
Sumunod namang nagpakilala ang mga kasamahan ko, huli akong nagpakilala na sana hindi ko na ginawa dahil kilala na rin naman nila ako.
"She's your wife, right? Cool." parang batang saad ni Jace.
"Wife?" Tumingin ako kay Lucio nang nagtaka ito. Munique tapped his shoulder.
"Huwag ka nalang maging chismoso. Can we start the race na ba?" she said at inakbayan si Lucio na nagtataka pa rin akong tiningnan.
"Super busted na talaga tayo sa asawa mo girl," bulong sa akin ni Fresha kaya siniko ko siya. Ang ingay, malapit lang sa akin si Tucker eh.
"Okay, position na kayo sa puwesto ninyo. I'll write your name and let's start the race right away." Lucio said and walked away from us.
Naiwan naman kaming sampu, nagsimulang mag-uusap ang mga kasamahan namin pero ako ay tahimik lang kahit nakaka-frustrate ang taong katabi ko.
"You didn't tell me na dito ka pala pupunta?" sabi ng kung sino, wala akong naririnig. Bahala siya riyan.
"Violation one, hindi ka nagpaalam kay Party A. Guess what, that's in our contract. Number 15." I rolled my eyes, paano ko malalaman kung hindi ko pa naman talaga binasa 'yon.
Violation my foot!
"Nag-aaway ba kayo love birds?" ilang ulit ko na bang inirap ang mga mata ko ngayong araw. Ang sarap paputukan ng baril si Jersey nang sabihin niya iyon.
"Kayo na nalang ang magkakarera, aalis kaming dala--"
"NO!" I shouted to stop him. Anong aalis? Ako nga ang nag-imbita sa kanila rito tapos ako ang aalis. Desisyon na naman ang gago!
"I am not going anywhere. Tara na nga." Hinila ko Si Fresha ng siyang malapit sa akin. Baka ano pang sabihin ni Tucker para paalisin ako.
"Let's end this race tapos alis na tayo." I said to them.
"Tayo? O baka kayo, bakit naman kasi ang liit ng mundong ibabaw. Dito pa talaga natin sila nakita." Jersey said.
"Let's just enjoy this day at bukas na tayo ma-stress ulit." As Almina said, kaagad na kaming pumwesto sa kanya-kanya naming motor na nandito na sa racing area. I saw the guys too na naka puwesto na rin.
Kahit malayo siya sa akin, ramdam ko ang masamang tingin niya sa akin. Sige lang, samaan mo pa.
Lumapit sa amin si Lucio para sabihin ang premyo na makukuha. "You'll get half million in this race kaya galingan ninyo. Though, mukhang wala silang pakealam din sa premyo but you girls. I know you want this, not just the enjoyment." he said. Tanging pagtango nalang ang ginawa namin at pinalayas na siya.
Ang unang hudyat ng putok ng baril ay naka-ayos na kami. Pangalawang putok ay pina-andar na namin at ang panghuling putok ng baril ay siyang hudyat na simula na talaga ng karera. Nangunguna ulit si Munique sa amin at sumunod naman kami. Hindi ko na pinansin ang kalaban namin, mas gusto kong aliwin ang sarili ko sa bagay na matagal ko nang gustong gawin ulit.
I missed this feeling, the wind when I drove my baby. Parang ito talaga ang buhay ko, ang gusto kong gawin. Ang huwag pumatay ng mga inosenteng tao kundi magbuhis buhay nalang sa karera na katulad nito. Napapagod na akong mabuhay sa ginagalawan ko ngayon, lalo na ngayon na bantay sarado na talaga kami ni Boss. Kapag isa ka sa organisasyon ay para ka na ring nagkakarera kay kamatayan. Hindi mo alam kung bukas ay buhay ka pa ba o hindi na. Hindi mo hawak ang magiging buhay mo, kailangan mo lang talagang iwasan si kamatayan habang pumapatay ka.
"Shit!" I cursed when I saw somone behind me, pilit siyang lumalapit sa akin. Tangina!
I know already kung sino siya, Tucker Burton! Mapapatay kita mamaya.
"Damn it!" I shouted kahit alam kong hindi maririnig ng lahat dahil sa ingay ng mga motor namin at sigawan ng mga tao na nanunuod dito.
Imbis na mag-enjoy ako rito, may umeepal na naman. Bullshit!
Nauunahan na ako ng iba pero kaming dalawa nasa dulo pa rin, hindi ako maka-usad dahil sa paulit-ulit niyang pagharang sa akin. Nababaliw na ang isang 'to, pati ako ay nababaliw na rin sa kanya. Mamaya ka lang talaga!
I sighed at hinanda ang sarili. Sige, you want a game Burton? Then I'll give it you, baby. I smirked bago ko gawin ang bagay na gusto kong gawin sa kanya ngayon.
Tumalon ako sa taas niya at hindi ko alam kung nagulat ba siya sa ginawa ko dahil napahinto ito sa gitna. Sa sobrang lakas siguro ng talon ko, muntik nang mawalan ng balanse ang motor ko pero nagawan ko pa rin ng paraan para magpatuloy sa karera. Kinakabahan pa ako kanina dahil iniisip ko rin kung anong mangyayari sa kanya habang umaandar siya at tumalon na lang ako bigla. Kasalanan niya naman, iniinis niya ako.
Malapit ko nang maunahan si Munique at Waylon. Silang dalawa ang nag-uunahan ngayon kaya mas lalo ko pang binilisan. Ilang rota pa naman ang dadaanan namin bago mapunta sa finish line.
Natuwa naman ako nang ako na ang nangunguna sa kanilang lahat. Isang harurot nalang ay matatapos na ako. Binilisan ko pa lalo pero naging abala ang malaking bato sa gitna. Tatlo pa sila kaya wala akong ibang ginawa kundi ang ginawa ko kanina kay Tucker. Pinatalon ko ulit ang baby ko. Hindi ko namalayan na malayo pala ang pagtalon ko sa ere kaya ang ending bumagsak ako sa lupa. Hindi ko ininda ang sakit sa likod at siko ko, inayos ko ulit ang motor para magsimula na sana nang biglang nag-aanounce ang announcer.
"Wow! We have a winner tonight, how amazing Ms. Lyndysy from Lunatic Ladies. Walang kupas pa rin ang galing!" Lumingon ako sa harap at doon ko lang napagtanto na ito na pala ang finished line. Ang tatlong bato pala ang basehan na tapos na ang unang round.
"Damn! You won bitch!" Hinampas ako ni Jersey sa balikat kaya kaagad akong napa-aray. May tama pa ako roon dahil sa pagkabagsak ko.
Akmang magsasalita pa ang mga kaibigan ko nang may biglang humila sa akin kaya naramdaman ko na naman ang sakit sa braso ko. Gago!
"Are you crazy? What you did earlier is killing me. Damn you, woman." He checked my face and my body. Galit na may halong pag-alala ang boses at mukha niya. Umatras ako ng bahagya mula sa kanya.
"Ang OA mo, hindi pa naman ako patay," I said and rolled my eyes.
"Let's go, this will be your last game woman." the hell?
"Nag-dedesisyon ka na naman sa akin. Wala namang nangyari eh."
"Wala? What do you mean nothing? You jumped, you fucking jumped na para bang ang cool mo na tingnan. Hell no, it's not cool for me. Delikado iyon para sa'yo." Naiirita ako sa panenermon niya. Akala siguro nakaka-kilig. Sakto lang naman.
"Oh, caring husband." said Munique.
"Hmm, you have a demanding guy, bff." Fresha said and she tapped my shoulder.
"Ano na kaya si Klai next week dahil sa asawa niya?" segunda naman ni Jersey.
"That's enough. Umuwi na tayo and you Klailea." Almina pointed her finger at me. "Sumama ka na sa asawa mo, kami na ang bahala sa premyo." she said.
"Paano 'yong motor ko?" tanong ko nang napatingin ako sa baby ko.
"Ako na ang bahala, let's go." Hinila na naman ako ng demanding na lalaking ito.
Ang lakas talaga ng tama niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse, pumasok akong hindi siya tinignan. Hindi manlang ako nakapag-paalam talaga sa kanila. Bastos talaga nito, dinadamay pa ako.
"Next time, don't do that. Delikado 'yon." ulit niyang panenermon.
"Scared?" asar ko pa.
He smirked. "Of course, wala na akong mahanap na ibang babae kung mamamatay ka at saka, you already signed the contract. You should take your responsibility." whatever.
"Okay, Mr. Burton."
Nang makarating kami sa mansyon, kaagad na akong pumasok sa kwarto namin at naligo. Ang sarap ng tubig, nakakagaan sa pakiramdam. Bigla yatang nawala ang pagod ko mula kanina.
Pagkalabas ko sa kwarto ay laking gulat ko nang makitang nakahiga na si Tucker sa kama. "Anong ginawa mo rito?" I asked. Tiningnan niya lang ako ng walang emosyon sa mukha.
"This is my room,"
"Saan ako matutulog? Hindi ka naman natulog dito noong nakaraan ah. Doon nalang ba ako sa tinulugan mo?" sunod-sunod kong sabi.
"Stupid, we will sleep together. Sleep beside me,"

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant