46

37 1 0
                                    


Habang nasa biyahe kami papunta sa school ni Thrunder, hindi ko siya kinausap. I don't feel to talk with him. What he did last night to me is humiliating pero pumayag din ako. Ang tanga ko rin. And what the hell is he talking about na asawa niya ako? The wedding is cancel years ago.
"We're here," he said as he parked the car in the parking lot. "Minute by now, lalabas din siya."
"Can we go out and wait him outside?" I asked. Pakiramdam ko kasi kapag magkatabi kaming dalawa mas lalong nasasakal o hindi ako makahinga dahil sa presensya niya.
Tumingin siya sa akin na nagtataka, "We can wait him here," sagot nito na mas lalong ikinainis ko.
Hindi niya ba maramdaman na ayaw ko siyang kasama o makatabi manlang. "Lalabas ako at aantayin ang anak ko." Mabilis kong inalis ang seatbelt sa katawan ko at lumabas sa kotse. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga niya pero hindi ko na pinansin pa, gusto ko nang makita ang anak ko.
Ano kayang itsura niya sa maliit na suot nitong uniform? Sigurado akong bagay sa kanya. Hindi man ako ang kasama niya simula nang masilayan niya ang mundo alam kong bagay sa kanya lahat ng susuotin nito. Ako pa rin naman ang unang nagbihis sa anak ko, ako ang ina niya. Ako lang, hindi si Celine o kahit na sino.
"Daddy!" Mabilis akong lumingon nang marinig ang boses niya, binalingan ko rin muna si Tucker nang mapagtantong nasa gilid ko na siya. "Daddy! What are you doing here?" Pati ang boses ng anak ko gusto kong marinig araw-araw.
"You're with your friend," dagdag nito kaya bumaba ako para mapantayan siya. "Hi!" Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit.
"Hello, baby. I am Klai, you can call me Tita Klai." Of course not, ayaw kong maging tita mo o tita ang itawag mo sa akin.
"Hey, she's your uhm T-tita Klai. She will come with us today." Tumingin ako saglit kay Tucker nang sabihin niya iyon at agad din namang bumaling sa anak ko.
I smiled at him, gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka sa oras na gumawa ako ng katangahan sa harap niya, matakot siya sa akin. I don't want that to happen, baka iyon pa ang maging dahilan na hindi ko na ulit siya makita. As much as possible, tuloy ang pagpapanggap ko na hindi ako ang mommy niya.
Hinawakan ko siya sa dalawang maliit na kamay nito, ang lambot. Pinigilan ko rin ang sarili kong umiyak, namimiss kong hawakan ang kamay ng anak ko. Ako ang unang tao na nakahawak sa kanya at labis akong nangungulila sa kanya. "Tabi tayo sa likod?" Nakangiti kong tanong. Ngumiti siya nang malapad sa akin sabay tango na mas lalong ikinahina ko.
Sabay kaming sumakay sa likod ng kotse, sumunod naman si Tucker at simula no'n hindi ko na siya tiningnan. Nakatingin lang ako sa anak ko habang hinahaplos ang buhok nito. Nagulat pa ako namg hawakan niya ang kamay ko, bigla akong nanlumo. He looked at me with a smile.
"Tita Klailea, I have kwento po."
"Yes, baby? What is it?"
"I don't have a mommy, but Tita Corrine told me that she is my mommy. And daddy told me that I don't need a mommy, but for me. I want a mommy, can you be my mommy for today?"
Napatingin ako kay Tucker sa salamin niya at tumingin din siya sa amin. Hindi agad ako makapagsalita o makasagot manlang sa anak ko. Paano kung sabihin ko sa kanya ngayon na ako talaga ang tunay niyang mommy.
"Of course, I can be your mommy....today." Humina ang boses ko sa huling salita, hinawakan ang kamay niya at hinalikan ito.
Susulitin ko ang araw na ito na maging mommy niya ako, maramdaman ko manlang na kahit saglit ay nakasama ko ang anak ko na nagsasalita na."Yehey! You heard that, daddy? I have a new mommy!"
Hindi kumibo si Tucker hanggang sa makarating kami sa Star City. Masayang lumabas ang anak ko nang makita ang labas. Tumakbo pa ito palayo kaya kaagad ko siyang hinabol, ang dami pa namang tao ngayon kasi araw ng Biyernes.
"Hey baby, gusto mo ba roon?" Tinuro ko ang isang stand ng maraming laruan. Pumalakpak naman siya at tumango nang paulit-ulit.
"Yes mommy! Let's go!" Hinila niya ako paalis pero bigla siyang tumigil kaya nagtaka ako. "Where's daddy? Oh---come here, daddy!" Binalikan niya si Tucker at hinila rin palapit sa akin. Hinawakan niya kaming dalawa at sabay na tumakbo.
"How do we get that? We need to use a gun? Daddy, do you have a gun with you-" Kaagad na tinakpan ni Tucker ang bibig ni Thrunder.
"Hey, be quite. I don't have a gun with me, but they have a gun to use that. I will get if for you, okay?" Gusto kong matawa sa mukha nilang dalawa, halatang nabigla si Tucker sa sinabi ng anak ko.
Ayan kasi, pinakita niya yata kay Thrunder na gumagamit siya ng baril. Sabagay, pinatambay niya ang anak ko sa head quarters nila.
Tucker was about to get the toy gun pero kinuha ko ito sa kamay niya para ako na ang gagawa. Nagtaka pa siya kung bakit. "Gusto kong ako ang kukuha para sa anak ko," bulong ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Wow! You also know how to use a gun, mommy?" Ang sarap talaga pakinggan ng salitang mommy mula sa anak ko.
"It's just a toy gun, baby. Yes, I know how to use this." Ginulo ko ang buhok niya. Hinawaka naman siya ni Tucker para gumilid sa akin.
"Let's cheer mommy." I heard him say. Napatigil pa ako saglit dahil sa narinig mula kay Tucker pero agad ko rin' hinayaan iyon, this is just a role play.
Nag-cheer nga ang anak ko kasama si Tucker, lumapit na ang iilang tao dahil sa ingay nilang dalawa. Nakarinig din ako ng palakpakan sa tuwing nakatumba ako, eh halos lahat natumba ko. "Wow! You did great, mommy!" Lumingon ako sa kanilang dalawa pagkatapos. Binigay na rin sa amin ang prize na malaking dinosaur toy. "This is my favourite! Thank you, mommy. I love you."
I am surprised of what I've heard from my son, bumaling ako akay Tucker na ngayon ay nagulat din yata. Hindi nakaligtas sa akin ang paglunok niya. "Baby, saan mo pa gusto?" tanong niya kay Thrunder.
Nag-isip pa ang anak ko, nakahawak ang kamay sa noo na para bang malalim ang iniisip. "I want to ride something, daddy."
Dahil sa request niya at para na rin safe, pinili namin ang ferris wheel. Masayang nanunuod si Thrunder sa baba habang kausap nito ang katabi niyang malaking dinosaur na napanalunan namin. I moved away when I realized that Tucker is so near.
Halos manlaki pa ang mga mata ko nang lumapit ulit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko, gigil akong inalis iyon sa akin pero dumapo naman ang kamay niya sa lap ko.
"What do you thing you're doing, Tucker?" I whispered. Iniinis na naman ako nito.
Napaatras ako nang nilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. "I am with my wife, ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?"

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEWhere stories live. Discover now