64

49 2 0
                                    


Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakatingin lang ako sa matalik kong kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin inalis ang baril na tinutok niya sa akin. Pasimple akong bumaling sa iba kong kasamahan na tulad ko ay nagtataka sa ginawa ni Fresha.
"What the hell are you doing, Fresha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Almina.


Hindi siya sinagot ni Fresha, nakatingin lang siya sa amin na walang emosyon na tila ba matagal niya nang inaasahan na mangyayari ito. Bumalik ako kay Allesandra na masayang nakatingin sa amin, natutuwa siya sa nangyayari. She planned this?


"See? Kahit kayo ay hindi inasahan na mangyayari ito. Kahit ako ay hindi ko inasahan na magagawa ito ni Fresha, ang kaibigan na pinagkatiwalaan ninyo at mas tahimik sa inyong lima." Natatawang sabi ni Allesandra.


Lumapit sa kanya si Celine na masaya ring nakatingin sa amin. Ano bang nangyayari? Hindi pa rin ako makalayo kay Fresha, gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ang naiisip niya bakit niya ito ginagawa? O baka may plano ba siya, planong makaalis kami? Nagpapanggap lang ba siya na may galit sa amin kung ganoon?


"Fresha, anong problema?" Nauutal kong tanong. Mas lalo niyang diniin ang dulo ng baril sa noo ko, narinig ko naman ang pag-singhap ng mga kaibigan ko at mas lalo akong nagulat na kinuha niya ang baril sa kanyang likod para tutokan din ng baril ang mga kaibigan namin na akmang lalapit sa amin.


"Shut up! Diyaan lang kayo, walang lalapit sa akin!" sigaw ni Fresha. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang siyang nakitang galit. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari bagkus kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nababalik ka na ba, Fresha?" tanong ni Munique.
Mula sa mga tauhan ni Allesandra, walang kumilos para puntahan kami. Pinagmasdan lang nila kaming nahihirapan sa kamay ni Fresha.


"Siguro nga baliw na ako pero dahil sa inyo iyon! Kasalanan ninyo ang lahat kung bakit ko ito gagawin kaya huwag ninyo akong sisihin kung may mapatay ako sa inyo!" Wala pa rin akong maintindiha mula sa kanya.

Hindi na siya si Fresha, parang ibang tao ang kaharap namin ngayon na sobrang nagtanim ng galit at hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit niya. Mas lalo akong nagulat nang napaluhod siya kaya agad akong lumapit pero mabilis ding umatras dahil itinutok niya ulit ang baril sa akin. Mabilis akong lumapit kay Munique na malapit sa akin, nahihirapan din tumayo.

"Ginawa ko ang lahat para rito, para makasama ko ang pamilya ko! Kung sana hindi tayo tumakas noon ay hindi mamamatay ang magulang ko, kasalanan ninyo! Bakit ba ako sumunod sa inyo, bakit ko ba inasahan na kayo ang magiging dahilan para maging masaya ako!"

"Ano ang ibig mong sabihin, Fresha?" Si Almina na bahagyang lumapit sa kanya, hinawakan naman siya ni Jersey para pigilan. Nasa kanya na ngayon ang attention ni Fresha.

"Wala kang kwentang leader! Ang sabi mo ay hahanapin natin ang pamilya natin, hindi ako naniwala sa'yo dahil alam kong hindi mo iyon magagawa. Wala kang kwenta, mahina ka, Almina!"

Tumingin ako kay Almina na hindi makapagsalita, para bang may nasabi si Fresha na ikinahina niya lalo. Nahihirapan ako sa nangyayari, bakit ganito?

Tumingin ako kay Alessandra na masayang lumalapit sa amin, sumunod sa kanya ang mga tauhan niya. Pumalakpak siya na tila ba natutuwa sa palabas na na pinapanood niya. "Kung alam ko lang na may galit kayo sa isa't isa noon pa man ay sana hinayaan ko na lang na magpatayan kayo pero kung gagawin ko naman iyon ay hindi mangyayari ang araw na ito, matatagalan kayong magpatayan."

What the hell is she talking? Bini-brainwash niya si Fresha kaya ganito? "What's your plan? Bakit mo pa ba ito ginagawa? Matagal na kaming wala sa puder mo---"

TUCKER BURTON: Love Among Shadows (Arrogant Man Series 1) COMPLETEWhere stories live. Discover now