Tumango nalang si Dino at hindi na nagtanung pa. Sa isip naman ni aldas ay hindi mawala-wala ang kanyang hinala kina Adelina, arthon at ng punong tagapamahala dahil mukhang may tinatago ang mga ito. 'kung anoman iyon, aking aalamin.'

-----

Nakabalik na Sina Arthon at Adelina sa gusaling Principiante. Habang sila ay nasa loob ng elebeytor paakyat sa silid ni Kaizen ay nagsalita si Adelina. "Sigurado ka bang hindi tayo pinaghihinalaan ni punong tagapamahala?"

Tumingin si arthon sa ada at tumugon. "Hindi ako sigurado, maaring naniwala sila na hindi tayo ang traydor na nagpapasok sa espiya. Pero ang pagsisinungaling natin na hindi natin kilala kung sino ito, ay tiyak na hindi iyon pinaniwalaan ni punong tagapamahala. Dahil tangin tayong Tatlo lang ang nakakaalam kung sino ang nagmamay-ari ng awrang iyon."

Nagkaroon ng kumplikasyon sa expresyon ng mukha ni Adelina. " Tama ka, tiyak Alam Niya, siya kaya ang naging tagapagturo niyo noon at nakita Niya kung paano kayong dalawa ni Neryum lumaki at lumakas."  Napabuntong hininga nalang si Adelina. "Anong gagawin natin ngayon arthon?". Marahan niyang tanong dito .

Hindi na sumagot pa si ginoong arthon dahil nakarating na sila sa palapag kung nasaan ang silid ni kaizen. Habang nasa harapan na sila ng pintuan ay napansin nilang Hindi ito nakakandado kaya nabuksan nila ito agad. Makikitang seryusong nag-uusap ang dalawa. At naririnig nila ang ekwenikwento ni Neryum hanggang sa matapos ito.

"Tungkol sa mga Diyos ba ang inyong pinag-uusapan?" Tanong  ni Adelina ng makalapit ito.

Lumingon si Kaizen, hindi Niya manlang namalayan ang presensya ng kanyang guro at ni Adelina dahil sa nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa kwene-kwento ni ginoong Neryum Avox.  "Kayo po pala guro, mabuti naman at nakarating narin kayo dito sa wakas." Bati Niya sa mga ito.

"Oo, pasensya na at medyo natagalan dahil kinailangan pa namin magpaliwanag Kay punong tagapamahala tungkol sa nangyari."  Sagot ni arthon Kay Kaizen ngunit Kay Neryum ito nakatingin.

Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon ang mukha ni Neryum Avox. Inaalala Niya na baka nakilala ng punong tagapamahala ang awrang Nilabas Niya kanina.

Nabasa naman ito ni arthon. "Huwag ka ng magtaka Neryum, hindi imposibling makilala ka Niya, sapagkat siya lang naman ang tumulong sayo upang hasain yang kapangyarihan mo." Pagkumpirma Niya sa hinala nito.

Napatungo naman si Neryum. "Alam ko, handa naman akong tangapin ang Parusang kanilang ipapataw," tumingin ito Kay arthon na may pakikiusap. "Arthon, Adelina, at sa iyo bata,, pakiusap tulungan niyo mo na ang kapatid ko"

Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ni arthon at Adelina at tumugon dito. "Ano ka ba, syempre naman, matagal na namin plinano ni Adelina na hanapin ka ng sa ganun matulungan ka namin."

"Tama siya Neryum, medyo naiba nga lang ang naging sitwasyon at sa ganito pa tayo pinagtagpo. Siguro ito na ang paraan ng tadhana upang tayo ay magkatagpo-tagpo rin sa wakas." Masayang dagdag na tugon naman ni Adelina.

Napangiti naman si kaizen. "Kaya ginoong Neryum, makakaasa ka na tutulungan ka namin pagalingin ng lubusan ang iyong pinakamamahal na kapatid."

Naluluhang nagpapalit-palit ang tingin ni Neryum sa kanilang Tatlo. Hindi nito lubos maisip na sa Kabila ng kanyang ginawa sa mga ito ay magagawa pa siyang tulungan ng bukal sa kalooban ng mga ito. "Ma-maraming salamat sa Inyo! Tatanawin ko itong malaking utang na loob."

Lumuhod ito paharap Kay Kaizen, habang nakataas ang kanan kamay, napakunot noo naman si Kaizen sa kinikilos ni Neryum. Habang nabigla naman sina Arthon at Adelina, may ideya sila kung ano ang binabalak nitong gawin.

"Ako, si Neryum Avox, mula sa lahing avoxian ay nanunumpa sa harap ng mga Diyos sa kalangitan na ako'y magiging matapat na tagapaglingkod ni Kaizen redvil, proprotektahan siya at lalaban kanino man kahit kapalit  pa ito ng aking buhay!"

Pagkatapos nitong bangitin ang huling salita ay bigla nalang itong nagliwanag, mula sa dibdib nito ay may lumabas na Isang linyang kuryente at pumunta sa dibdib ni Kaizen deretso sa kanyang puso. Ng maglaho na ang linyang kuryenteng iyon ay naramdaman ni Kaizen ang koneksyon Niya Kay ginoong Neryum. Nagtataka siyang napatingin dito.

"Ano po ang nangyari sa atin ginoo?" May pagtataka niyang tanong.

"Bumuo ng kuntrata ng katapatan si Neryum sa iyo Kaizen!" Bulalas na sagot ni Adelina.

Napangiti naman si Neryum at hinawakan si Kaizen sa balikat. "Master, ako ang iyong bagong tagapaglingkod at protektor mo na rin. Ang aking buhay ay nakatali na sa iyo".

Hindi ito masyadong maintindihan ni Kaizen kaya tumango nalang siya.

Napaubo naman si arthon, at nagwika. "kailangan na natin puntahan ang iyong kapatid, saka na natin ituloy ang pag-uusap tungkol sa mga nangyari ngayon araw. Sa ngayon, unahin na muna natin ang iyong kapatid Neryum." Seryusong mungkahi niya.

Nagliwanag ang mukha ni Neryum at mabilis na tumayo. "Sige, umalis na tayo at puntahan na natin ang aking kapatid, tiyak hinihintay na nito ang aking pagbabalik." Akmang mauuna na itong lumabas sa silid ni Kaizen ng pigilan ito ni Adelina.

"Teka lang!, hindi tayo maaaring umalis ng basta basta sa gusaling ito!". Mariing Saad ni Adelina. Nagkatinginan naman Silang lahat at nagtanung dito ng "bakit?".






The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now