Katotohanan

53 2 0
                                    

A/N: Continuation to Celestia_Encantadia's story, "Iisa"
______

"Nagsisinungaling ka lang" pagtanggi ni Lira sa kanyang narinig mula Kay Mitena, ayaw niyang maniwala sa sinasabi niyo Lalo pa't marami Ng beses itong nagsinungaling

"Bakit Hindi niyo subukan Ng malaman niyo" Paghahamon nito sa mga Sanggre, Nagkatinginan Naman ang mga ito...Ngayon pa na patapos na ay Saka Naman Sila nakaramdam Ng panghihinayang at pagdadalawang isip

"Kung totoo man ang sinasabi mo, bakit  hindi sinabi Ng Bathaluman ang bagay na ito!?" Tanong ni Alena

"Sinabi ko na sa Inyo Ang dahilan—"

"Kilala namin ang Bathaluman, Hindi Siya mag sisinungaling sa mga bagay na ito" pagputol sa kanya ni Alena, ramdam niya Ang kabang bumabalot sa kanyang kalamnan....nais niyang paniwalain ang sarili na ayos lang ang lahat... ngunit Hindi, marami Ng beses na nagsinungaling si Mitena, ngunit alam Niya na Hindi ito mag sisinungaling sa mga mahahalagang bagay na kagaya nito

Tumingin Siya Kay Mitena at sa sandatang hawak niya, nababalot na siya ng pagdadalawang isip, Laking gulat Niya Ng saksakin ni Pirena si Mitena mula sa kanyang likuran

"Magaling Hara" Saad ni Mitena Saka tumawa Ng nakakakilabot na tawa
_______

Samantalang naghihintay si Cassiopea sa Hardin Ng Lireo, nagliwanag ang kanyang Mga mata, napangiti siya Ng mapait sa kanyang Nakita, sa Oras na mamatay si Mitena ay alam niyang mamatay din siya, kasabay Ng pagpikit Ng mga mata Ng kanyang "kakambal" ay Siya namang panghihina Ng Bathaluman

"Ina? Ayos lang kayo?" Tanong ni Lilasari na napansin ang panghihina Ng Bathaluman, ngiti at Tanong lang ang sinagot nito sa kanya "bakit Kasi..hindi niyo nalang ipinagtapat sa kanila?"

"Mahirap na Lilasari...mawawalan Sila Ng tiwala sa akin, ayaw Kong saktan Sila" Malungkot na Saad nito, halos Pabulong na Ang tinig ng Bathaluman

"Naiintidihan ko Naman Ina, ngunit... Hindi ba mas masasaktan Sila pag nalaman nila na tinago niyo ang katotohanan"

"Ako na Ang bahala sa bagay na iyan" Saad nito na dahilan upang magtaka si Lilasari, tumayo ang Bathaluman ngunit agad rin siyang napaupo dahil sa panghihina na nararamdaman niya, ngumiti Siya Kay Lilasari Bago Siya tuluyang nawalan Ng Buhay, naglaho ang kanyang katawan... muling nag isa ang katawan nila ni Mitena.

Pinulot ni Lilasari ang kabilan na nahulog sa lupa, tinitigan Niya lang ito at bumulong "at paano Naman ang mararamdaman ko?"
____

Nagulat ang mga Sanggre Ng Makita nila ang pag iisa Ng katawan Ng kanilang Bathaluman at ni Mitena

"So..Totoo nga yung sinabi niya"  Saad ni Lira na Hindi parin makapaniwala

Napakurap nalang si Mira, Hindi dahil sa takot kundi dahil sa lungkot — pagsisisi sa kanilang naging desisyon na paslangin ang Kera Mitena...Hindi, ang kanilang pinakamamahal na Bathaluman

"Magbalik na Tayo sa Lireo" Saad ni Alena nang ito'y mahimasmasan sa naramdaman Niyang gulat, tango lang ang sinagot Ng mga kasama Niya, Hinawakan niya Ang balikat ni Lira na naluluha na at Tinanguan ito. Agad Naman silang naglaho pabalik Ng Lireo
____

Labis na Galit at pagsisisi sa Sarili ang naramdamdaman Ng Bathala nang kanyang malaman ang tungkol sa kamatayan ni Cassiopea, nakatayo lang Siya sa Azotea Ng Devas pinagmamasdan Sila, napalingon nalang Siya nang may maglaho sa likuran Niya

"Emre"

"Haliya. .napadalaw ka"

"Narinig ko ang nangyari" panimula ni Haliya na halata ang lungkot sa tinig , maga ang kanyang mata sa pagtangis "ayos ka lamang?. Galit ka ba sa kanila?"

"Oo, Galit Ako sa kanila Haliya ngunit... kailangan ko rin silang protektahan Lalo pa't nasasakupan ko Sila"

"Wag mong sisihin Ang iyong sarili Emre, alam mong hindi Niya ito magugustuhan" Saad ni Haliya, sumandal Siya sa Azotea Ng Devas at huminga Ng Malalim, Hindi Niya alam ang sasabihin sa Bathala dahil parehas lang silang apektado sa kamatayan ni Cassiopea
_____

"Nakabalik na Pala kayo?" Malamig na Tanong ni Lilasari, hawak Niya ang kabilan samantalang nasa kanilang Tapat ay si Imaw... malungkot at dismayado ang ekspresyon na pinakita Ng  Adamyan sa kanila

"Hayst, Hindi ko akalain na gagawin Niya iyon para lang sa kaligtasan Ng Encantadia, ngunit mas Hindi ko inaasahan ang padalos dalos niyong desisyon"

"Hindi namin Alam Nuno, Hindi namin Alam...Poltre" Pagtangis ni Alena,nakayuko lang ito

"Hayst, kahit gaano pa Ako kadismayado ay Wala Naman akong magagawa pa, nangyari na Ang nangyari" Saad nito, halata ang Pagkadismaya sa kanyang tinig

"Poltre..."

"AT SA TINGIN MO AY MAGAGAWA ANG PAGHINGI MO NG TAWAD!? HARA!" Sabay ni Lilasari at kinuyom Ang kanyang kamao

"Lilasari, parehas nating alam na hindi Niya pinagtapat ang totoo" pakikipagtalo ni Pirena

"Yan Kasi ang problema sa Inyo, agad agad kayong kumikilos nang Hindi inaalam ang kakalabasan, nang Hindi niyo inaalam ang katotohanan. Padalos dalos kayo Ng desisyon,na siyang dahilan upang mawala ang Isang nilalang na matagal Ng nangalaga sa atin"

Sinubukan ni Alena na magsalita, ngunit agad rin siyang naputol nang muling nagsalita si Lilasari

"Sana lang ay wag maging padalos dalos ang magiging desisyon niyo, sana ay Hindi ito makapahamak sa mga Encantado...lalong sana ay Hindi maging padalos dalos ito" pagkatapos Ng kanyang sinabi ay naglaho ito paalis Ng Lireo, Nagkatinginan lang Sila at umalis liban Kay Alena, tumingin  Siya sa Kalangitan, madilim ito bagamat Hindi pa sumasapit Ang Gabi, tila nag babagya ang ulan

"Poltre, Mahal na Bathaluman.." Saad nito,

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now